Chapter 13

456 12 1
                                    

Paano kung hindi magbigay ang pamilya mo, kinakabahang sabi ni Kim kay Xian.

Hindi talaga sila magbibigay, malumanay na sabi ni Xian na sigurado sa gagawin ng pamilya.

What? Oh my God! Mamamatay tayo dito! sabi ni Kim.

Napatawa si Xian. Hindi ko alam na takot ka palang mamatay.

Hindi ako takot mamatay. Takot lang ako mamatay na hindi man lang nahahalikan. Diretsong sabi ni Kim na huli nang maisip nya na bawiin ang kanyang nasabi. Namumula ang mukha nya ng tingnan nya si Xian na ngiting-ngiti sa sinabi nya.

Akala ko ba nahalikan ka na? nang-aasar nasabi ni Xian.

Ano bang pakialam mo kung nahalikan na ako o hindi, asar na sagot ni Kim.

Gusto mong iparanas ko sa'yo, sabi ni Xian. Sosoplahin na sana nya ito pero napaisip sya. Paano kung mamatay na nga sila doon? Wala naman sigurong masama mahal na nya anga sawa kahit hindi sya sigurado sa nararamdaman nito para sa kanya. Ang importante ay ang taong mahal nya ang kanyang magiging first kiss.

Alam mo tama ka, sang-ayon ni Kim kay Xian, sabay harap dito. Nakita nya nagulat ito.

AgreementWhere stories live. Discover now