Chapter 1

371 5 1
  • Dedicated to Ring-Ring Ferreras Ere
                                    

SUNGMIN's POV

Nakadapa ako sa kama habang kinukuyakoy ang mga paa ko at nakasalapak ang mukha ko sa unan. So boring naman dito sa bahay. It's sunday morning, so ibig sabihin, walang trabaho.

Tinatamad akong tumayo at hinanap si Ryeowook.

"Ryeooong~~~ Where are you?~~~" Malambing kong tawag sa kapatid ko.

Sa sobrang laki ng bahay namin, kailangan ko talagang gamitin ang maganda kong boses para lang marinig ako.

"Kuya! Nandito ako sa kusina!" Sagot ni Ryeowook mula sa kusina.

"Okay~~~ I'm coming~~~"

Pagpunta ko sa kusina, nadatnan kong nagluluto si Ryeowook at nakaupong naglalaway naman sa harap ng mesa si Shindong. Nilapitan ko si Shindong at inakbayan.

Hmmm~~~ Ang bango ng niluluto ni Ryeowook. "Ryeong, anong niluluto mo?" Tanong ko.

"Ginataang kalabasa. Nagugutom kasi si Kuya Shindong kaya naisip kong lutuan nalang sya ng madaling putahe. I know it's your favorite too, Kuya Sungmin. Lalong lalo na ang kalabasa." Baling sa akin ni Ryeowook habang nagluluto.

Natuwa ako sa aking narinig. KALABASA?! "Really?! Oh wow! Gusto kong kumain! Kung papayagan ako ni Shindong makihati sa ginataang kalabasa." Sabay pa-cute ko kay Shindong. Sana effective.

He sighed.

"May choice pa ba ako?" Piningot nya ng mahina ang ilong ko. Yes! Squashy~~~ I'm coming~~

RIZA's POV

Bubuksan ko na sana ang gate ng bahay ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Di ko na kailangan lingunin kung sino itong adik makayakap sa akin. For sure may kailangan to.

"Anong kailangan mo, Nove?" Bored kong tanong.

"Hehehehe. Ang galing mo. Paano mo nalaman na may kailangan ako?" Nahihiya nyang tanong.

Hinarap ko sya. Kung di ko lang ito kaibigan, hindi ko sya papansinin.

Isa akong kasambahay ng kilalang fashion designer sa Pilipinas na si Jaena Barrameda. Stay-out ang trabaho ko. Binigyan nya ako ng five days na day-off dahil may business trip sya. Ang saya!

"Kapag uuwi kasi ako at yayakapin mo ako, uungot ka sa akin ng utang. Tama ako, di ba?" Nang-uuyam kong sabi sa kanya.

Kaya feeling ko minsan, may nanghohold-up sa akin. Noong unang beses nya itong ginawa sa akin, nasiko ko sya sa mukha. Hindi naman sya nagkaroon ng pasa pero naputok ko ang pimples nya sa pisngi.

Ngumuso sya. "Oo nga. Mangungutang sana ako."

"Magkano?"

"Manghihiram sana ako ng five thousand. Wag kang mag-alala, babayaran ko naman eh. Kilala mo naman ako, di ba?" Pakiusap nyang sabi.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Ano?! Five thousand?! Ang laki naman ng hinihiram mong pera." Okay lang sana kung five hundred. Pero five thousand? Pwede ko naman sya pautangin sa hinihingi nyang halaga dahil may pera naman akong naitabi.

"Hehe. Sorry naman. May kailangan lang talaga akong paggastusan." Napapakamot sa batok nyang turan.

"Tsk! Saan mo ba gagamitin?"

"A-ahh... Kasi... May concert ang favorite boyband ko next month. Kaya ito, mangungutang ako sayo ng pera. Sige na, Riza. Pautangin mo na ako. Please. Babayaran naman kita eh. Kailangan ko silang makita." Maluha luha nyang sabi.

Kahit hindi ako pilitin ni Nove na pautangin sya, papautangin ko pa rin sya dahil hindi nya ako tatantanan kapag hindi ko sya pinagbigyan. Good payer naman sya kahit papaano.

The Hallyu Brothers Book 2: Sungmin [COMPLETED]Where stories live. Discover now