Chapter 15

3.2K 84 3
                                    

Kinakapa ko ang katabi ko pero hindi ko makapa si Ethan. Ang alam ko dito ako sa penthouse niya ako natulog kagabi. Bumangon na ako ng higa pero wala talaga si Ethan sa tabi ko. Tumingin ako sa sahig pero wala yung mga damit ko, saan napunta ang mga damit ko?

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Gising ka na pala. Good morning."

"Good morning. Nasaan pala yung mga damit?"

"Pinalaba ko na muna sa laundry yung mga damit mo. Don't worry, mamaya kukunin ko iyon kasama ng mga damit ko. Pagsamantalang suotin mo ay ang damit ko." Lumapit na siya sa closet para kumuha ng damit. Binigay na niya sa akin ang isang shirt at boxer short. "Iyan na muna ang suotin mo habang wala pa yung damit mo. At nagluto na rin ako ng pagkain, kumain ka na rin."

Mukhang ang ganda ng umaga ni Ethan ngayon noong inamin ko sa kanyang mahal ko siya. Tama na itong naging desisyon ko? Hindi ko ba pagsisihan ang lahat?

"Maliligo lang muna ako." Pumasok na ako sa loob ng banyo. Binuksan ko na yung shower. Cold water. Nakakarelax talaga.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na yung binigay na damit sa akin ni Ethan. Lumabas na rin ako ng kwarto niya at nakita ko si Ethan nanonood lang ng tv. Lumapit ako sa kanya, pinalibot ko ang braso ko sa leeg niya.

"Ethan."

"Bakit?"

"Ano na pala ang relasyon natin?" Tanong ko. Tumabi na rin ako sa kanya.

"Kahit walang bisa ang kasal natin pero alam ng mga tao ay kasal tayo. That means you're still married with this arrogant"

"Inaamin mo rin na mayabang kang tao."

"I can't deny that. Mayabang naman talaga ako bago pa kami nakilala, Dawn."

"Pwede pa naman ayusin ang lahat, diba? Ikaw pa nagsabi na kasal pa rin ako sayo. Asikasuhin natin ang mga kailangan. Kahit ang marriage contract natin."

"Sige, aasikasuhin ko yung marriage contract." Ngumiti ako sa sinabi niya. "Paglabas pala ni Logan sa ospital kung ayos lang sayo papakilala ko na siya sa pamilya ko."

"Baka ang araw na iyon ang tamang panahon malaman nilang may apo na sila."

"Hindi ko maimagine ang magiging reaksyon ng mga magulang ko lalo na si Tim."

Nagpapasalamat ako dahil nakalabas na rin ng ospital si Logan pero hindi pa rin daw pwedeng tanggalin ang bandage sa ulo niya hanggat hindi pa magaling ang sugat.

"Where are we going, mommy?" Tanong ni Logan sa akin. Pumunta kasi kami ngayon sa isang restaurant.

"May papakilala ako sayo, baby. I'm sure matutuwa ka."

"Talaga po? I can't wait."

Pagkapasok namin sa restaurant ay kinausap ko ang isang waitress. Ang alam ko kasi nandito na si Ethan ngayon. Tinuro na rin sa akin kung saan nakaupo si Ethan, nakita ko na rin ang gwapo kong asawa.

"Sorry kung ngayon lang kami dumating. Ngayon rin kasi ang balik ni tito Kei sa states."

"Ganoon ba? Ayos lang. Hindi naman ako naghintay ng matagal."

"Tito Ethan!" Lumapit sa kanya si Logan. Hanggang ngayon kasi wala pang alam si Logan na si Ethan ang ama niya. Ang alam lang niya kaibigan ko si Ethan.

"Hey, buddy. Musta ka na?"

"I'm fine. Bored na nga po ako sa ospital, eh. Mabuti nga pinayagan na ako palabasin."

"Magpagaling ka pa ah. Balita ko hindi pa magaling ang sugat mo sa ulo."

"Thank you for saving my life again." Ngumiti si Logan sa kanyang ama. Inaamin kong nakuha ni Logan ang ngiti ni Ethan.

Marrying With Mister ArrogantWhere stories live. Discover now