one

599 4 0
                                    

..."love that we cannot have is the one that last the longest, hurts the deepest, and feels the strongest..."

I was a girl who was loving a man for almost half of my life. Bata palang kami nung nagkakilala kami, nung naging caretaker yung parents nya sa lupang katabi ng bahay namin. Hindi ko inaasahang magiging magkaibigan kami kasi hindi ako yung klase ng batang mahilig makipagsocialize. I hate being around people. Mas gusto kong mag-isa, kausapin ang sarili ko at ang mga laruan ko. I have a high level of social anxiety kahit bata palang ako.

[[flashback]]

Nagkakilala kami dahil sa mga magulang naming dalawa. He was beside her mom while holding her hand. And I was with my mom too, behind her. Ayokong nakakakita ng mga tao lalo na kung unfamiliar to. Hindi ko alam basta bigla nalang kumakabog ng malakas ang dibdib ko kapag may mga taong lumalapit sakin.

Binitawan nya ang kamay ng mom nya then lumapit sya kay mommy sinilip nya ako sa likod.

Inabot nya ang kamay nya sakin.

"Halika, wag kang matakot. Mabait ako hindi ako nang aaway" he said.


"Sige na anak" sabi ni Mommy.


Nangangatog pa yung tuhod ko non at nangangatal ang katawan ko sa kaba, pero inabot ko yung kamay nya. Mukha naman syang mabait tsaka isa pa, gusto ko narin magkaroon ng kaibigan.

"Oh ayan na ha! Ako nga pala si Rios, ikaw?" tanong nya.

"A-ako, ako s-si Caris." putol putol na pagsasalita ko.


I feel uneasy. Hindi ako sanay ng may kausap na ibang tao. But I wanted to overcome my fears. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako dapat lumaki ng ganon. Kailangan kong baguhin ang nakasanayan.

I took a deep breath. You can do this, Caris.

forbidden loveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin