CHAPTER THIRTY-THREE ~ Blush and Pain

Start from the beginning
                                    

"Hihi, parang ganun na nga..."

Sa totoo lang kakatamad na talaga manatili dito sa bahay. Ang boring... Panay si Zayn lang nakikita ko. Mula sa umaga at hanggang gabi. Siya lang naman kasi ang aligaga sa pag-aalaga sa akin. Kung hindi naman siya, yung doktor ko naman na si Dra. Lopez ang taray din masyado... Walang pinagkaiba sa ugali ni Zayn.

Samantalang, yung barkada naman hindi niya rin pinapayagan na bisitahin ako. Like hello!!! Baka daw mabinat ako. Kapal! Nakakabinat ba ang pagdalaw?

"Ahhh, ewan... basta bumangon kana. Kailangan mo ng kumain, iinom ka pa ng gamot."

"Ayaw nga sabi!!!"

"Ahhh ganun? Ayaw mo talagang bumangon?" sabi niya ng nakakaloko at ako'y kanyang inipit sa kama.

"Hoy! Anong ginagawa mo?" sigaw ko na tila...

"Ewan? Hahalikan ko lang yung asawa ko? Bakit may reklamo ka?" OPPS ano daw? O///O

"Zayn!!!!!! Siyaaaa!!! Babangon!!" Huhu... yung pinakaayaw ko talaga sa lahat ay mga ganitong biro eh! No way!!! Hindi na kaya nakakatuwa!

'Huhuh! Never!!!!"

"Wahahahha" pagulong-gulong sa sahig niyang tawa matapos ko siyang itulak at tuluyang tumayo na. "Wahaha hanep ka talaga Misis Rodriguez, hanggang ngayon pa ba? Natatakot ka parin makuha ko first kiss mo?"

"Haha -- nakakatawa!" sarkastiko kong sabi at akmang lalabas na sana subalit...

"Hahhaa... Katniss Claire. Your like a tomato! Ang pula mo!!! Wahaha!!!"

"What?" i said na muling humarap sa kanya. Sinabi niya bang tomato? Ano ako gulay?

"I said, nagblush ka sakin!!! Ayiee" Tukso niya pa.

Like capital E-W-A-N ... I just hate the feeling na pinaparamdam niya sakin, like you know... bawat hawak niya sakin para akong nakukuryente! Hala! Ano meron? Hindi naman ako ganito dati ah!?

"Heh! Ewan ko sayo! Diyan ka na nga! I hate You!" Sigaw ko sa kanya at tuluyang bumaba ng sala.

-------------

Cedric POV

Yes I know, late na naman akong gumising. 8 na kasi ng umaga. Buti nalang 1:30 pa pasok ko sa school. Hihi nag-enroll kasi ulit kaya ayun may pasok na ko ulit. Medyo irreg nga lang, may backsubjects kasi sanhi ng pagtigil ko ng huling sem.

Kasalukuyan akong naghahanda ng breakfast at pasipol-sipol pang nagsasaing para sa sarili ko.

"Hmm. Mukhang malapit ng maluto yung kanin ko" sabi ko ng tikman ko ito at medyo malambot na nga siya.

For Business Sake: 'I married the monster' (fin)Where stories live. Discover now