three

225 3 0
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!!!!"


"Caris, make a wish! Bilis!" Rios said.



I closed my eyes and make a wish.



It was my 16th birthday, sobrang saya ko. Wala na akong mahihiling pang iba. Kasama kong magcelebrate ng birthday ko si Rios for almost 8 years. I was so happy because he was still there for me. Sinurprise nya ako, hindi ko inexpect 'to kasi walang bakas ng pagkasweet tong lalaking 'to. He gave me a handwritten letter, photo album na puro mukha naming dalawa then yung friendship bracelet na kahati ng sa kanya. Dun lang masaya na ako, he even bought me a cake. Yun na ata ang pinakasweet na bagay na nagawa nya sakin.

"Masaya ka ba ngayon?" tanong nya.


"Oo, sobra. Salamat talaga dito. Grabe ka, kaya pala ayaw mong sumama kapag nagyayakag akong kumain sa labas. Pinag-ipunan mo talaga 'to? Anong nakain mo? Hahaha! Pero salamat talaga. Love you, Ry!" i said.

"Syempre, what friends are for diba? Wala lang yan! Kailangan may kapalit yan. Joke!!" sabi nya.

Tumawa nalang kami parehas. Umuwi narin kami pagkatapos kasi hinihintay narin kami ni Mommy at Daddy kasi may konting birthday party ako, ayoko sana pero gusto ni Mommy. Sweet sixteen daw kung baga.

Sabay na kaming pumunta sa bahay. Binuksan ko yung pinto pero patay yung ilaw. Then biglang...

"Happy Birthday, Caris!!!!"

Nagbukas ang ilaw, then nagpaputok ng party popper. Si Mommy, Daddy, tsaka yung iba ko pang relatives and friends. Nasurprise din naman ako dun. Ang saya lang.

"Oh ayan na pala ang lovers!" sabi ni Tito.

"Kayo na bang dalawa, baka hindi lang magkaibigan yan ha?" dagdag nya.

"Ano ka ba, Kuya. Matalik lang na magkaibigan yan. Tsaka ang babata pa nila, aral muna." sabi ni Daddy.

"Tingnan natin, malay mo naman diba? ano Rios, kailan mo ba balak ligawan si Caris? Level up hijo." biro ni Tito.

Nakatingin lang si Rios kay Tito Jay. Ako naman, tinitingnan ko sya.

"Hm, uhm.. kain na po tayo! Party na!" sabi ni Ry.

"Party!!!"


"Happy Birthday, Caris!" bati nila.


Umiwas nalang sya sa tanong kay Tito Jay, lumingon din ako agad sa ibang direksyon bago pa sya tumingin sakin. Pero kita ko parin sa peripheral vision ko na tiningnan nya ako pagkatapos nyang bitawan ang mga salitang yon.

Hindi ko alam mararamdaman ko, hindi ko nalang pinansin. Siguro nga bata pa kami. Hindi pa nya siguro iniisip yon o siguro wala talaga syang balak. Kinalimutan ko nalang ang bagay na yon, wala na sakin yun.

forbidden loveWhere stories live. Discover now