Chapter 7

3.4K 87 0
                                    

Ethan's POV

Apat na linggo na noong hindi ko nakikita si Dawn. Ano ba ang nangyari sa kanya? Teka nga lang bakit ba ako nagaalala sa kanya?

Malamang asawa mo siya dapat talagang magaalala ka kung ano ang nangyari sa kanya.

Apat na linggo rin palagi ako pumupunta sa pinagtatrabaho niya pero ang sabi ng boss nila ay apat na araw na daw hindi pumapasok si Dawn. Hindi naman ako pwede pumunta sa kanila dahil kilala ako ng ama niya.

Nakita kong lumabas sa building ang kaibigan ni Dawn.

"H-Hey." Pagkuha ko sa atensyon niya. Mabuti na lang lumingon siya sa gawi ko.

"Bakit? May kailangan ka ba sa akin, Ethan?"

"Baka may alam ka kung ano ang nangyari kay Dawn. Apat na araw na siya hindi pumapasok, 'diba?"

"Aba, nagaalala ka sa kaibigan ko? Himala yata. Mukhang nagkakagusto na ang isang Ethan Hollis kay Dawn."

"Ayaw ko man aminin parang ganoon na nga." Para tuloy akong batang nahihiyang umamin sa crush ko. Pero inaamin kong hindi mahirap mahalin si Dawn dahil mabait siyang tao kaya hindi ko pwedeng saktan.

"Oh, oh.. In love na si Ethan sa best friend ko."

"Can you stop teasing me? Jeez, what a tease."

"Sorry. Natuwa lang ako dahil mukhang magkakaroon na talaga ng love life si Dawn."

"May alam ka bang ano nangyari kay Dawn ngayon?"

"Ang huling tawag sa akin ni Dawn kagabi ay sinugod daw sa ospital ang papa niya noong araw na hindi siya pumasok dahil binabantayan niya. Inatake daw sa puso." Nagulat ako sa sinabi ni Emily. Inatake sa puso ang papa ni Dawn.

"Wala bang binanggit si Dawn na iba?"

"Hmm? Ah! She told me na lalayo na siya sayo dahil nalaman nang papa niya ang tungkol sa relasyon niyong dalawa."

"Oh, I see."

"Inamin na rin ni Dawn ang nangyari kaya noong nalaman ni tito Scott na humingi ng tulong sayo si Dawn ay doon rin inatake sa puso ang matanda."

This is all my fault. Kung hindi ko kinalaban ang kumpanya nila noon ay hindi magiging ganito ang mangyayari ngayon. Masyado kasi ako nagmamagaling. Damn it. Kung alam ko lang na magkakagusto ako sa anak ng CEO ng Parker Empire.

Ano na ang gagawin ko ngayon?!

"Please, answer my call." Tinatawagan ko kasi ngayon si Dawn at umaasang sasagutin niya ang tawag ko. Ilang ring pero pinapatay niya ako ng tawag. Hindi sinagot ni Dawn ang tawag ko. Sinubukan ko ulit siya tawagan pero unattended na. Pinatay niya ang kanyang phone.

"Damn it! Ano ba ang ginagawa mo sa akin, Dawn?! Hindi naman ako nagkakaganito sa isang babae bago pa kita nakilala!"

Kinagabihan, naisipan kong pumunta sa bahay nila Dawn pero nakaparada lang ang kotse ko sa tapat ng bahay nila. Aabangan ko siya baka umuwi o lumabas si Dawn.

Tatlong oras na rin ako naghihintay pero mukhang hindi pa umuuwi si Dawn. Hanggang nakita kong may taxi ang huminto sa tapat ng bahay nila at may bumabang isang babae. Hindi ako pwedeng magkamali, si Dawn iyon. Kaya bumaba na rin ako sa kotse ko.

"Dawn!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya na may magpakagulat sa mukha.

"Ethan?" Tumawid siya papunta sa akin. "Anong ginagawa--"

Hindi ko na pinatapos ang gusto niyang sabihin dahil niyakap ko siya ng mahigpit.

"I heard from your friend, Emily what happen to your father. I'm sorry."

"Stop saying sorry. Hindi mo naman kasalanan, Ethan. Ako ang may kasalanan dahil sa simula pa lang ay sayo ako lumapit kahit alam kong ayaw ni papa ang humingi ng tulong sa kumpanya na nagpabagsak ng kumpanya namin. Kasalanan ko ang lahat na ito kaya inatake sa puso si papa at galit rin sa akin si mama." Nakita kong may namumuong tubig sa gilid ng mga mata niya, agad ko yun pinunasan gamit ang hinlalaki ko. "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para nabayaran namin ang hospital bill ni papa. Simulang lumugi ang kumpanya namin ay naubos na rin ang pera na inipon ni papa."

"Ako na bahala sa hospital bill ng papa mo, tumahan ka na."

"Ethan, bakit mo ba gusto kami tulungan? Alam ko namang may kapalit kaya mo ito ginagawa."

"Simple lang naman ang gusto kong gawin mo at sana pumayag ka."

"Ano iyon?"

"Stay with me."

"H-Huh? Ayaw ko naman lalong magalit sa akin ang mga magulang ko pag ginawa ko iyan."

"Once I said trust me, trust me. Okay? Magtiwala ka lang sa akin."

"Give me time to think."

"Okay, maghihintay ako hanggat handa ka na tumira kasama ko." Tumango siya bago tumawid ulit papunta sa bahay nila.

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagkakagusto na ako sa kanya dahil pag ginawa ko iyon ay baka masaktan ko lang siya. Ayaw ko mangyari iyon kay Dawn.

Ito na yung kinakatakutan kong mangyari ang magkagusto sa anak ng kalaban ng kumpanya namin.

"Hindi mo yata kasama ang asawa mo ngayon, hijo." Sabi ni mama. Dumeretso kasi ako sa bahay ngayon, ayaw ko na muna bumalik sa penthouse.

"Nasa ospital kasi ang papa niya ngayon kaya kailangan niya bantayan."

"Poor Dawn. Pero Ethan, gusto ko siya para sayo. Sa nakikita kong mabuting bata ang naging asawa mo at sana nga bigyan niyo na kami ng dad mo ng apo."

Nakokonsensya tuloy ako sa pagsisinungaling sa pamilya ko. Ginagawa ko lang naman ito dahil ayaw ko magpakasal sa babaeng hindi ko naman kilala.

"Soon, mama. Bibigyan ko kayo ng apo."

"Pangako mo iyan ah." Tumango ako kay mama.

Nagpaalam na ako kay mama at nilapitan ko na si Tim.

"Kailan mo balak sabihin sa kanila ang totoo?" Tanong ni Tim. Alam na rin ni Tim ang totoo, sinabi ko sa kanya noong gabi nasa club kami. Pagkauwi ko galing Germany.

"Kumukuha lang ako ng tyempo para sabihin sa kanila ang totoo." Tumingin ako kay mama habang busy siya utusan ang mga maids. "Pero sa ngayon ayaw ko magalit sa akin si mama. I made a promise."

"Na bibigyan mo sila ng apo. Ngayon, paano mo naman gagawin iyon? Ang balita ko ay may alam na ang pamilya ni Dawn tungkol sa relasyon niyong dalawa."

"Alam ko. Kaya nga nasa ospital ngayon ang ama niya nang dahil sa akin." Sabi ko pero hindi ako makatingin sa kapatid ko.

"What do you mean, Ethan?"

"Ako ang dahilan kaya galit sa akin ang ama ni Dawn."

"Oh? Sa nakikita kong guilty ka sa nangyari. Why? Did Dawn Parker changed Ethan Hollis?

"Hindi ko naman inaasahan na magkakagusto ako sa kanya. Ayaw ko siyang saktan kaya tinutulungan ko siya sa mga problema niya."

"Brother, alagaan mo siya dahil sa nakikita kong mahal ka rin niya. Iyon din ang nakikita ng kaibigan ni Dawn noong gabing hinatid ko siya." Pagkasabi ni Tim noon ay bumalik ulit siya sa kwarto niya.

"Ano ang ibig niyang sabihin? May gusto sa akin? No, ayaw ko umasa at malabo magkakagusto ang katulad niya sa katulad ko." Para akong baliw na kinakausap ang sarili.

Marrying With Mister ArrogantWhere stories live. Discover now