eight

153 0 0
                                    

"Naalala mo pa ba nung 16th birthday mo? Nung sabi ni Tito Jay na maglevel up ako? Naisip ko yun pag uwi ko ng bahay. Naisip ko na ligawan ka na, Caris. Gusto na kita noon pa. Bago mo pa ako magustuhan, gustong gusto na kita. Ikaw yung babaeng nakikita ko sa panaginip ko na papakasalan ko, magiging nanay ng mga anak ko, at ang kaisa isang babaeng makakasama ko sa buong buhay ko."

In every words spitted feels like a flower is growing inside me. And my lungs corrupted that made me unable to breathe. The person I constantly talk about with the moon, on how he snatched the rays of the sun and brought some into my life is slowly becoming the dawn.


[Rios's Point Of View]

[[flashback]]

Pag-uwi ko ng kinagabihan ng birthday ni Caris, sobrang saya ko. Itutuloy ko na ang plano ko, liligawan ko na sya. Bahala na kung anong sasabihin ni Tito, pero mahal ko talaga si Caris kaya gagawin ko na to.

Dahan dahan akong pumasok ng bahay dahil gabi na baka tulog na silang lahat. Dumiretso na ako papunta sa kwarto ko pero bago ko pa man pihitin ang door knob nito, narinig ko ang boses ni Mama at Papa.

"Ano ka ba naman Lucas, nababaliw kana ba? Masaya na sa buhay nya ngayon si Caris. Hindi na nya tayo kailangan!"

Inilapit ko ang tenga ko sa pinto ng kwarto nila, anong pinagtatalunan nila?

"Gusto kong bawiin si Caris kina Paul at Grace, hiniram lang nila ang anak natin!" sambit ni Papa.


"Bakit ngayon pa? Paano pag nalaman to ni Rios? Ano nalang sasabihin nya pag nalaman nyang kapatid nya si Caris, ha? Nabanggit na nya rin sakin na gusto na nyang ligawan si Caris." sabi naman ni Mama.


Tumulo ang luha ko ng hindi ko napapansin, gumuho ang mundo ko. Paano nangyari 'to? Hindi ko matatanggap 'to.

Buong tapang kong binuksan ang pinto ng kwarto ng mga magulang ko, bastos na kung bastos pero sasabog na talaga ako anumang oras kapag hindi ko pa nalaman ngayon ang dahilan nila.


"Ma... Pa... Ano 'to?" buong tapang kong tanong.


"Anak, magpapaliwanag kami." sabi ni Mama, bahagya na syang umiiyak.


"Bakit ganito, Mama? Papa?" tanong ko ulit, umiiyak narin ako sa sama ng loob.

"Anak, maupo ka." malumanay na sabi ni Papa.

Naupo ako sa harap nila, pinigilan ko muna ang emosyon ko kasi kailangan ko ng kasagutan sa mga bagay na 'to.

"Anak, kapatid mo si Caris."

forbidden loveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora