Mall

37 3 0
                                    

Cice's POV

Napatingin kaming lahat kay Ayn tapos kay Angel uli. Trip nito?

"Ikaw Ayn, why would you want to be perfect if you know that theres no perfect person living in the world, hindi mo kailangang maging perfect, just for them to accept you, if they wont accept you, then we are here. Huwag kang tanga Ayn, dahil yang pinagmamalaki ng dad mo, diba may mga baho din yan, di lang halata dahil ang galing nilang magtago. Alam mo yan, bat pinapatulan mo pa ang Dad mo? Wala kang kasalanan kung yan lang ang kaya mo, what important is, you always do your best, problema na nila yun if they still wont accept it, sila ang may problema"

Tapos nun ay si Jannes naman ang tinuro niya.

"Ikaw Jannes, pareho lang kayo nitong si Ayn, bat mo babaguhin ang sarili mo at ang mga gusto mo just for them-"

"Hindi sila JUST for them, they are our parents"

Sansala ni Jannes, kibit balikat lang siya.

"Ok, what I want to say to the both of you is, wake up!! Hindi nyo kailangang maging perpecto, di nyo kailangang maging iba at di nyo kailangang baguhin ang pagkatao nyo para sa kaligayahan nila. Paano naman ang gusto nyo? Paano ang sarili nyo? Paano ang mga pangarap nyo? Di porket sila ang mga magulang nyo ay gagawin nyo na ang lahat ng gusto nila. Kung totoong mahalaga kayo sa kanila, na mahal nila kayo, they would accept who you really are, kahit ang sama pa ng ugali nyo. They would accept all your flaws. They will be happy for you."

"Di naman kasi lahat ng parents sa mundo ay kasing bait ng umampun sayo"-akn

Kibit balikat uli sya.Tumingin naman ito kay Sam sabay turo nito.

"Ikaw Sam, simple lang yang problema mo, matalino ka naman kaya, kaya mo yang gawan ng paraan. Kunin mo yung mga phone nila, di kaya magdrama ka"

Tumingin naman ito sakin.

"Ikaw Cice, bat mo ba pinipilit ang mga magulang mo na nagkabalikan? They are big enough to know what they doing, and besides, kahit hiwalay naman sila, diba di parin sila nagkulang sayo? Yun ang importante"

Napasimangot ako sa sinabi ni Angel. Di nga naman sila nagkulang sakin, ramdam ko parin na may magulang ako, yung pagkaiba lang, di sila nakatira sa iisang bubong.

"Makinig kayong apat."

Napatingin kaming apat kay Angel.

"Why dont you talk to your parents, sabihin nyo ang nararamdaman nyo, let them know kung ano ang saloobin nyo, malay nyo, akala din nila ok lang sainyo ang ginagawa nila kasi wala man lang kayong karekl-reklamo. Mag-usap kayo ng parents nyo"

Sabi nito sabay sandal sa upuan.

"Easy to be said than done"-Ayn

Nagkibit balikat lang si Angel, may point din naman kasi ang sinabi ni Angel eh. Pero kung magagawan ko naman ng paraan para magkabalikan ang parents ko, why not diba? Besides I want my family complete again. Alam ko naman na mahal parin nila ang isa't-isa eh. Tahimik lang kami hanggang sa huminto na ang sasakyan.

"We're here!"

Masiglang sabi ni Jannes, tahimik lang kaming lumabas at naglakad. Napahinto lang kami ng tawagin kami ni Jannes.

"Guys, we're here at the mall, para makapagrelax kaya, smile na kayo dyan, lets forget the problem muna ok? Lets just enjoy the shopping"

Ngumiti kami sa kanya at tumango na. Naglakad na kami papasok sa mall. Ilang shops na ang napasukan namin pero wala parin akong may nagugustuhang bilhin, habang sina Sam at Jannes nakailang shopping bags na. Si Ayn naman ay nasa loob ng Sweet Cakes World, na nasa tapat lang namin, bumili ata ng cake niya.  Habang si Angel, ewan, kanina pa tingin sa cp at palinga-linga. Parang may hinihintay.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now