Assume 6

396 10 0
                                    

A/N:

       Mga ka-assuming, oo ka-assuming talaga dahil assuming na writer din ako hahaha, ito na ang update. Sana magustuhan niyo rin ito.

       Read. Comment. Vote.

☆☆☆☆☆

Assume 6

       Tatlong araw na rin ang nakalipas simula nung sinabi ni Bryan yung surprise plan niya. Hindi pa rin ako makapaniwala na hindi tumalab ang alindog ko sa kanya. Ang dami kayang nagkakandarapang lalaki sa sakin. Ang mas hindi ko pa makapaniwalaan ay itong si epal. Kahit kailan talaga ang epal niya. Kita na ngang nag-e-emote ako sa room bigla ba naman akong bigyan ng pagkain at iniwan nalang basta basta nang nakanganga.

         Dahil sa nagwawala na ang mga alaga kong dragon sa tiyan ko ay kinain ko na ang binigay niyang pagkain sakin. Aba syempre, kahit na broken ako ngayon kay Bryan hindi dapat ako nagpapalipas ng kain. Sa ganda kong 'to? Pang miss universe kaya ako. Pero hindi pa rin mawawala sa isipan ko na mapaisip na paano na ako kung magkakabalikan sila ng clown na sobrang kapal ng make-up na Erika na iyon. Halata naman na mas maganda ako sa babaeng 'yon. Hmmp!

       Nung uwian na, sabay kaming lumabas ng room. Laking gulat ko nang makita ko si epal sa labas ng room namin. Sa tapat mismo ng pinto namin. Nakasandal siya sa railing sa tapat ng pinto. Nag-hi siya saming dalawa pero hindi ko siya pinansin. At magsasalita pa sana si Mea ay hinatak ko na siya. Ewan ko kung bakit parang naiilang ako sa kanya. Ay oo nga pala, dahil isa siyang dakilang epal. Oo, tama yun. Sinundan niya kami hanggang sa gate na kami at maghihiwalay na kami ng daan ng bestfriend ko.

       "Sinusundan mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya sunod nang sunod sakin sa paglalakad. Akala niya siguro hindi ko nahahalata.

        "Sinong sinusundan?" pagmaangmaangan niya. Padeny deny pa ang epal halata namang sinusundan niya ako.

       "Ako," taas noo kong sagot.

       Nagsalubong ang mga kilay niya. "Ikaw? Sinusundan? Nakalimutan mo na bang magkakapitbahay tayo, Plax?" Naestatwa ako sa sinabi niya. Nilagpasan niya ako at nauna nang maglakad. Ha! Palusot niya lang yun. Muntik na niya ako halikan noong nakaraang araw.

       "Hoy!" tawag ko sa kanya nang bumalik na sa katinuan ang katawan ko. Hindi siya tumigil, nagpatuloy lang siya sa paglakad. Akala mo kung sinong gwapo para hindi ako pansinin. Wala nga lang siya sa kalingkingan ni Bryan.

       Naglakad na ako. Binilisan ko ang paglalakad ko para maunahan ang epal na yan. Nang malapit na ako sa kany inapakan ko ang kanang paa niya. Nilakasan ko talaga para sumakit talaga.

       Napabungisngis ako nang maalala ko ang epic ng expression ng mukha niya. Hahaha!

       "Plax, magready ka na." Huminto ako sa pagbungisngis. Nandito na pala sa Bryan sa tabi ko. Hehe! "Malapit na labasan nila Erika. Basta yung plano ah," sabi niya bago bumalik sa pwesto niya kung saan siya magtatago.

       Nandito nga pala kami sa may gate ng school ng clown na Erikang yun na mukhang hipon para isurprise siya. Kung hindi ko lang talaga love si Bryan hindi ko 'to gagawin. Pasalamat talaga siya sahil kung hindi matagal ko na siyang sinabunutan. Pero dahil love ko nga si Bryan at love niya ang clown ay hindi ko na ginawa. Ayokong madissapoint sakin si Bryan. Matu-turn on pa rin siya sakin. Mabibihag din siya ng alindog ko gaya ng mga lalaking nakakasalamuha ko sa araw-araw kong pamumuhay.

       Naglabasan na ang mga estudyante sa gate. Hinanap ko ang may pinakamakapal na mukha este make up sa mukha. Wala akong nakita. Saan ba nagsusuot ang clown na yun? Ang tagal niya lumabas ah. Nakakatamad pa naman na hanapin siya. Unti-unti nang nauubos ang mga estudyante at mabibilang ko nalang ang naglalakad. Binilang ko pa nga para sure ako kung ilan talaga. Sampu nalang ang naglalakad sa may gate. Oo, sampu. Pero sa sampung yung wala pa rin siya. Aalis na talaga ako rito pag di pa yun nagpapakita. Hindi niya dapat pinapahintay ay dyosang tulad ko. Nagflip ako ng hair ko para may effect kasabay ng hangin.

Diary ng Assuming (Editing)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن