seven

152 0 0
                                    

Huminga ako ng malalim, at nagbitaw ng mga salita.

"Ayoko nang magtago, ayoko nang maging peke sa nararamdaman ko sayo. Gusto kita, mahal kita, Rios. Pagod na pagod na akong maging kaibigan lang sayo. Palagi mong sinasabing mahalaga ako sayo, espesyal ako sayo. Pero kahit kailan ba sinabi mong mahal mo ako? Hindi diba? Alam mo, ayokong manumbat pero lahat ng mga 'I love you' ko sayo parang balewala lang. Napapansin ko yun. Binabalewala ko lang kasi ayokong masaktan. Kapag sinasabi ko sayo ang tatlong katagang yun, it's either tatawa ka lang, iiwas ka, you will just pinch my nose, or guguluhin yung buhok ko. I'm so tired of it, Rios. I'm so tired of being just your friend."



I was about to leave the place but a familiar hand held me, calming my flesh as he slowly pull me into a back hug.




"Please... Sorry, Caris"





Tears ran down my cheeks as if it was a race of who will kiss the bare ground first, and before mine, silent continuous sob is already audible from behind.





"Sorry, please. Patawarin mo ako. Hindi ko alam." sabi nya




Hinarap ko sya.






"Sorry din, hindi ko ipinaalam sayo ng mas maaga. Edi sana nakalayo ka narin ng mas maaga, para hindi na ganito kasakit katulad ng nararamdaman ko ngayon." sambit ko.





"Hindi sa gano'n, Caris." sabi nya.





"Mahal din kita, maniwala ka. Pero.." dagdag pa nya.




"Pero ano? Bilang kaibigan nanaman? Yun ba? Please, Rios." tanong ko.




"Hindi, Caris. Hindi sa gano'n. Mahal kita, maniwala ka. Pero hindi pwede." sagot nya.





"Bakit hindi? May mali ba? Ano? Anong pumipigil sayo na mahalin ako?" tanong ko.



"Gusto kong sabihin ang lahat lahat sayo, Caris. Pero hindi pa ngayon ang tamang panahon." sabi nya.


Gulong gulo na ang isip ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit. Gusto kong malaman kung ano ba yung bagay o dahilan kung bakit hindi nya ako pwedeng mahalin. Kailangan ko ng sagot.

forbidden loveWhere stories live. Discover now