Chapter 15

480 13 1
                                    

Lim-Uy, nakausap ko na ang pamilya mo, hindi naman sila mahirap kausap, nakangising pagbibigay-alam ni Luis.

Talaga bang ibabalik natin ang 2 ito kapag naibigay ang pera? Tanong ni Slater.

Pag-iisipan ko pa, sagot ni Luis.

Baka naman pwedeng ibalato mo na sa'kin si Kim, nakangising sabi ni Slater. Nakaramdam ng takot si Kim kaya lalo syang nagsumiksik sa tabi ni Xian.

Bakit hindi? ani Luis. Nakita ni Kim na lumawak ang pagkakangisi ni Slater at tiningnan sya ng may pagnanasa.

Xi...natatakot na bulong ni Kim.

Hush, Babe, I'm here, Xian said and hug her tightly.

Matagal ko nang pinag-iisipan kung paano ako makakaganti sa'yo, Lim-Uy. Marahil this is the right time, Luis said.

Subukan mong galawin kahit dulo ng daliri ni Kimberly, and I swear to God, I will kill you. Naggagalawan ang mga ugat ni Xian sa panga sa pagpipigil na kumawala ang galit.

Xi...takot na sabi ni Kim ng makita na binunot ni Luis ang baril sa likod ng pantalon nito.

Kung unahin na kaya kitang patayin ha? Matigas na sabi ni Luis sabay tutok sa kanila ni Kim ng baril. Pero parang mas gusto ng kakaiba ngayon. Ngumisi ito. Hindi ko ibabalato kay Slater ang pinakamamahal mong asawa.

Luis naman! reklamo ni Slater.

Manahimik ka dyan, Slater pag nakuha natin ang pera marami kang pwedeng pagsawaang babae. Matigas na sabi ni Luis.

Kung ganoon, ano ang gusto mong gawin? tanong ni Slater kay Luis.

AgreementWhere stories live. Discover now