CHAPTER 54: Gender And Insecurities

Magsimula sa umpisa
                                    

'What are you doing?' Inis na tanong ni Kath.

'Nag-iimpake.' DJ answers coldly, rolling a shirt and dumping it on the opened suitcase.

'And where do you think you're going?'

'Uuwi sa Pilipinas.'

'Agad agad? Bukas pa ang flight mo!' Her voice cracks. Inis na inis na talaga siya sa ginagawa ng asawa.

'Hahanap na lang ako ng hotel na malapit sa airport. Di na ako makatagal dito.' Pumasok siya sa loob ng banyo at dala na nito ang kanyang toothbrush at cologne paglabas.

'DJ naman.' Lumapit sya kay Daniel at humawak sa braso nito. 'DJ, please. Mag-usap muna tayo o.' Naiiyak na siya.

DJ brushes her hand away and then turns around to finally face her.

'Iniwan mo ako sa Pilipinas para umiwas sa intriga. Kasi sabi mo mas matatahimik ang buhay mo kung ganito ang gagawin natin. Tang ina Kathryn! Para akong pinapatay unti unti noon nung iniwan mo akong mag-isa doon! Tapos ano? Ano 'tong ginawa mo?'

'DJ...' She sobs. 'I'm sorry kung nasaktan kita. DJ, please...'

'Andito ka, iniiwasan lahat ng intriga pero deep inside pala e kinakain ka pa rin nyang kalokohan na pinagsasabi sayo ni Zharm! All the while, I was there, mag-isa, thinking na you're already okay. Na everything is okay. Pero hindi pala. Nakakagago 'to Kath! E di sana hindi mo na lang ako iniwan doon kung nagpapaapekto ka pa rin pala!' Unti unti nang lumalakas ang boses ni DJ.

'Masisisi mo ba ako DJ? Buntis ako! It's my hormones acting up! Kung hindi naman ako buntis, kaya ko namang hindi pansinin lahat diba?'

'E lecheng hormonal imbalance yan! Lagi na lamang yan ang dahilan!'

'Stop cursing!' Kathryn yells at him.

'Magmumura ako kung kelan ko gusto! Tang ina!'

'Stop it please!' She clutches her chest and holds on to the base of the wooden bed.

Muling nilagyan ni DJ ng mga damit ang kanyang maleta. Umiiyak namang lumabas ng kwarto si Kathryn.

*********

'Mama.' Kathryn cries when her mother entered her room. 'Bakit po naman ganito? Akala ko okay na lahat. Okay na sana lahat e.' She sobs. 'Si DJ po? Umalis na po ba sya?'

'Ayaw magpapigil e.' Min tells her. 'Nasaktan siguro ng husto. Ngayon lang yun nakipag-away sa'yo ng ganon yung isang yun a.'

Kath smiles bitterly.

'Narinig nyo po?' She asks, wiping another batch of fresh tears staining her cheeks.

'Gusto ko na ngang sumugod nung naririnig ko ang sigawan nyo e. Natakot ako Kathryn. Iba ang sabog ni DJ. May pinaghuhugutan pa 'yon.'

'Ako na naman po ba ang uunawa? Nakakapagod na din Mama e. Nakakainis lang kasi dapat masaya kami ngayon kasi alam na namin yung gender ng baby namin. Pero dahil sa kagagahan ko, yan, nag-away pa kami.' And she cries again.

'Wag mong sisihin ang sarili mo anak.'

'E tama naman po kasi siya Ma. Sobra akong nagpaapekto sa mga sinabi ni Zharm noon. Pero kasi Mama...'

'Wala ka naman dapat na ipagselos dun a? Bakit apektado ka pa rin?'

'Kasi ma, I'm afraid. Kahit alam kong kwentong barbero lang yung sinabi niya about the gender of the first-born, syempre natatakot pa rin ako. What if babae nga si baby? I don't want to imagine that smug look on her face as if telling me that she's right. Hay, ang tanga ko Mama. Ang tanga tanga.'

Min brings Kath's head on her shoulder and pata her back.

'Tama na. Maaayos nyo rin 'to. Baka bukas bago ang flight ni DJ, andito na uli yun. Bawal kang ma-stress anak, naku. Baka paglabas niyang baby nyo e nakakunot agad ang noo.'

Kathryn tries to smile but fails. She ends up stifling a cough.

'E Ma, kung sumama na lang po kaya ako kay DJ pabalik sa Pilipinas?'

*******

Pagkalabas pa lamang ni DJ sa terminal ng NAIA, may ilang reporters agad na sumalubong sa kanya.

'Hi DJ.'

'Daniel.'

'Kamusta na DJ?'

Sabay sabay na bati nila sa kanya habang nakasunod sa kanya ang kani-kanilang cameras.

Ngumiti si DJ habang patuloy itong naglakad. Hangga't maaari, ayaw niya munang makipag-usap kahit kanino. Pinilit hawiin ng ilang airport security ang unti unting kumakapal na tao na nakapansin sa aktor.

'DJ, kumusta ang mag-ina mo sa States?'

'Kelan ka uli magkaka-teleserye?'

'Iti-team up ka na daw sa iba? Hindi kaya magselos si Kath?'

'May movie ka daw na gagawin with John Lloyd and Gabby Concepcion?'

'DJ, anong gender ng panganay nyo ni Kath?'

Walang sinagot na tanong si DJ hanggang sa makasakay siya sa naghihintay niyang sasakyan. Isinunod lamang ng driver niya ang kanyang mga maleta at binuksan na lamang niya ang kanyang bintana para kumaway sa mga batang fans na sinundan siya. Ngunit hindi maalis sa isip niya ang huling tanong na narinig.

Dapat masaya siya ngayon lalo pa't nalaman na nila ang kasarian ng baby nila ni Kath. Hindi dapat mabigat ang loob niya sa kasalukuyan.

**********

'E paanong hindi bibigat yan?' Tanong sa kanya ni Karla nang makarating siya sa bahay.

Bago pa man siya nagsalita, alam na agad ng ina na may naging hindi sila pagkakaunawaan ng asawa bago siya umalis ng Alaska. Marahil ay nagkausap na ito at ang kanyang Mama Min. Napahawak si DJ sa kanyang sintido habang nakasunod naman ang kanyang ina sa kanya.

'Punyeta Danilo. Inaway mo yung buntis? E kung nakunan yon? Alam mo namang hindi dapat pinapasama ang loob ng mga buntis diba?'

'Kumusta na daw po si Kath?' Tanong nito na parang hindi narinig ang litanya ng ina.

'Tumigil na daw sa kakaiyak. Naku Danilo talaga, pag may masamang nangyari kay Kathryn at sa baby nyo ha? Ililibing talaga kita ng buhay!'

'Ma please...' Yun na lang ang sinabi ni Daniel bago siya pumasok sa kanyang kwarto.

Pasalampak na umupo si DJ sa kanyang kama at muling hinilot ang sumasakit na ulo. Inabot niya ang drawer sa may bedside table at naghanap ng Paracetamol.

'Hay tang ina o!' He curses when he didn't find one.

Kulang na lamang ay ibato niya ang nahagip na lampshade.

'Ang tanga mo Daniel!' He blames himself. 'Naginarte ka pa doon!'

His eyes suddenly caught something which was on the corner of his room.

Meanwhile, Kath was still awake, eyes wide opened, she's thinking about that box they sealed more than a month ago.

*********

***AUTHOR'S NOTE***

Nakakafrustrate ang yahoo.

Seryoso.

Boto pa po tayo...

Thank yow!

Paano Kaya, Kung... (A Kathniel Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon