Jam

43 2 0
                                    

Cice's POV

"Cice sandali!"

"Hoy huminahon ka!"

Napahinto ako ng mahawakan ni Angel ang braso ko.

"Bitawan mo ako Gel"

Inis na sabi ko sabay tingin sa kanya ng masama.

"Akala mo matatakot mo ako dyan sa tingin mo?"

Kalmadong sabi niya, binitawan nya ang braso ko.

"Ano na naman sa tingin mo ang gagawin mo?"-Angel

"Tuturuan ng leksyon ang babae"

Napailing lang si Angel.

"Anu ka ba Cice! Baka kaibigan nya lang yun"- Jannes

Inis na tiningnan ko si Jannes.

"Kaibigan? Seriously Jannes! Ganun na makapulupot ang mga kamay nya sa kanya tapos kaibigan lang yun, naglalandian na kaibigan parin?!"

"Pero di ka dapat magpadalos-dalos, alamin mo muna"-Sam

Napabuntong hininga nalang ako, di nila ako naiintindihan, di nila alam ang nararamdaman ko.

"Girls, let her"

Gulat na napatingin kami kay Ayn. Tumango lang ito sakin at tatalikod na sana ng magsalita ito.

"Just control yourself, remember, nakaschool uniform ka pa at nasa public tayo."

Tumango ako sa sinabi ni Ayn, she's right, after all we have an image to protect. Tumalikod na ito at naglakad na, tinapik ni Angel ang balikat ko.

"You know what to do, una na kami. Hindi na dapat kami mangialam sa problemang yan, but if you need us, we're here"-Angel.

Sumabay ito kay Ayn pabalik sa iniwanan nila ng mga boxs ng cake na binili nya kanina, dun parin si Giro.

"Hoy Angel! Ayn! Hindi natin pwedi iwanan ang babaeng to!"-Sam

"Oo nga at baka kung anu na naman ang gawin nya"-Jannes

Sigaw ng mga ito pero parang wala lang sa dalawa, hinarap ko sila.

"Kayong dalawa, kaya ko na to, dont worry hindi ako mag-eeskandalo"

"Sigurado ka?"

Nag-aalinlangang tanong ni Jannes. Ngumiti lang ako sa kanila at tumango.

"Sige na, magshopping nalang uli kayo, dont mind me, I can handle this calmly"

"Sure ka?"-Sam

"Oo nga, hala sige, lumayas na kayo"

Ngumiti naman ang mga dalawa at naglakad na rin palayo sakin. I took a deep breath sabay ayos ng sarili ko at pumasok sa restaurant na pinasukan nila. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko din sila sa may gitnang table, sa gitna talaga. Sweet ang mga ito sa isa't-isa. Bumalik ang init ng ulo ko pero sabi nga ni Ayn I need to control my self. Taas noong naglakad ako papalapit sa kanila. Napapatingin ang iba sakin pero sila parang walang paki sa paligid ng mga ito.

"Ano masarap ba?"

"Super babe, thanks for bringing me here"

"Anything for you"

Ok Ciceley Mariz, kalma. Kalma lang, enhale.exhale. kalma. Control.Control. Argh!! Mga walanjo!!!

"Wow so sweet"

I said sarcastically dahilan para mapalingon sila sakin. Tumaas lang ang kilay ng babae habang halatang gulat naman si Papa.

"Surprise?"

Amazonas:Into The World of GangstersWhere stories live. Discover now