Chapter 6

3.5K 98 1
                                    

Palagi ko tinitingnan yung phone ko baka may message si Ethan o tawag. Nagpaalam kasi siya sa akin na out of the country daw siya for the business trip. Hindi naman niya sinabi sa akin kung saang bansa siya pupunta, baka iniisip niya susundin ko siya doon. As if naman.

"Thirty." Tumingin ako kay Emily. Ano ang ibig niyang sabihin?

"Anong thirty?"

"Thirty times mo na kasi tinitingnan iyang phone mo sa loob ng isang araw."

Iyon pala ang sinasabi. Binibilang pala ni Emily ang pagtingin ko sa phone ko.

"Ang weird mo talaga, Em. Tinitingnan ko lang kung may message si Ethan o tawag man lang."

"Huwag mong sabihin sa akin nagkakagusto sa kanya."

"Impossible. Kung anu-ano na talaga ang iniisip mo, Em. Maghanap ka na kasi ng boyfriend para hindi mo isip nagkakagusto ako kay Ethan."

"Wala pa ako nahahanap na lalaki. Punta tayong club para boys hunting."

"Boys hunting? Teka, Em may asawa na ako kaya hindi ako pwede maghanap ng--"

"Sa pananalita mo parang may gusto ka na kay Ethan."

"Wala nga akong gusto sa kanya. Ang kulit mo."

"Kung wala kang gusto sa kanya, papayag kang sumama sa akin. Baka makahanap ka rin ng lalaki na talagang magmamahal sayo."

"Oo na. Papayag na ako para tumigil ka na."

Kinagabihan, pagkatapos namin ni Emily sa trabaho ay sabay kami pumunta sa club. May club kasi medyo malapit sa building kung saan kami nagtatrabaho.

Pagkarating namin sa club ay pumewesto kami sa bar counter.

"Ano ang gustong inumin, Dawn?" Tanong ni Emily pagkaupo namin sa bar stool.

"Margarita na lang akin."

"Kuya gwapong bartender, dalawang margarita." Talaga itong si Emily. Sabagay may itsura naman yung bartender.

"Coming up, beautiful lady." Teka, pinapatulan ni kuya bartender ang kaibigan ko. Nilapag na ni kuya bartender yung inorder naming margarita.

"Thank you, kuya gwapong bartender."

"Anything for beautiful ladies like you both."

Bolero talaga ang mga lalaki, naalala ko tuloy sa kanya si Ethan. Ugh, bakit ko ba iniisip si Ethan ngayon?!

"Dawn, sayaw tayo sa dance floor. Baka doon tayo makahanap ng tamang lalaki para sa atin."

"Ewan ko sayo. Mauna ka na lang doon, susunod ako mamaya."

"Okay. Hintayin kita sa dance floor ah." Tumango ako kaya pumunta na si Emily sa dance floor para sumayaw.

Nakita kong pinalitan na yung gwapong bartender. Mukhang tapos na yung shift niya at uuwi na siguro. Pero nagkamali ako dahil pumunta rin siya sa dance floor. Naisipan ko na rin puntahan si Emily sa dance floor.

"Em.."

"Dawn. Tara, sayaw tayo."

Nageenjoy lang kami ni Emily sa dance floor hanggang may humawak sa braso ko, tumingin ako sa taong iyon pero natatakot ako sa mukha niya. Parang papatay ng tao.

"Bitawan mo ko!" Lumalaban ako para pakawalan niya lang ako.

"Nope. Hindi ko papakawalan ang isang magandang babae na katulad mo." Nakakatakot talaga siya lalo na pag ngumisi. Hindi bagay sa kanya.

"Let her go!" Rinig kong may sumigaw na lalaki. Teka familiar sa akin yung boses niya ah. Nakita ko siyang pumunta sa tabi ko, si Tim. Ano ang ginagawa ng kapatid ni Ethan dito?

"At sino ka naman? Nagpapabayani." Sabay tawa noong lalaki.

"Sa mga babae ay nirerespeto, hindi binabastos."

Nakita kong paanong patumbahin ni Tim yung lalaking bumabastos sa akin. Sana pwede niyang gawin iyan sa sarili niyang kapatid.

"Ah, jeez, Tim pumunta lang ako ng cr tapos pagbalik ko sa table natin wala ka na." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko noong marinig ang isa pang familiar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali.

Boses iyon ni

Ethan...

"Sorry, Ethan. May tinulungan lang akong babae kanina na binabatos ng lalaking ito."

"Psh, nagpapabayani ka na naman dito sa club. Gusto mo lang naman may magsabi sayo ng Oh my hero!" Natatawa pa siya habang sinasabi ang Oh my hero! Ganito ba ang ugali ni Ethan pag wala sa trabaho? Ibang iba kasi siya.

"Shut up, Ethan."

Nakita kong napatingin sa akin Ethan pero nagulat rin siya.

"Dawn?!" Tumingin rin sa akin si Tim. Pero lumalapit na sa akin si Ethan. "Anong ginagawa mo sa lugar na ito? Ugh, that's not important. Umuwi na kayo ng kaibigan mo."

"Uh, salamat sa offer, Ethan pero uuwi na lang ako magisa."

"Hatid na lang kita sa inyo. Tell me your address." Rinig kong pag alok ni Tim kay Emily.

"T-Thank you." Sabi ni Emily. Don't tell me, love at the first sight sa kapatid ni Ethan.

"We're going home."

"We're? Sa penthouse mo ko tutuloy?"

"Gusto mo ba? Pwede ka naman doon matulog pero tawagin mo muna ang mama mo para hindi magaalala."

Pagkasakay namin sa kotse ni Ethan ay wala sa amin ang nagsasalita pero naisipan ko na rin basagin ang katahimikan.

"Kailan ka pa bumalik?"

"Kanina lang ako bumalik galing sa business trip ko."

Hindi man lang ako tinawagan. Wala bang tiwala sa akin si Ethan? Tsk. Bahala na siya sa buhay niya.

"Hatid mo na lang ako sa malapit sa bahay namin."

"Huh? Biglaan naman yata."

"Nawala sa isip ko na kailangan ko pumunta sa kumpanya namin bukas. Pinapatawag ako ni papa na pumunta doon, may ipapakilala daw siya sa akin." Pagsisinungaling ko. Sumosobra na yata ang pagsisinungaling ko sa mga tao.

Nakakaguilty ang ginagawa namin pero para rin naman sa kumpanya namin kaya ko ito ginagawa.

"Oh? Wala ka naman balak pagselusin ako, no?" Ngumisi na naman ito sa akin.

"Bakit ko naman gagawin iyon? At saka hindi porket pumayag ako magpakasal sayo eh, bawal na ako lumapit sa iba."

"Ano ang sabi ko sayo dati ah?! Bawal ka na makipagusap sa ibang lalaki o lumapit kung ayaw mo magalit na naman ako sayo!" Tinaasan na naman niya ako ng boses. Nagseselos ba si Ethan? Ang sabi pala niya sa akin dati hindi siya marunong magpakita ng damdamin niya sa ibang tao.

"Sorry, hindi na mauulit." Yumuko na ako at hindi na nagsalita pang muli.

Napaisip ko lang, hindi kaya may gusto na sa akin si Ethan dahil hindi niya alam kung paano magparamdam ng damdamin niya sa ibang tao.

Hindi, malabo. Ang katulad niya ay imposibleng magkakagusto sa katulad ko.

"Good. Pag inulit mo ang nangyari ay paparusahan kita ulit. This time, hindi na kita papalakarin."

Marrying With Mister ArrogantWhere stories live. Discover now