Sleep Over

42 2 0
                                    

Inspired ang chapter na to sa binabasa kong book na Mates, Dates and SleepOver Secrets kaya nakagawa ako ng title for this chapter. Hope you like it.

♥Sam's POV

"Ok girls. Time to change sa pagtulog"

Sabi ko sabay kuha ng Yellow pajaman ko na may Spongebob na design sinamahan ng White kamison. Nauna akong pumasok sa bathroom at nagbihis. Ng makalabas ay nag unahan pa sina Ayn at Cice.

"Ako ang nauna!"

Masayang sigaw ni Ayn at pumasok na. Nag martsa pabalik ng sofa si Cice. Ako naman ay humarap sa human size na salamin ko. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Si Angel nasa bed ko at nakikinig ng music habang nakasampay sa balikat ang black niyang pajama na may skull na design at ang grey t-shirt niya. Sa sofa naman kasama ni Cice si Jannes na nagbabasa ng magazine na nakita nya sa table na nasa harapan niya. Sa kabilang side niya nakalagay ang kanyang pajama na kulay blue at may mga nota na nakaprint at ang white kamison din. Agad na napatingin ako sa kalalabas lang na si Ayn, wearing a red Mickey Mouse top and bottom to match.

"I'm done! Kaw na Cice."-Ayn

Agad na tumakbo si Cice papasok at ng matapos ay sinundan siya ni Jannes then ni Angel. When everybody is ready ay agad na umupo kami sa sofa at namili ng kung anong pweding panoorin.

"A walk to Remember. Have you watch this?"

Tanong ko sa kanila. They shook their head as a sign of no. Well except Cice.

"I already watched it! Its so nakakaiyak swear!"-Cice

"Then lets watch that"-Ayn

Ng isalang ko na ang cd at nagstart na, nag-umpisa naring umingay si Cice na sa tabi ko.

"You know what, that movie is so romantic. Si Lyndon Carter, ang bidang lalaki is a very bad boy. At si Jaime naman na bidang babae is super baduy and I guess a nerd. May ginawa si Lyndon na masama..Yan oh! Tingnan nyo yun yung ginawang mali ni Lyndon at ng barkada niya"

Kwento ni Cice sabay turo pa sa scence na nagaganap.

"Yan oh! Parang na 50-50  ata dyan ang lalaki. Tapos yung father niya ata ang principle ng school nya kaya ayun as a penalty magte-theater siya. Dun niya makilala si- ay! Bat namatay?!"

Gulat na tumingin sakin si Cice ng makita nyang hawak ko ang remote.

"Bat mo pinatay?"-Cice

"Eh ang daldal mo eh. Dada ka ng dada paano nagiging exciting ang kwento"

Si Jannes na ang sumagot. Napanguso lang si Cice. Medyo natawa ako sa mukha niya. Parang pato.

"Ikwento mo nalang. Nagsasayang lang tayo ng kuryente"-Angel

"Pinoy ka nga. Pinapanood nyo na kinukwento nyo pa sa isa't-isa"-Ayn

"Parang tanga lang"-ako

Mas lalong umasim ang mukha ni Cice kaya natawa ako ng mahina.

"Tatahimik na!"-Cice

Pinagpatuloy uli namin ang pinapanood habang kumakain ng pizza, fries, at cake-di mawawala yan- na pinaorder ko kanina. Si Cice naman halatang gustong-gusto mag kwento pero pinipigilan lang. Buti nga. Tama nga si Cice, sad ending ang movie. Naiyak nga si Jannes at Ayn eh. Well ang ganda ng story.

"So whats next?"-  Ayn

"Its Party time!!"

Halos sabay naming sabi ni Cice at Jannes. Sinalang ko ang cd na puno ng Snsd Girls Generation na mga kanta. Sayaw kami ng sayaw na parang nasa disco. Minsan kapag turn na ng bias namin ay nag li-lip sync kami. Nagtatalon sa kama. Ng mapagod ay agad na nagsihiga kami.

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now