Magpapakamatay ka ba?!!

29 2 0
                                    

☞Angel's POV

"San ka galing?"

Bungad na tanong sakin ni Papa. Nakataas pa ang kilay nito habang nakapamulsa.

"Sa bar po Pa"

Sabi ko sabay lampas sa kanya at pumasok na ng bahay. Agad na bumungad sakin ang masarap na amoy galing sa kusina.

"Ano naman ang ginawa mo dun? Alam mo bang gabi na? Nag-alala kami ng Mama mo sayo"

Nilingon ko si Papa at ngumiti sa kanya.

"Pa, sinamahan ko lang ang kaibigan namin, si Sam, may problema eh"

Napatango-tango naman si Papa at pumuntang kusina. Sumunod ako sa kanya, nakita kong nagluluto si Mama ng yakapin siya ni Papa mula sa likuran. Wala kaming maid kahit na mayaman kami. Siguro dahil gusto ni Mama na siya ang mag-asikaso samin.

"Anak mo nandyan na"-Papa

Agad na lumingon sakin si Mama at ngumiti.

"Hi Ma"

"Nak, bat ngayon ka lang? Magbihis kana at kakain na tayo"

Tumango lang ako at tumalikod na para pumunta sa room ko. Ng makapasok ako agad na hinubad ko ang suot kong leather jacket at humiga sa kama. Naalala ko bigla si Sam kanina, kung pwedi lang harapin at kausapin ang parents nya gagawin ko yun, kaso may hiya pa naman ako, atsaka, family matter na yun. Kung tutuusin ay ako ang pinakamaswerte samin pagdating sa family. Yun nga lang, ampon lang ako, unlike sa kanila na dugo't laman sila, pero kahit naman ganun ay ok lang sakin. Atleast di ko naramdaman na ampon ako, they treat me na parang totoo nila akong anak. At yun ang pinagsasalamat ko sa Diyos. Whoever my biological parents are, Im not mad at them. Cause I know they have a reason why they did that.

"Nak! Baba na ryan!"

Napabangon ako ng marinig ko ang sigaw ni Mama. Nagbihis ako ng pambahay at bumaba na, naabutan kong nakaupo na sila at hinihintay ako. Pag-upo ko ay nagdasal na kami at kumain.

"Ma, Pa, may meeting pala sa friday"

Sabi ko habang kumakain. Tumango naman sila.

"Buti at sinabi mo agad, what time at ng macancel ko yung meeting ko for that day?"-Mama

"1 pm po Ma"

"Ah, sige I'll cancel my meeting to Mr. Horvejkul, pupunta ako"

Nakangiting tumango ako, bigla binaba ni Papa ang kubyertos niya at tiningnan si Mama.

"No need to cancel hon, I'm free that time, ako nalang ang pupunta, besides malaki ang maiinvest nina Mr & Mrs. Horvejkul sa company."

Sabi ni Papa sabay tingin sakin.

"Is it ok sayo nak? Ako ang aattend ng meeting mo"

Ngumiti ako sabay tango.

"Opo naman po Pa! Para maiba naman, si Mama lang kasi ang palaging umaattend eh, atsaka, papakilala kita sa barkada ko!"

Masayang sabi ko kay Papa, ngumiti si Papa at nagtango-tango.

"Gusto ko narin mameet yang barkada mo"-Papa

"Naku hon! Ang babait at magaganda pa ang mga kaibigan nyan, at yung mga magulang nila ay kilala sa business world, like sina Mr. Montefalco at Mr. Peregil."

Pagmamalaki ni Mama. Natawa nalang ako, para kasing kilala talaga nya ang pamilya nina Ayn at Sam.

"Ganun ba. Ang alam ko lang kasi na kaibigan ni Angel eh, sina Cice at Jannes naka business partner natin."-Papa

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now