Chapter 21.2

511 11 2
                                    

Kinabukasan, back to work si Kim at nagse-serve sya sa isang table nang makita nyang papasok ng restaurant si Xian. Hindi nya maiwasang hindi ma-inlove dito nang makita kung gaano ito kagwapo sa get-up nitong jeans at gray t-shirt na pinatungan ng leather jacket at tinernuhan ng sneakers. Nakasuot pa ito ng shades.

Huminto sa tapat ng pinto si Xian na parang may hinahanap pero sa kanya nakatingin. Nagmamadali nyang tinapos ang ginagawa at kaagad na umalis. Nakita nyang palapit ito sa kanya kaya umiba sya ng daan. Dahil iniiwasan nyang tumingin dito hindi nya nakita na umiba ng daan si Xian at sinalubong sya. Nagulat na lang sya nang mabangga nya ito.

Oops, sorry, nakangiting sabi ni Xian sabay tanggal ng shades na suot. Napansin nyang may 'eyebags' si Xian dala ng puyat at naisip nyang baka naiisip din sya ni Xian kaya napuyat din itong kagaya nya.

Ang balak nya ay iwasan ito pero nahawakan na sya ni Xian sa kanang braso nya upang pigilan syang umalis.

We need to talk, seryosong sabi ni Xian.

Hindi mo ba nakikitang oras ng trabaho, mahinang sabi ni Kim para makaiwas makakuha ng attention mula sa mga customer ng restaurant.

I don't care. I am the boss here and I will do whatever I want to do, even if it's still working hours.

Xian, please...

Kimberly, listen about Melissa... Nagulat si Xian nang bigla syang mag-freak-out.

Shit, Alexander Xian! Ano pa ba ang gusto mo, ha? galit na tanong nya saka inalis ang kamay ni Xian na nakahawak sa kanang braso nya. She doesn't care if they're already caught everybody's attention inside the restaurant.

Kimberly...

Ganyan ka ba talaga kasama? Alam ko wala kang kasalanan kung bakit minahal kita nang ganito dahil una pa lang ay sinabi mo na... na hanggang 1 taon lang tayo magiging kasal at pagkatapos ay kanya-kanya na tayo. Pero anong magagawa ko? Sa minahal ka ng lecheng puso ko, kahit alam kong hindi ako ang mahal mo. Maniwala ka sa akin, pinigil ko ang sarili ko, pinilit kong kalimutan ka at isiping balewala ka lang sa akin!

AgreementWhere stories live. Discover now