The Council

12 0 0
                                    

Ayn's POV

"Naku naman! naiwan ko na naman ang libro ko sa locker"

Reklamo ni Jannes habang naglalakad kami papuntang room. Napahikab nalang ako, kulang ang tulog ko kagabi, hayaan nyo na.

"Samahan ka namin"-Cice

"Wag na, mauna nalang kayo"-Jannes

"Sure ka?"-Sam

Tumango nalang si Jannes at umalis na, kami nalang ang pumuntang room, ng makarating ay agad na tumahimik ang room, dapat lang. Ng makaupo na kami ay dun naman nagsalita si Cice.

"Naku naman ang boring naman ang araw na to?"

"Paano mo naman nasabi yan eh kakaumpisa palang ng araw?"-Sam

"wala lang, feel ko lang"-Cice

Mukhang tama nga si Cice, ang boring lang kasi. Ano kayang magandang gawin ngayong araw, para naman kasing wala ding sa mood ang apat na to, si Angel kasi ayun tulog, pagkaupo tulog agad, si Cice naman ayun nag wa-wifi, si Sam nagbabasa at si Jannes, heto papasok na ng room. Nakabusangot naman ang isang to. Padabog na nilapag nito ang hawak na libro dahilan para magising si Angel at napunta ang atensyon namin sa kanya. 

"Anong problema mo?"

Inis na tanong ni Angel dahil parang naalimpungatan ito, sinimangutan niya lang si Angel tapos tingin sa board.

"Hoy Maria Jannesa  Guevarra, anong drama naman yan?"

Tanong ko sa kanya. Ang pangit lang kasi ng pagkakabusangot niya eh.

"Wala"

Walang ganang sagot niya, kita mo to? gusto pa atang pilitin namin. Nagkatinignan kaming apat at nagkibit balikat.

"Ok"

Walang gana din naming sagot sa kanya at balik uli sa dating gawa. Hanggang sa hindi ata agad nakatiis, sabi na eh, gusto lang pilitin.

"tsk, hoy Angel! kilala mo ba ang babaeng palaging kasama ni Sean?"

Sabay sabay kaming napatingin kay Jannes. Nakasimangot na tumingin ito sa parang walang pakialam na si Angel. Nakapikit uli ito habang nakasandal sa kanyang upuan.

"Mm? Sino?" Walang ganang sagot nito habang nakapikit pa.

"Yung palagi nga nyang kasama" naiinis na ulit ni Jannes sabay kamot pa ng kilay.

"Idescribe mo. Daming babae nun eh"

"Ah. Talaga. Tsk. Yung pandak na sabog ang buhok na may makapal na kilay at salamin."

Napakunot naman ang noo ko. Parang walang namang sabog ang buhok akong nakikitang school mate namin?

"Baka yung KULOT ang buhok. Na may suot na FASHION GLASS? Si Chen iyon. Kababata niya"

Natawa ako bigla. Wala lang. Natawa lang ako.

"Ah. Talaga. Malantod din yun no? May pahulog hulog pang nalalaman ng libro. Eh kung sabihin ko sa kanyang nasa iisang bubong kami natulog nung nakaraang araw para tantanan niya ah"

Pagmamalaking sabi ni Jannes na nakataas pa ang kilay. Akala mo naman shota.

"Kala mo naman jowa ka. Tumigil ka nga. Anong sa iisang bubong kayo natulog? Imagination mo ang limit"

Pang aasar ni Cice kaya mas lalong sumimangot ito. Natatawang tiningnan ko lang sila. Wala lang talaga akong masabi kaya tatawa tawa nalang. Kahit corny.

"Bakit totoo naman diba. Dalawa ba bubong sa bahay ni Sam? Limitahan ang katangahan minsan ah." Inis na inis na sabi sabi ni Jannes at inismaran lang si Cice.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now