Slave

19 0 0
                                    

Angel's POV

Natahimik ang lahat ng pumasok ako sa room na iyon kasunod ang apat. Lahat sila ay nagtatakang napatingin samin, yung iba ay biglang natakot. Pero wala ang atensyon ko sa kanila, kundi sa lalaking nakaupo na pinapalibutan ng mga lalaking mukhang sanggano. Pilit niyang itinatago ang takot sa mata niya pero halata parin. Naiinis ako sa nakikita. Naiirita ako. Yumuko ito ng makita niya akong tumingin sa kanya.

"Angel ano ba? Tara na. Anong gagawin natin dito?"

Rinig kong sabi ni Cice sabay hila sa braso. Inis na nilingon ko siya at binawi ang braso ko. Nagulat naman ito at napanguso. Binalik ko ang mata ko sa kanya.

"A-Amazonas. A-anong ginagawa ninyo dito?" Napatingin ako sa lalaking nakahawak sa balikat niya. Iniisa isa ko silang tiningnan ng masama. Halatang natatakot na ang mga sakin.

"Ikaw. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

I looked at them coldly and take a step forward. Agad na umatras ang mga ito. Yung lalaking nakahawak sa balikat niya ay napaatras din.

"A-ano b-bang sinasabi mo? I-inaano ka ba n-namin?" Medyo takot na ang mga ito. Nabitawan ng lalaki ang balikat niya.

"Kilala ko yang binubully nyo"

Kita ang gulat sa mata nila kaya lumapit pa ako hanggang sa makalapit na ako sa kanya. Mas lalong lumayo samin ang mga lalaking nambully sa kanya. At nagsimula ng magbulong-bulungan ang iba.

"You know him Angel?" Tanong uli ni Cice.

Hindi ko sinagot si Cice at lumuhod ako para magkapantay ang mukha namin. I heard a gasp at the back. I dont if its from Jannes or Cice. Pero di ko sila pinansin. Inangat ko ang mukha niya para mapatingin siya sakin. Once again I was taken a back with his empty eyes. Binitawan ko ang mukha niya at agad niyang iniiwas ang mukha niya sakin.

Actually I don't know why I'm doing this. Again. On him. Nakita kong mas dumami ang pasa nito sa huling beses na nagkita kami. Tumayo na ako at tiningnan ang mga lalaking yun.

"Bakit nyo ginagawa sa kanya to?"

Walang sumagot sa kanila pero napapalunok ang mga ito.

"Babaguhin ko ang tanong. Sino ang nag uutos sa inyo na gawin iyo sa lalaking to?"

Tanong ko at tinuro ang nerd na yun na nakayuko parin hanggang ngayon. Agad na tinuro ng mga ito ang lalaking prenting nakaupo sa dulo. Nang tiningnan ko siya ay agad na namutla ito. Linapitan ko siya at biglang kinuwelyuhan dahilan para mapatayo ito.

"Ikaw pala ang mastermind dito. Tingin mo? Anong mainam na parusa para sayo?"

Nanginig naman ito pero di parin nagsasalita.

"Angel"

Rinig kong seryosong tawag ni Ayn kaya napalingon ako sa kanya. Umiling ito then she give me a smirk and went outside. Napakunot naman ang noo ko. What was that Ayn? Bumalik ang mata ko sa lalaki at patulak na binitawan siya kaya napahandusay ito sa sahig. Naiinis ako sa kanila. Naiinis ako sa ginagawa nila. At naiinis ako dahil di lumalaban ang duwag na ito. Agad na lumapit ako sa nerd na yun at hinawakan ang braso niya at hinatak siya kaya napatayo ito at napasunod sa pag labas ko. Pero huminto muna ako sa may pintuan at nilingon sa kanila.

"Sa susunod na malalaman ko o makikita kong binubully nyo ito. Di na talaga ako magtitimpi sa inyo"

Agad na lumabas ako sa room na yun at nakita kong todo ngiti ni Ayn sakin habang nakasandal sa may wall. Napailing nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"S-Saan tayo pupunta? M-May pasok pa a-ako"

Napatigil ako sa paglalakad at binitawan ang braso niya tsaka asar na nilingon siya. Sa likod niya ay ang apat na papalapit na samin with annoying smirk playing on their lips. I glared at them and face him.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now