Chapter 20

568 12 1
                                    

Galing si Kim ng comfort room nang salubungin sya ni Matteo at may sabihin sa kanyang hindi nya nagustuhan.

Kimmy, bilisan mo at may pumasok na magandang babae sa office ng asawa mo. Matteo said.

Sinong babae? Baka naman kaibigan, binigyan mo lang ng malisya, Kim replied.

Huh, iyon yung babaeng pumupunta dito dati. Noong hindi pa kayo kasal ng pogi nating boss.

Baka naman may pag-uusapan lang, mahinang saad nya, pero nakaramdam na sya ng selos nang maalala na ito ang babaeng kahalikan ng asawa. Naging girlfriend din kaya nya ang babaeng iyon?

Siguro nga, sang-ayon ni Matteo nang makitang sumama na ang mood ni Kim. Ingatan mo iyang asawa mo, Kim. Masyadong gwapo at nakakatakot na bigla na lang mawala. Iyon lang at iniwan na sya ni Matteo.

Hindi na naging maganda ang mood nya nang muli syang bumalik sa trabaho. Nang hindi na nya matagalan ay pinuntahan na nya sa office si Xian.

Akmang kakatok na sana sya ng marinig nya ang pinag-uusapan ng mga ito.

Xi, Honey, hindi ba sabi mo 1 year lang ang magiging kasal ninyo ng babaeng iyon? malanding sabi ni Melissa kay Xian.

Yes but... Natigil ang pagsasalita ni Xian nang bigla na lang syang i-kiss ni Melissa.

Melissa... mahinahong tawag ni Xian, bago lumayo sa babae. Ayaw nyang sumama ang loob nito kapag sinabi nyang wala na syang balak hiwalayan aang kanyang asawa. Kahit alam nitong wala silang commitment sa isa't-isa ay ayaw pa rin nya itong masaktan.

Samantala sa kabilang panig ng pinto naman ay napahugot ng hininga si Kimmy. Ito pala si Melissa, ang babaeng dahilan kung bakit kinidnap sila ng grupo ni Luis! Gustong sumabog ng kanyang d¡bd¡b sa selos, pero pinaiiral pa rin nya ang matinong isip. Ayaw nyang bigla na lamang magalit sa asawa nang wala namang sapat na dahilan.

Kiss me Honey, I miss you so much, maharot na sabi ni Melissa.

Melissa... Muli hindi natapos ni Xian ang sasabihin dahil naglambitin na sa leeg nito ang babae at hinalikan sya sa lips. Iyon ang eksenang naabutan ni Kim nang hindi makatiis at tuluyang pumasok sa opisina ng asawa. Halos manlambot ang kanyang mga tuhod sa nakita. Ginawa nya ang lahat para hindi bumagsak ang kanyang luha. Pero hindi sya sigurado kung naitago nya ang sakit na bumakas sa kanyang mukha. Lumunok muna sya nang ilang ulit bago nakapagsalita.

I'm sorry, nakaka-istorbo ba ako? Hindi nya alam kung ngiti o ngiwi ang naibigay nya sa mga ito. Nang makita nyang natulala si Xian ay lalo syang nasaktan. Dali-dali syang tumakbo palabas ng office.

Nagtatakang sinundan sya ng tingin ng mga katrabaho nang makita syang umiiyak. Hindi nya pinansin ang pag-uusisa ng mga ito, mabilis syang lumabas ng restaurant at pumara ng taxi. Hindi nya alam kung saan sya pupunta, ang nasa isip nya ay makaalis sa lugar na iyon at baka sakaling mabawasan kahit papaano ang sakit na nararamdaman nya.

Sa kabilang banda ay napasabunot si Xian sa kanyang buhok. Kitang-kita nya ang sakit na bumakas sa mukha ni Kim, kaya hindi sya nakapagsalita. Dahil doon isang bagay ang naging malinaw - mahal sya ng asawa at nasaktan ito sa inabutang eksena. Nang mawala na ito sa kanyang paningin saka lang sya natauhan.

Kimberly, wait! tawag nya. Akma sana nya itong hahabulin, pero nahawakan sya ni Melissa sa braso at pinigilan syang lumabas ng opisina.

Xian, Honey. Why are you acting like that? galit na sita ni Melissa.

Look, Melissa, we already talked before we dated that there will be no strings attached between us. And before I got married to Kimberly, we formally broke up. Hindi nya naiwasan na magbago ang emosyon nang banggitin ang pangalan ng asawa.

Yes, but you told me that your marriage with her will last only for one year. At bakit parang iba ang dating kapag binabanggit mo ang pangalan ng babaeng iyon?

Yes, I said that, but I didn't tell you that we can get back together again. And besides, I have no plans to be seperated with my wife, whether she like it or not we will not seperate. Do you understand? Xian said in authoritive voice and left Melissa alone in his office and follow Kimmy outside. But suddenly he didn't see Kimmy around the premises of the restaurant.

Hindi alam ni Kim kung saan sya pupunta. Hanggang sa makarating ang sinasakyan nyang taxi sa isang park, ipinasya nyang doon na lang mamalagi. Laking pasalamat nya at nasa bulsa pa rin ng kanyang uniform ang ibinigay na tip sa kanya ng mga customers kaya may pambayad sya sa taxi.

Dahil weekdays at alanganing oras ay mangilan-ngilang tao lamang ang nakita nyang naglalakad doon. May makita syang puno at lumapit sya roon at umupo sa damuhan. Sumandal sya sa katawan ng puno habang patuloy pa ring umiiyak, hindi nya alam kung magagalit sa asawa o sa sarili. Sa huli silang dalawa ni Xian ang kanyang sinisi.

Pinaasa sya ni Xian at maski wala namang itong sinasabi na mahal sya nito ay umasa pa din sya. At nagagalit sya sa sarili dahil minahal pa rin nya ito kahit alam nyang wala sa vocabulary nito ang salitang 'mahal' at 'seryoso'. Para dito ay 'laro' lang ang lahat at may katapusan

AgreementWhere stories live. Discover now