four

184 0 0
                                    

Humiga ako sa kama ko, I took a deep breath. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina. Masakit pala. Pero bakit? Bakit gano'n yung pakiramdam? Bakit masakit? Bakit parang bigla nalang gusto kong umiyak? What's wrong with you, self?


"Caris, stop this. Ano ka ba?"


I can't help but talk to my self. I only have myself right now. Ayokong malaman ni Mommy to. Iniiyakan ko si Rios. Pero bakit? Ang saya saya ko pa kanina nung sinurprise nya ako, pero ngayon parang guguho yung mundo ko, at sya ang dahilan no'n. Maybe I am falling in love with him.

No. This can't be. Kaibigan lang dapat. Bawal ma fall. Pero hindi ko mapigilan yung sarili ko, lahat ng bagay sa lalaking gusto ko nasa kanya. Yung mga pag-aalaga at pag-aalala nya sakin, para sa'n yun? Wala lang?

Siguro nga ako lang ang nagbibigay ng meaning sa lahat ng mga bagay na ginagawa nya para sakin. Siguro nga sobrang mahalaga lang ako sa kanya bilang kaibigan kaya nya ginagawa 'to. Kasi for almost 8 years na kilala ko sya hindi sya nagbabago sakin, kung ano sya nung mga bata pa kami gano'n parin sya hanggang ngayon. Siguro sobra nyang pinapahalagahan ang pagkakaibigian namin kaya nya ginagawa ang mga bagay na yon.

Lahat nalang siguro. Walang sigurado. Ayoko rin magtanong, ayokong masaktan at makasakit. Hahayaan ko nalang muna siguro lahat ng 'to hanggang sa makuha ko na ang sagot sa lahat ng mga siguro ko.

forbidden loveWhere stories live. Discover now