Visitors

17 1 3
                                    

🐝Angel's POV

Im on the middle of my sleep when suddenly my phone ring, waking me up. Agad na napamulat ako at pilit na inabot ang cp sa bedside table kahit nakapikit. Naramdaman ko ang paggalaw ni Ayn sa tabi ko. Aish. Sino naman kaya aso ng tumatawag sa ganitong oras. 3am palang oh. Inis na tiningnan ko kung sino ang tumatawag. GiRo gwapo calling. Anak ng! Anong problema niya. Padabog na sinagot ko ang tanong.

"Bwisit ka. Bat na pa tawag ka?"

Pabulong na sabi ko dahil baka magising ko ang iba.

"Gel, we need your help"

"Ano na naman bang kalukuhan to Giro?"

"Basta magpapaliwanag ako mamaya. But for now, pwedi bang sabihin mo sa kaibigan mo na papasukin kami sa sa bahay nila?"

Naguluhan ako bigla sa sinabi niya.

"Anong!"

Dun ko lang nagets bigla ang sinabi niya at dahan dahan na umalis sa pagkakahiga para di magising si Ayn na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Buti ay nasa gilid ako. Agad na lumapit ako sa bintana at dun nakita ko nga sila. Oo sila! Walangya. Nagbitbit pa.

"Hoy Gel, nandyan ka pa?"

Rinig kong sabi niya sa phone. Napakamot ako ng noo ko at lumapit sa natutulog na si Sam.

"Wait lang"

Sabi ko kabilang linya. Niyugyug ko ng mahina di Sam.

"Sammy. Sam gising"

Gumalaw ito pero di naman nagising.

"Sammy gising"

"Hmm.. Gel. Bakit?"

Umupo ito habang kusot kusot ang kanyang mata. Cute.

"Si Giro kasi nasa labas ng bahay nyo"

Agad na nanlaki ang mata niya.

"Ano? Bat siya nandun. "

Tumayo ito at sumilip sa bintana niya.

"At may kasama pa"

Agad na bumaba kami. Dahan dahan kami pumunta sa guard house at kinuha ang susi sa mahimbing na natutulog na security. Tsk Tsk. Tinutulugan lang ang trabaho niya. Binuksan namin ang gate at pinapAsok sila. Pero laking gulat ko ng makita kong may sugat si Alister. Castiel tried to hide his wound too. Pinapasok sila ni Sam. Lakad takbo ang ginawa namin papasok. Agad na sinara ni Sam ang pinto.

"Sam, may medicine kit na kayo"

Tumango ito at dali-daling umalis.

"Anong nangyari sa inyo?"

Agad na tanong ko at lumapit kay Castiel. Hahawakan ko Sana ang braso niyang may sugat ng inilayo niya ito sakin. Hindi ako nagulat dun.

"May nakaaway kami sa bar at yun may mga patalim pala sila"

Sagot ni Giro na nakaupo sa tabi ni Alister. Bumaba si Sam na may dala ng medicine kit. Nilapag niya ito sa mesa sa harapan at makahulugang tiningnan ako.

"Ahm, Sam, mga barkada ni Giro, sina Alister,Castiel, at Erin."

Pa kilala ko sa kanila. Di ko na ipinakilala si Sean since kilala na naman nila ang isa't isa. Tumango lang si Sam sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Cas at kinuha ang braso niyang may sugat para gamutin. Hinihila niya ito pero tiningnan ko siya ng masama. Di na niya sinubukang bawiin iyon.

"Tulungan na kita"

Narinig kong sabi ni Sam sabay upo sa tabi ni Alister. Habang si Erin at Sean ay nanonood lang.

Amazonas:Into The World of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon