Chapter 11

461 10 1
                                    

Lumapit si Slater kay Kim. Alam mo bang unang kita ko pa lang sa iyo sa tabing-dagat ay gusto na kitang makuha, bulong ni Slater sa tenga ni Kim.

Hay0p ka, Slater! Akala ko mabait ka, napakasama mo pala! galit na bulyaw ni Kim kay Slater. Humalakhak lang ito na ikinapanayo ng balahibo nya. Parang gusto nang umiyak ni Kim. Kasalanan nya kung bakit andun sila ni Xian sa ganoong sitwasyon.

Subukan nyong kantiin ang asawa ko at isinusumpa kong kahit saan kayo magpunta ay hahanapin ko kayo, matigas na sabi ni Xian. Kinilig ng saglit si Kim sa pagkarinig ng sinabi ni Xian.

Huwag kang magwala, Lim-Uy, hindi ko ugali ang tumikim ng pinagsawaan mo na. Hindi ako kagaya mo, mabangis na balik ni Luis.

Pero, Luis akala ko ba ibabalato mo sa akin si Kim! Reklamo ni Slater.

Ano ang mas gusto mo? Pera o ang babaeng pinagsawaan na? Namula naman si Kim sa sinabi ni Luis. Kung alam lang nang mga ito ang relasyon nila ni Xian ay baka pagtawanan lang sila ng mga ito.

Enrique, idaong mo ang yate sa kabilang isla, utos ni Luis kay Enrique na syang nagpapa-andar ng yate. Doon natin tatawagan ang pamilya Lim-Uy. At doon na din natin hihintayin ang magiging pera natin. Ngising-ngisi si Luis habang nakatingin kina Xian at Kim.

Xi... Natatakot na tawag ni Kim kay Xian.

Its okay, Babe, just trust me, bulong ni Xian sa kanya at dahil doon ay napanatag na kahit paano ang kanyang loob.

AgreementUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum