six

155 0 0
                                    

Nakarating na kami sa tambayan namin noon. Sobrang daming magagandang memories dito. Lahat ng memories na yon, nabuo naming dalawa. May malungkot, may masaya, mayroon din namang ayaw na naming balikan. Lumilibot ang mata ko sa buong field na yon habang nakatayo lang sa iisang lugar, inaalala ang mga nakaraan. Gano'n din si Rios.

"Ang tagal narin pala, no?" sambit nya.

"Oo, parang kailan lang." sabi ko.

"Naaalala mo pa nung una nating punta dito ng magkasama? Sabi mo wala kang alam na outdoor games, kahit taya-tayaan hindi mo alam." sabi nya.

"Tsaka yung mga panahong takot na takot ka pa sa mga tao, kulang nalang magtago ka sa loob ng damit ni Tita." dagdag nya.

"Grabe nakakahiya, hahaha!" sabi ko naman.

"Dito tayo lumaki at nagkaisip, sobrang espesyal sakin ng lugar na 'to." sabi nya.

"Same." pagsang-ayon ko.

"Pero... Itong lugar lang na ba ito ang espesyal sa'yo?" dagdag ko.

"Ha?" tanong nya.

"I mean, ako.. Hindi ba ako espesyal sa'yo?"

Kinapalan ko na ang mukha ko, ito na siguro ang pagkakataon.

"Syempre espesyal ka sakin, ano ka ba. Magkaibigan tayo e, para saan pa ba ang 8 years kung hindi ka espesyal sakin." sabi nya.

Hanggang sa hindi ko na nararamdaman, tumutulo na ang luha ko. Taksil na luha 'to. Gumuho ang mundo ko. Tatanggapin ko nalang siguro na hanggang kaibigan lang ang ganap ko sa buhay ni Rios. Dapat ko nalang sigurong ipagpasalamat na naging bahagi sya ng buhay ko kahit bilang isang kaibigan lang. Sabi nila ang love, nagsisimula sa friendship. But I think Rios and I will always be just friends.

forbidden loveWhere stories live. Discover now