Chapter 2

862 13 1
                                    

Nagulat si Kim ng pumasok sa restaurant ang 1 taong pamilyar sa kanya. Ito ang lalaking nakita nyang may kahalikang babae sa parking lot ng restaurant at siya ring kahalikan nya sa kanyang panaginip. Kumunot ang noo nya ng makita nyang umupo ito sa table ng kanyang kinikilalang 2nd lolo, si Lucas. Naisip nyang baka makiki-table lang ito sa matanda dahil sa mga oras na iyon ay halos puno na lahat ng mesa sa dami ng kumakain. Lumapit sya sa mga ito para kunin ang order ni Xian. Excuse me, ano pong order nyo? Nakangitting tanong niya rito. Kumunot ang noo ni 'Mr. Everything', halatang nakilala siya nito. Hijo, tinatanong ka ni Kim, kung anong order mo, baling ni Lolo Lucas sa apo. Natuwa ito sa nakitang pagkakakunot-noo ni Xian. Inakala nito na nagandahan si Xian kay Kim. Walang itong alam sa unang pagkikita ng dalawa sa labas ng Twin Dragons. Hindi, din naman ako magtatagal, Lo. Sabay tingin kay Kim, just give me a glass of ice tea with fresh lemon. Ice tea with fresh lemon, coming up, maliksing ulit ni Kim. Naibigay na ni Kim ang order ni Xian ng marinig nyang business ang pinag-uusapan nito at ni Lolo Lucas. Di na ito pinansin ni Kim at bumalik na sa kanyang trabaho. Pero hindi nakaligtas kay Kim ang pagtayong iyon ni Xian para lumabas na ng restaurant, 'Aba't paalis na ang mokong, sabi ni Kim sa kanyang isip. Mabilis nyang sinundan si Xian. Mister, sandali lang, tawag pansin ni Kim kay Xian. What's your problem, Miss? iritadong sabi ni Xian. Ako, wala po pero kayo po meron. Hindi naman siguro kayo pumasok sa restaurant na 'to ng walang pera, hindi ba, nangingiting sabi ni Kim na pinipigilan ang sariling bulyawan si Xian. Ang lakas umorder ng ice tea tapos hindi pa mabayaran, sabi ni Kim sa sarili. Si Lo- natigilang sabi ni Xian sabay tingin kay Lolo Lucas na senenyasahan siyang wag ng kumontra kay Kim. Aba hindi ka na nahiya, yung matanda pa talaga ang pagbabayarin mo, buti yong matanda may pambayad ikaw itong malakas at kayang magtrabaho walang pambayad, walang prenong sermon ni Kim kay Xian. Okay, just to make you shut up. I will pay for my iced tea, paangil na sabi ni Xian kay Kim sabay abot ng pera. Well, that's good, napa-english na sabi ni Kim.

Hay, naku Lolo! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon. Sabi ni Kim kay Lolo Lucas ng lapitan nya ito sa kanyang mesa. Ang laki-laking tao eh, anlakas magpalibre sa inyo. Hindi, naman sa ganoon, hija. Lo, alam kong mabait kayo, pero wag ninyong hayaang samantalahin kayo ng mga tao, sermon ni Kim kay Lolo Lucas na para bang tunay nyang lolo ito. Hindi ko naman hinahayaan iyon, apo, nakangiting sabi ni Lolo Lucas kay Kim. Parang kayo ang lolo ko, masyadong mabait, kaya mahal na mahal ko siya, eh. Gagawin mo, lahat para sa Lolo mo, Hija? Tanong ni Lolo Lucas kay Kim. Siyempre naman po, kahit sa inyo po'y yun din ang gagawin ko dahil para ko na rin po kayong Lolo. I'll remeber that, hija, sabi ni Lolo Lucas na malaki ang pagkakangiti.

Nang pumasok si Kim kinabukasan ay nakita nyang nagkukumpulan ang kanyang mga kasamahan. Kumunot ang kanyang noo ng malaman nya kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Kahit kailan ay hindi siya nagkainteres na alamin kung sino ang kanilang amo. Pero narinig niyang napakayaman nito. Ipinagkakatiwala na lamang sa kanilang branch manager na si Sir Chief Richard Yap ang pamamahala sa Twin Dragons. Natigil si Kim sa pag-iisip ng lapitan siya ng kasamahan nyang si Matteo. Did, you hear the news? Tanong ni Matteo kay Kim. Tungkol saan?, tanong ni Kim. Apo na daw ng may-ari ang mamahala ng Twin Dragons sabi ni Sir Chief. Ganoon ba, wala naman sigurong magiging problema di ba, sabi ni Kim. Sabi ni Sir Chief wala naman daw mababago. E , di mabuti. Di ka man lang ba curious sa magiging boss natin? Alam mo, Matt, wala akong panahon sa mga ganyang bagay, kung wala palang magiging problema, eh bakit pa ako mag-iisip, di ba? Hay, ikaw lang ata ang walang pakialam, sabi ni Matteo kay Kim. Kailan daw ba magsisimula ang bagong boss? tanong ni Kim. Sa Monday na. Ano kaya itsura nya? Masungit kaya? magkasunod na tanong ni Matteo. Kung sa itsura malamang ay napapanot na iyon sa dami ng problema sa kanilang negosyo. Sa pangalawang tanong mo naman, siguradong magsusungit iyon kung hindi natin gagawin ng maayos ang trabaho natin. Kaya ang mabuti pa ay magtrabaho na tayong pareho. Sabi ni Kim. Iyon lang at nagkanya-kanya na silang trabaho.

AgreementWhere stories live. Discover now