Chapter 9

3.2K 80 3
                                    

Dawn's POV

Bago ako aalis ng bansa ay gusto ko makasigurado kung gising na si papa, nagiging maayos na yung kalagayan ni papa nitong nakaraang araw pero comatose pa rin siya. Habang papunta ako sa kwarto ni papa ay narinig kong ang boses ni mama para bang may kausap siya.

"Umalis ka na dito! Kung hindi dahil sayo kaya lumugi ang kumpanya namin at nang dahil sayo nandito ngayon sa ospital at walang malay ang asawa ko!" Ang lakas ng boses ni mama, sigurado akong rinig ng ibang pasyente.

"Alam ko naman pong hindi niyo mapapatawad sa nangyari, ma'am." Napalaki ang mga mata ko noong marinig ang boses ng kausap ni mama. Si Ethan ba iyon?

"Kahit kailan ay hinding hindi kita mapapatawad kung may mangyaring masama sa asawa ko! At lumayo ka na sa anak ko dahil una pa lang pagkita ko sayo ay ayaw na kita para sa anak ko!"

"Hindi ko po iyan magagawa dahil mahal ko si Dawn." Nagulat ako sa sinabi ni Ethan. Mahal niya ako? Kailan pa? Napatakip ako ng bibig damit ang dalawa kong kamay habang humikbi. Mahal ko ni Ethan? Bakit hindi niya sinabi sa akin iyon kagabi? Tatakot ba siya? Kainis, ang daming gumugulo sa isipan ko ngayon. "Hindi po ako makikipaghiwalay kay Dawn. Kahit ano ang gagawin ko para lang tanggapin niyo ko bilang asawa ni Dawn."

Ngayon ko lang narealized ang mga sinasabi niya sa akin noon.

"Trust me."

"Magtiwala ka lang sa akin."

"You have to trust me, because I am your husband."

Kaya pala palagi niya sinasabi sa akin na magtiwala lang ako sa kanya dahil may balak siyang makuha ang loob ng mga magulang ko. Pero ang selfish niya dahil hindi niya sinasabi sa akin ang balak niya.

"Ang selfish mo talaga kahit kailan." Hindi ko na tinapos ko ang pinaguusapan nila ni mama dahil umalis na ako sa ospital.

Tatlong buwan na rin ako dito sa Massachusetts, Boston, USA. May relatives kasi rito kaya kahit kailan gusto namin magbakasyon ay may matitirahan kami.

"Dawn." Tawag sa akin ni tito Kei. Kababatang kapatid ni papa at believe it or not, 28 years old pa lang siya. Ang bata pa niya at wala pa siyang asawa. Ewan ko lang kung may girlfriend siya.

"Bakit po, tito?"

"Gusto mo pasyal tayo sa mga lugar na pinupuntahan natin noong maliit ka pa?" Close kasi kami ni tito Kei kaya siya palagi ang kasama ko sa tuwing nandito kami sa Boston.

"Sige po! Matagal tagal na rin noong huling--" Biglang sumama ang pakiramdam ko at parang gusto ko sumuka.

Tumakbo ako papunta sa banyo at nilabas ko ang lahat na kinain ko kagabi.

"Ayos ka lang ba, Dawn?"

Nagkaroon na ako ng duda na baka may bunga ang nangyari sa amin ni Ethan. Pero hindi pa sigurado kung hindi ako nagpapatingin sa doctor.

"Sorry, tito. Papahinga na lang muna ako. Bigla kasi sumama ang pakiramdam ko."

"Bakit hindi ka pumunta ng doctor? May kilala ako na pwedeng tumingin sayo."

"Salamat. Siguro mamaya na lang kung maging maayos na ang kalagayan ko."

"Okay. Nasa ibaba lang ako kung may kailangan ka tawagin mo lang ako."

Ang bait talaga ni tito Kei. Alam na rin niya ang nangyari kay papa, siguro sinabi sa kanya ni mama habang kausap sa telepono. Alam rin kasi ni tito Kei na pupunta ako ngayon pero wala siyang alam ang dahilan kung bakit ako nandito kasama niya.

Three hours later...

Nakatulog pala ako kanina at tumingin ako sa wall clock dahil hapon na pala. Kaya nagpasya ako bumaba dahil nagugutom na ako.

"Gising ka na pala, Dawn. Hindi na kita pinagising sa maid kanina dahil ang mahimbing ng tulog mo."

"Okay lang."

"Musta na pakiramdam mo ngayon?"

"Okay na ako ngayon." Nagsimula na akong kumain. Namiss ko talaga ang mga pagkain dito. "Um, tito.."

"Bakit? Hindi ba masarap yung niluto ko?"

"Masarap po. Um, pwede niyo ba ako samahan doon sa doctor nakilala mo?"

"Sige. Walang problema sa akin para hindi ako magaalala baka ano na ang mangyari sayo na hindi ko pa alam."

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na kami ni tito Kei sa clinic ng kaibigan niya. Isang bahay na clinic rin.

"Hi, Apple." Bati ni tito Kei doon sa doctor.

"Hey, Kei. What a surprise for you to visit me."

"Yeah, but I'm here with my niece."

"You must be Dawn. Kei always mention mention about you. I think you are Kei's favorite niece."

Dalawa lang naman magkapatid sina papa at tito Kei. At nagiisang anak lang ako kaya malamang paborito ako ni tito Kei.

Sinabi ni tito Kei kung bakit kami nandito sa clinic niya at maswerte daw kami dahil naubos na yung mga naging pasyente niya kanina.

Doon ko rin nalaman na tama ang hinala ko kanina.

"May naging boyfriend ka ba sa Pilipinas, Dawn?" Naging seryoso na ang boses ni tito Kei ngayon.

"Wala po ako naging boyfriend."

"Imposible naman mabubuntis ka na hinding ka pa nagkakaroon ng boyfriend. O makasama ng ibang lalaki."

Kung alam mo lang, tito nakasal na ako sa isang CEO na karibal ng pamilya natin.

"Kilala kita kaya magsabi ka sa akin ng totoo."

"Kasal na po ako."

"What?! You're married?! Alam ba ni kuya ang tungkol dito?"

"Alam na po ni papa kaya inatake siya sa puso dahil nagpakasal ako sa CEO na karibal ng kumpanya natin."

"Mahirap ang sitwasyon mo ngayon. Kilala mo naman ang ugali ng kapatid ko. Ang taong hindi marunong makinig sa ibang tao."

Iyon nga ang problema kay papa, eh. Kaya iyon din ang kinaiinisan ko sa kanya. He is also selfish. Gusto niya masunod ang lahat na gusto niya. I'm not his puppet, may buhay rin ako. May pangarap. Hindi pa nga pumayag na gusto ko maging interior designer dahil ang gusto niya maging CEO ako ng kumpanya. Umalis ako sa bahay noon ng ilang araw, walang paramdam sa pamilya ko. Noong tinawgan ako ni mama na gusto ako makausap ni papa ay umuwi ako sa bahay. Pumapayag na si papa sa kagustuhan ko maging interior designer, basta wag ko daw gawin ang ginawa ko.

"It's alright, tito. Kaya ko naman pong alagaan ang anak ko na hindi humihingi ng tulong sa ama niya."

"Okay! Tutulungan kitang alagaan iyang magiging anak mo. Pero ang bata ko pa para tawaging lolo." Natawa ako sa sinabi ni tito Kei. Ang bata pa nga niya para tawing lolo Kei. "Gusto ko tawagin niya akong daddy Kei dahil ayaw ko tatawagin akong lolo. Magaaway tayo, Dawn."

"Okay po, tito."

"Good."

Sumakay na kami pareho sa kotse ni tito Kei. Pinuntahan namin ngayon yung mga lugar na pinupunta naming dalawa noong bata pa kami pareho. Limang taon lang naman ang tanda sa akin ni tito Kei.

~~~

Hi, hello!

Kung sinisipag ako mag UD ay marami ako nagagawa sa isang araw. =)

Btw, sa mga hindi pa nabasa ang ibang stories ko. Basahin niyo na!

-Skye

Marrying With Mister ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon