Chapter 2: It's Her? It's Me? OMGee~!

89 5 0
                                    

Tumakbo ako palayo ng CR. Kahit na ihing-ihi na ako, bahala na si Batman. Mamaya magalit pa sa akin yung lalaking yun. May mga nababalitaan pa naman akong mga artista na nananakit ng mga fans nila. Mahirap na, ayokong mangyari sa akin yun. Hindi naman nila ako fan eh. Nahila lang ako dito. I have no intention of watching and buying this album kung hindi lang ako pinilit ng aking kapatid.

Nung medyo malayo-layo na yung narrating ko, tsaka ko lang naalala na naiwan ko pala si ate sa may album signing. Mahina pa naman yun sa mga directions, so malamang maliligaw yun. No choice ako kung hindi balikan ko si ate. Bahala na ulit si Batman, kung makita ko yung lalaking iyon. Sana lang hindi pa umaalis si ate sa lugar na iyon.

Nakabalik ako sa place ng album signing at nakita ko na marami-rami pa ring tao, pero konti na lang yung mga nakapila at nagpapa-pirma ng album nila sa may stage. Nakita ko si ate sa may isang pila. Papasok na sana ako pero...

"Miss, bawal pong pumasok ang walang album..." sita nung guard sa akin.

"Eh? Kakabili ko lang ng album kanina..." tsaka ko lang napansin na hindi ko na pala dala yung pagkalaki-laking album na dala ko kanina. "SYET! Yung album ko?! Nasaan na?"

"Miss, umalis na lang po kayo kung wala kayong album."

Napatungo  ako sa sinabi nung guard at akmang paalis na nung,

"Sunhi! Saan ka ba nagpunta? Kakatapos ko lang magpapirma kay Kyuhyun. Sayang hindi mo siya nakita ng malapitan..." sabi ni ate, sabay akbay sa akin. Nasa isang bag niya yung dalawang album na binili niya kanina.

"A-ate... Y-yung a-album" naiiyak kong sabi tska ako tumungo. Hindi ko alam kung bakit masyado akong affected sa pagkawala ng album na yun eh. Pero nalulungkot lang ako kasi hindi man lang nagtagal sa kamay ko yung album na yun. Ilang segundo lang yata, nawala na agad. Sayang naman yung inilibreng album para sa akin ni ate. Nakakalungkot na nakakaasar.

I'm so burara... Nakakaasar. I should die now… Kill me now! Ang drama ko, album lang naman yujn pero saying kasi eh… Alam mo na, pambili na rin ng pagkain yung perang ipinambili ni ate dun. Nakakapanghinayang…

"Lee Sunhi?" may nagsalita galing sa likuran ko. "I think this is yours..."

Nung nag-angat ako ng tingin, nakita ko si ate na para bang itinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan. Para bang naninigas siya. Tumalikod ako para tignan yung taong nagsalita galing likuran ko...

Kaya pala nanigas si ate....

Kaya pala ganyan ang reaksyon niya…

Yung bias niya....

Nasa harapan na niya...

Si Lee Sungmin…

"Ah... hello... Lee Sunhi?" kumaway-kaway pa si Sungmin sa harapan ni ate.

T-teka, hindi ba nila ako napapansin dito?

Umiling-iling yung ulo ni ate at... "Ah? Ano ulit yung sinasabi mo?" tanong niya kay Sungmin.

"Sabi ko, naiwan mo ito kanina nung tumakbo ka palayo ng CR..." sabay abot nung album na may nakasulat na Lee Sunhi at may pirma niya.

Inabot ni ate yung album. "S-salamat..."

"You're welcome... Sige, una na ko. See you next time..." tapos nag-wave na siya kay ate at umalis na.

Nung medyo nakalayo na si Sungmin, "KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" si ate, sumigaw ng napakalakas. Partida nasa parang isang mall kami ngayon at marami-rami ring tao.

"Syet! Syet! Syet! Magha-hyperventilate yata ako. Naku! Naku! Yung blood pressure ko tumataas... HUWAAAAAAAAAAAAA!~ Nakita mo yun? Nakita mo si Sungmin? My gosh~ Pwedeng-pwede na akong mamatay... Kinausap ako ng harap-harapan ni Sungmin. Kahit napagkamalan niya akong ikaw, masaya pa rin ako. Kasi kinausap niya ako. Sobrang happiness 'to sis... Sinabi niya pang 'see you next time', ibig sabihin may susunod pa. Magkikita pa kami ulit... UWAAAAA! Salamat talaga... I love you~! But I love Sungmin more..."  tapos niyakap niya ako ng sobrang higpit.

Grabe pala 'tong kapatid kong ito. OA masyado. Sobrang natuwa yata sa nangyari kanina. Ang haba ng speech niya. Ang daming sabi, ang sakit sa tenga...

Mga 3 hours niya rin akong yakap. Hindi, joke lang... Siguro mahigit-kumulang 3 minutes yun.

"Tara, uwi na tayo..." yaya ni ate. Ang laki-laki ng smile sa labi niya. At mukhang matagal bago mawala iyon.

"Okay… sige" pagsang-ayon ko sa kanya.

"Sumama ka ulit sa susunod na event ah... Nag-enjoy ka naman ngayon eh..."

"Oo na. Wala naman akong choice kung di sumama sa'yo eh. Hindi naman ako pwedeng tumanggi eh..."

"O sige, call yan ah... Igagawa na kita ng banner na dadalhin mo..."

"Bahala ka..."

Naglakad na kami palabas ng mall ng biglang tumigil si ate sa paglalakad,

"Teka?" nagtataka yung itsura pati yung tono ng boses bi ate.

"Bakit?" tanong ko, di ko kasi siya gets.

Ano kayang gusto niyang sabihin?

"Paano pala napunta kay Sungmin ang album mo? Akala ko nawawala ito..." nakapamewang si ate sa harapan ko at para bang naghihintay siya ng isasagot ko.

Napakamot ako ng ulo ko. Wala akong maisip na dahilan.

"Ano?" tanong niya ulit. "Mag-explain ka..." Tumaas na yung isang kilay ni ate.

"Ah... Eh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko kay ate. Hindi naman kasi kapani-paniwala kung sasabihin kong nagkita kami ni Sungmin sa CR.

"Ano nga? Umayos ka Lee Sunhi..." parang nagbabanta na yung tono ni ate.

"Ah... Eh... Nung nagpapa-pirma kasi ako ng album, nakalimutan ko sa table niya yan dahil sobrang naiihi na ako. Hindi ko namalayan na naiwan ko pala sa kanya yan. Natandaan niya siguro ako kaya ibinalik niya yan sa akin..." pagsisinungaling ko.

Waaah! Sana maniwala ka ate… Maniwala ka… Please…

"Ah... magawa nga iyan sa susunod, effective eh... Sana isauli niya ulit para makapag-usap kami ng mas matagal..."

Tapos ayun, nagpatuloy siya sa paglalakad na para bang nasa cloud nine. Walang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Parang baliw na sobrang high, yun lang ang description na maiibigay ko kay ate sa sitwasyon niya ngayon. Mukhang malakas ang tama niya. Sobrang lakas ng tama niya… Malala na siya… 

Lee Sisters' Story - MINutes With You *Slow Updates*Where stories live. Discover now