Assume 21

56 2 5
                                    

Sinubukan kong matandaan ang mga nangyari noong mga bata pa lamang kami. Pero wala talaga. Si Epal lang talaga ang pumpasok sa utak ko kapag iniisip ko ang nakaraan; naglalaro sa isang park; nakaupo ako sa swing habang tinutulak niya ito.

Marami silang pinag-uusapan na mga nangyari raw noong mga bata pa kami. Hindi ko naman matandaan ang mga iyon kaya nagsabi pa sila ng mga kung ano-ano pa na related sa childhood namin. Pero wala parin. Nakinig nalang ako sa mga kinukwento nila na mga nakakatuwang pangyayari. Napuno ng tawanan ang tree house. Nai-imagine ko ang mga kinukwento nila. Ang saya talaga siguro ng childhood namin. Si Mae at Jaymarkent ang pinakamaingay sa amin.

"Mauna na ako. Dumidilim na rin. Kailangan ko pang tapusin ang activity plan," paalam ni Jaymarkent sa amin. Tiningnan niya ang dalawa pang lalaking kasama namin. May sinasabi ang mga mata nito na hindi ko maunawaan kung ano.

"Bye, Jay! Ingat!" Sigaw ni Mae.

***

"Plax, dahan-dahan lang baka madapa ka." Hindi ko nilingon ang batang lalaki na humahabol sa akin. Kasing-edad lang siya. Pinagpatuloy ko lang ang pagtakbo ko papunta sa swing.

"Junjun, kanina ka pa nandito?"

Umupo ako sa bakanteng swing na katabi ng inuupuan niya.

Tiningnan niya ako. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin. "Hindi naman, Plax. Kakarating ko lang din."

Hinahabol ko ang paghinga ko. Nakakapagod talagang tumakbo galing sa bahay namin papunta rito. Tinukod ko ang mga kamay ko sa mga tuhod ko.

"Hingal na hingal ka. Tumakbo ka na naman siguro."

"Oo, eh. Hinabol na naman kasi ako ni Brybry. Alam mo naman kung ano-anong kalokohan ang naiisip 'non," sabi ko nang tumatawa.

Hindi siya nagsalita. Diretso lang ang tingin nito sa likuran ko. Sumeryoso ang mukha niya.

Tiningnan ko naman kung saan siya nakatingin. Tumatakbo si Brybry papalapit sa amin.

"Nandito na pala ang lovebirds," napalingon ako sa nagsalita. Nakatayo si Mae at Jayjay sa harap namin, sa harap ng swing. "Good morning, Bryan! Bilisan mo na! Laro na tayo!" Masiglang aya ni Mae.

***

Naalimpungatan ako nang may naririnig akong nag-uusap, seryosong nag-uusap. Sobrang hina ng boses nila na parang bumubulong na lamang pero naririnig ko parin dahil sa katahimikan ng paligid.

Kinusot ko ang mga mata kogamit ang mga kamay ko. Unti-unti akong dumilat. Nakita ko si Bryan at Epal na naka-indian sit sa pagkabilang side ko. Marahil hindi nila napansin na gising na ako. Seryoso ang mga mukha nila.

"Anong oras na?" Tanong ko. Wala na kasi akong nakitang sinag ng araw na pumapasok sa maliliit na butas sa haligi ng tree house.

Sabay silang napatingin sa akin. Nagbago ang mga hitsura nila, khng kanina ay seryoso, ngayon naman ay nakangiti nang nakaharap sa akin. Ang ganda ko talaga dahil nahumali sila sa kagandahan ko. Akalain niyo, dalawang guwapong lalaki ang may gusto sa akin. Ang swerte ko talaga. Pero nahihirapan ako kung sino ang pipiliin ko. May parte sa akin na si Bryan ang sagutin ko. May parte naman na umaangal dahil sa Epal dapat ang sagutin ko. Ano ba? Nakaka-stress din pala ang maging diyosa.

"Gising ka na pala, Baby. Gutom ka na ba?"

"Magse-seven PM pa lang, Wifey."

"Seven? Kailangan ko nang umuwi." Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa lapag. "Nasaan pala si Mae?" Tanong ko nang mapansin ko na wala siya rito.

Diary ng Assuming (Editing)Where stories live. Discover now