nine

138 1 0
                                    

"Ano?! Paano?! Bakit?!"

Lahat nalang ng tanong na pwedeng bigyang kasagutan ay itinanong ko. Paano nangyaring kapatid ko si Caris? Hindi ako makapaniwala.

"Makinig ka muna sa Mama mo, Ry." pakiusap ni Papa.

"Anak, ganito. Si Tita Grace at Tito Paul mo hindi magkaanak noon, nagkataong pinalayas kami ng Lola mo sa bahay na tinitirahan natin dati nung isang taon ka palang. Buntis na ako nung mga panahong yon sa kapatid mo, pero di ko pinaalam. Nagkita kami ng Tito at Tita mo. Nagkaroon kami ng kasunduan, kapalit ng lupang tinitirahan natin ngayon ay si Caris. Wala na kaming nagawa ng Papa mo, dahil pag tinanggihan ko yun hindi tayo mabubuhay ng maayos. Kaya kahit sobrang sakit sakin, ginawa ko. Pumunta ako ng panandalian sa ibang bansa kasama sila para dun ipanganak si Caris para walang makaalam na ampon lang siya ng mag asawa. Nagpanggap kaming caretaker ng lupa na to para walang kumalat na chismis. Patawad, anak. Kabutihan nyo lang dalawa ng kapatid mo ang ginusto ko." sambit ni Mama.

Hanggang sa hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Lumabas ako ng kwarto nila at dumiretso na sa kwarto ko. Susundan na sana ako ni Mama pero pinigilan sya ni Papa. Kinandado ko ang pinto ng kwarto ko para hindi nila mabuksan, gusto ko munang mapag-isa.

Hindi ko mapigilang isipin kung bakit nangyayari sakin at samin to. Hindi ba pwedeng maging masaya nalang? Hiniling ko na sana panaginip lang ang lahat ng ito. Sinampal sampal ko ang sarili ko, sinuntok ko ang pader ng kwarto ko, at lahat ng pwede kong gawin na masasaktan ako para magising na ako sa bangungot na to, pero walang nangyari.

Matatanggap ko ba?

Pinuntahan ko si Caris, niyaya ko sya sa dati naming tambayan. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya. Na sobrang nasasaktan na ako. Naaawa ako sa kanya kasi all this time niloloko lang pala siya ng mga taong nakapaligid sa kanya, at ayokong maging isa sa mga yon.


[[end of flashback/ rios's pov]]

forbidden loveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz