Chapter 12

460 12 1
                                    

Pagdating sa kabilang isla, dinala sila ng grupo ni Luis sa isang lumang warehouse. Ipinasok sila sa isang kwarto na walang laman. Kulob iyon at wala kahit isang bintana.

Dyan na kayo mamatay kung hindi magbibigay ng pera ang pamilya mo, Lim-Uy, sabi ni Luis.

Paano kung hindi magbigay ang pamilya nyan? Malalaman na ako ang huling kasama nila at baka sumabit ako, kinakabahang sabi ni Slater.

Huwag kang mag-alala, Slater hindi kita ilalaglag sagot ni Luis. Saka lumabas ng kwarto at naiwan doon sina Kim at Xian.

I'm sorry, sabi ni Kim kay Xian. Sinisisi nya ang sarili sa nangyayari sa kanila. Mainit sa loob ng silid walang ventilation doon, idagdag pang suot nya ang jacket ni Xian kaya lalo syang nainitan.

For what? tanong ni Xian habang papalapit sa kanya.

K-kung hindi dahil sa akin ay wala sana tayo dito.

Sa halip na sumagot ay hinawakan ni Xian ang kamay nya para tanggalin ang suot na jacket ni Kim, inilatag nya iyon sa maruming sahig bago naupo at inaya si Kim na maupo sa tabi nya. Hinubad ni Kim ang suot na high heels. Napagod ang mga paa nya sa paglalakad mula yate hanggang sa loob ng warehouse.

AgreementWhere stories live. Discover now