Malamang yung kasama niya yun sila lang naman dalawa sa loob eh.

Nang lumingon yung isang lalake..........

"WHAT DA---?" yun lang nasabi ko. Eh pano ba naman yung taong yun pa ang makikita ko at yun pa magpipicture sa akin.

"Magkakilala kayo??" tanong nung isang Kuya.

Oo na hinde na ewan. Kilala ko siya na siya yung nakapulot ng i.d ko at dahil lang sa nasampal ko siya hindi na niya binalik.

"Yes po. I know her." sabi nung lalake na yun. Fellengero huh. As if namang kilala ko siya.

"ah ganun ba, buti naman pala may kakilala kana dito hindi kana mahihirapan sa paghahanap ng makakajammingan na kaibigan." sabi ni kuya, kung alam lang niya ni hindi ko nga yun kilala.

Tumingin ako sa watch ko at 3 minutes na pala akong late hindi ko narinig na nag-ring yung alarm ng school.

"Ah, mamaya nalang po ako magpapa-i.d. malelate na po kase ako sa klase ko sige po alis na po ako." Mamaya ka din, humanda ka sa akin lalake ka huh.

"Aalis na din po ako may klase na din po kase ako. Mamaya nalang po uli." Nagulat ako kase lalabas na din pala tong lalaking to.

"Oh sige, ikaw na bahala sa kaibigan mo." sabi ni kuya sa akin,wow bata ba siya at kaylangan kong bantayan. Ano ko yaya niya.

Ngumiti nalang uli ako.

><><><><><><><><><><><><><><><><><

@saLabasNgBusinessCenter

Pagkalabas ng pinto.

Nilagpasan ako ng lalaking iyon.

"Hoy lalake, saan mo naman nakuhang baul yung sinabi mo kanina na kilala kita. I don't know you, even your name hindi ko din alam. Tapos ang lakas ng loob mong sabihin kay Kuya na magkakilala tayo." talak ko kay lalake.

Humarap siya at naglakad palapit sa akin.

"ah yun ba wag ka mag-alala kilala na kita. Clazel Jane di ba?

"ah oo nga pala TJ nalang tawag mo sakin. oh ayan magkakilala na tayo. Okay ba.?"

"wala akong pakialam kung sino ka mang nilalang ka. At pwede ba ibalik mo na yung i.d. ko."

"Hindi ko na ibabalik yun diba ang sabi mo sa akin na yun at sabi mo pa nga pagpantasyahan ko."

Lumakad siya ng malapit na malapit sa akin dahilan para mapasandal ako sa pader. Ang lapit lapit na niya sa akin. Ano ba gusto nito.

Nilapit pa niya yung mukha niya sa mukha ko.

"Pero madali naman akong kausap ibabalik ko yung i.d. mo kung ikikiss mo ko."

Hindi ako makapagsalita. Hindi din ako makagalaw ano ba yan.

Dug ...dug....dug...dug

Heartbeat ko ba yun?

"Ha- hahahaha" lumayo na siya sa akin at tumawa siya ng malakas. "Nagbibiro lang naman ako sa mga sinabi ko. Bakit naging ganyan ang itsura mo? namutla ka hahaha okay ka lang ba?"

Ano ba

naman yun? Kinabahan ako dun ah nakakainis tong lalake na to.

Sa inis ko tumakbo na ako palayo sa kanya at hindi ko na siya nilingon. Nagdiretso na ako sa classroom namin na kung saan nanduon na yung teacher. Bakit iba? bakit naging lalake yung teacher? Mali ata yung natapatan kong classroom. Pero andito yung mga classmates ko at mukhang dumami sila.Sinenyasan ako nung isang classmate ko na pumasok na. Hindi naman siguro mapapansin kung papasok ako dito mula sa likod na pintuan nakatalikod naman yung teacher dahil may sinusulat siya sa board.

Mr.SleepyHeadz and Me (ON-GOING)Where stories live. Discover now