Chapter 21

513 13 0
                                    

Hindi ba at sinabi nito na hanggang 1 taon lang ang itatagal ng kanilang kasal? Ang buong akala nya ay pareho sila ng nararamdaman, pero laking pagkakamali pala nya.

Hindi alam ni Kim kung ilang oras na syang nandoon sa park basta namalayan na lang nya na dumidilim na. Tumayo na sya at nabuo ang desisyon na pilitin ang sariling kalimutan na ang nararamdaman para kay Xian dahil may iba itong mahal.

Pumara sya ng taxi at nagpahatid sa mansion. Halos manigas sya nang salubungin sya ng yakap ni Xian. Hindi nya alam kung ano ang una nyang magiging reaction, kung magagalit ba sya at isusumbat dito lahat ng sama ng loob nya o ipapakita rito na hindi sya apektado nang nangyari. Ang huli ang pinili nyang gawin.

My God, Babe! Where have you been! I've been looking for you the whole day, Xian said in full of emotion. Pinigil nya ang magpadala sa sinasabi nito.

Pasensya na kung bigla ko na lang iniwan ang trabaho ko, namasyal lang ako sandali, Kim said in cold voice without looking at Xian's face. She doesn't want Xian to see her face about to cry.

Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo na kailangan magtrabaho.

Sinabi ko din sa'yo na gusto kong magtrabaho, medyo may talim ang boses na sagot nya dito. Ang nasa isip nya ay baka kaya ayaw syang papasukin sa trabaho ay para hindi nya makita ang mga babae nito. Naramdaman na naman nya na parang may tumusok sa kanyang puso.

Okay if it's that what you want. Listen, Kim, about what happened in my office ---

Gusto ko nang magpahinga, Xian, putol ni Kim sa sasabihin ni Xian. Hindi pa sya handang pag-usapan ang nangyari kanina.

All right. Saka na tayo mag-usap magpahinga ka na.

Hindi na sya sumagot, nilampasan na nya ang asawa. Dederecho na sana sya sa kanyang silid nang makasalubong nya ang kanyang lolo.

Apo, anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba? nag-aalalang tanong ni Lolo Zach sa kanya nang makitang mugto ang kanyang mga mata. Iniwasan tingnan ni Kim si Lolo Zach para hindi sya maiyak sa harap nito at sabihin kung gaano sya nasasaktan sa mga oras na iyon.

Napagod lang ako Lolo, huwag na po kayong mag-alala.

Sigurado ka ba, Hija?

Opo, Lolo. Sige po magpapahinga muna po ako. Nang marinig ni Lolo Zach ang kanyang sagot ay hindi na ulit ito nagtanong, kaya tumuloy na sya sa kanyang silid at ni-lock ang pinto.

Ayaw man nyang aminin ang dahilan ay alam nyang natatakot syang masaktan sa sasabihin ni Xian. Baka kasi hindi nya kayanin kapag sinabi nito na mahal nito si Melissa at hindi sya. Na pagdating nang 1 taon ay hihiwalayan sya nito at pakakasalan ang babae. Hindi na alam ni Kim kung anong oras sya nakatulog, basta pakiramdam nya ay mas grabe ang nangyari sa kanya ngayon kaysa sa nangyaring pagkidnap sa kanila.

Nilapitan ni Lolo Zach si Xian nang makita sya nitong nakatayo sa terrace at may hawak na baso ng wine.

Xian... Lolo Zach call him to get his attention.

Lo, kayo pala, bakit hindi pa po kayo natutulog? nakangiting tanong nya.

Nag-aalala kasi ako sa apo ko, malungkot na sabi ni Lolo Zach. Tumingin ito sa malayo sa nagsalita ulit. Ayaw ko sanang isipin na kasalanan ko kung bakit sya nagkakaganoon. Naramdaman ni Xian ang emosyong hindi maipaliwanag ng marinig ang pangalan ng asawa.

Ano po ang ibig nyong sabihin, Lolo?

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong pagpayag sa pagpapakasal nyong dalawa.

Lolo. Ayaw marinig ni Xian na nagsisisi si Lolo Zach sa pakikipagkasundo kay Lolo Lucas para ipakasal sila ni Kim. Mag-asawa na sila ng apo nito.

AgreementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon