Cake & Threats

60 3 1
                                    

Ayn's POV

"Sigurado ba kayong maghihintay lang kayo dito?"

Inis na tanong ko sa dalawa pero parang di naman nila halata na naiinis ako sa kanila o ayaw lang talaga nilang pansinin na naiinis ako.

"Oo nga Ayn, paulit-ulit ka eh, kung umalis ka na kaya ngayon at ng makabalik ka agad"

Walang lingong sabi ni Cice habang nagte-text ito. Napataas naman bigla ang kilay ko dun. Magsasalita sana uli ako ng unahan ako ni Sam.

"Sige na Ayn, umalis ka na  bilhin mo lahat ah para di ka pabalik balik, kaming bahala sa kotse mo"

Nakangiting sabi niya. Mas lalong uminit ang ulo ko. Kung makautos ang mga to akala mo kotse nila yang sinasakyan nila. Kung di ko lang to kaibigan kanina pa bagsak ang mga yan.

"Argh! Fine! Manong tara, samahan mo ako"

Sabi ko sabay pasok sa mall, nakasunod naman sakin si Manong Driver. Agad na pumasok ako sa bookstore. Binili ko lahat ng mga materials na kailangan ni Sam. Ng mabili ko na ang lahat ay binigay ko to kay Manong.

"Manong, mauna na po kayo sa kotse, bring this with you, susunod lang ako, may bibilhin lang"

"Opo Mam"

Umalis agad si Manong Driver. Pumunta akong Cake shop. Bumili ako ng chocolate cake, kakainin ko ito mamaya, basta kasi maiinis ako, chocolate cake lang ang nagpapa kalma sakin. Kainis naman kasi talaga yung dalawang yun eh. Nang mabili ko na ay agad akong lumabas ng shop. Ye!! Excited na akong kainin to pag-uwi ko sa bahay. Habang naglalakad ay biglang nagvibrate ang phone ko. Agad na kinuha ko ito sa bulsa ko. Ng tingnan ko kung sino ang tumatawag ay bigla akong kinabahan. Si Daddy. Akmang sasagutin ko na ng biglang *BURGSH* (Sound effect po yan ng may nabangga,hehe)

Biglang na nabitawan ko ang cellphone ko at natapon bigla ang cake na hawak ko sa kabilang kamay. YUNG CAKE KO!!!  Di ako makagalaw habang nakatingin sa cake ko na nasira na dahil sa pagkakahulog. Pati yung cp ko ay nagkahiwa-hiwalay na ang mga laman nito.

"Shit! Bat kasi di ka tumitingin sa dinadaanan mo!"

Agad na napaangat ako ng tingin sa kung sino mang tao ang nagsalita. Isang lalaki pala. Siya. Siya ang dahilan kung bakit nasira ang phone ko at ang mas pinakamalala ay ang paghulog niya sa cake ko!!!

"Ano? Di ka manlang mag-so-sorry?"

Inis pa na sabi nito. Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Agad na naikuyom ko ang kamay ko. Kanina pa ako naiinis at ngayon ay galit na talaga ako.

"Bayaran mo yang cake at cellphone ko"

Mahina pero may diin kong sabi. Galit ako ngayon kaya huwag niya akong susubukan. Tinaasan lang niya ako ng kilay niya at tiningnan ako ng masama.

"Bakit ko naman babayaran yan eh, binangga mo ako?"

Lalong nadagdagan ang galit ko. Walang sabi-sabing kinuwelhuhan ko siya na ikanagulat niya. Pag ganitong galit ako, umiikli lang ang pasensya ko.

"Huwag mo akong subukan dahil di mo ako kilala"

Pagalit na sabi ko pero nagsmirk lang ito sabay tulak sakin kaya napabitaw ako sa kanya at medyo napalayo. Di ko expect na ang lakas din pala niya.

"Ako ang huwag mong susubukan dahil mas di mo ako kilala"

Aba't sinasagad niya talaga ang pasensya ko ah.

"Walang akong pakialam kung sino ka!! Bayaran mo ako sa cake at cp ko!!"

Inis na sigaw ko dahilan para mapatingin ang ibang tao samin. Pero wala akong pakialam sa kanila.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now