Chapter 21

2.9K 71 1
                                    

Ethan's POV

Kinabahan ako noong biglang mahimatay si Dawn kanina kaya sinugod ko siya agad sa malapit na ospital. Hindi ko alam kung ano nangyari sa asawa ko.

"Nothing to worry about your wife, mr. Hollis. Huwag sana siya mapagod o bigyan ng bagay na magpapastress sa kanya, but she's fine."

"Ano ang dahilan kaya siya nahimatay kanina?"

"Inaalam pa namin kung ano ang dahilan. Sasabihan kita agad kung nakuha ko na ang resulta."

"Thank you, dr. Greenwood."

"You're welcome. Kaibigan ko si Dawn kaya handa akong tulungan kayo."

"Nagkikita pa ba kayong dalawa?"

"Hindi. Ang huling pagkikita namin noong inooperahan ko yung anak niyo." Mabuti naman kung ganoon. Akala ko pa naman nagkikita ang dalawa. "You have nothing to worry about. May fiancee ako sa states kaya pagkatapos ng duty ko ng isang buwan ay babalik na ako doon para magpakasal kami."

"Wow. Congrats."

"Thanks. Sige, pupuntahan ko na muna yung ibang pasyente ko."

Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Damn it, hindi ako makalapit kay Dawn baka magising siya sa amoy ko.

"Ethan?" Gising na pala ang asawa ko.

"Bakit? Gusto mo bang lumabas ako?"

"No, dito ka lang. Huwag mo ko iwanan ah."

"Okay, dito lang ako."

"Ano pala ang nangyari?"

"Nahimatay ka kanina kaya dinala kita agad dito. Ang sabi ni dr. Greenwood na walang ikabahala, maayos naman ang kalagayan mo pero inaalam pa nila ang dahilan kung bakit ka nahimatay."

Three hours later...

May kumatok sa pinto, bubuksan ko na sana pero binuksan nang kumakatok kanina. Si dr. Greenwood lang pala.

"Hello, Dawn. Musta na ang pakiramdam mo?"

"I'm fine."

"Wala ka ba naramdaman kanina?"

"Sinuka ko ang lahat na kinain ko kagabi tapos hindi ko na nagugustuhan ang amoy ni Ethan."

Mabaho ba talaga ako?

"I see. For now, you have to do is to rest. Hindi ka pwede mapagod o ma-i-stress." Pagkatapos niyang kausapin si Dawn ay nagpaalam na si dr. Greenwood. "Mr. Hollis, can we talk outside?"

"Sure, doc." Sumunod naman ako kay dr. Greenwood. "Alam niyo na ang dahilan kaya nahimatay si Dawn?"

"Yes and also sa naamoy niyang kakaiba sayo ay wag ka magaalala, normal lang iyon lalo na nagdadalang tao ang asawa ninyo."

"Wha--" Nagulat ako sa balita. Buntis si Dawn?! "Really?"

"Yes, she is 4 weeks pregnant. Kaya dapat palagi siya uminom ng vitamins para maging malusog ang baby ninyo."

"Thank you, doc."

"Congrats din sa inyong dalawa. Magkakaroon na rin pala ng kapatid si Logan."

"Oo nga, eh." Naiiyak ako dahil buntis ang asawa ko. Naiiyak ako sa tuwa.

"At pwede na siya makauwi."

"Ah, sige. Salamat ulit."

"Congrats again and I have to go."

Bumalik ako sa loob at umupo ulit sa couch.

Damn, I want to kiss her right now pero magagalit sa akin si Dawn kung lalapit ako sa kanya.

Marrying With Mister ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon