Assume 7

413 9 3
                                    

       Sorry sa very late update, mga assuming (tawag sa nagbabasa niyong DnA hahaha)! Madalang lang kasi nakakapagsulat gawa ng school works at activities. Hope you still like it! (Kung nagustuhan niyo man ang previous chapters hehe)

READ. COMMENT. VOTE.

☆☆☆☆☆

Assume 7

       "Plax, sorry! Nagkamali ako," pagmamakaawa ni Bryan sa harap ko. Lumuhod siya sa harap ko. "Sorry kung nasaktan kita kahapon!"

       Sabi ko na nga ba, hihingi ng tawad ang Bryan my labs ko. Hindi niya talaga ako matitiis na makitang nasasaktan.

       "Patawarin mo na ako, please!"

       "Pinapatawad na kita," ngumiti ako sa kanya. Hindi ko kayang hindi siya patawarin. Nakita kong ngumiti rin siya at tumayo.

       "Thank you!" nakayakap siya sakin habang sinasabi niya yun. First time niya ako niyakap. Syet na malagkit. "Plax, can you be my girl?" bulong niya sa tenga ko, nakayakap pa rin siya sakin. Totoo ba 'to? Tinatanong ako ni Bryan na maging girlfriend niya. Kyaaaah! I can't believe it.

       "Yes Bryan! Yes!" sagot ko sa kanya habang nakangiti ng malapad. Kyaaaaa! Di talaga ako makapaniwala na mangyayari 'to.

       Waaah! Di ko na to kakayanin. Promise! "Thank you Plax!" bulong niya sakin saka hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko habang unti-unting lumalapit ang mukha niya sakin.

       Hahalikan ba niya ako? Kyaaaaah! What to do? What to do? Hindi pa ako ready na madevirginize ang lips ko. Pero kung siya ang makakauna sakin, ibibigay ko sa kanya.

       3 inch, 2 inch , 1 inch na lang maglalapat na mga labi namin. Kyaaaah! Pinikit ko nalang ang mga mata ko di ko na kasi kaya eh.

       "Hoy Plax! Ok ka lang?"

       "Yes Bryan ok lang ako."

       PAK!

       Aray! Sino ba yung impaktang nanapak? Ang sakit ah.

       "Ayaw mo talagang bumangon diyan, Plax? Sige babawasan ko allowance mo," rinig kong sabi ni mama. Napamulat ako bigla at umupo.

       "Wag niyo naman bawasan allowance ko mama. Ang liit na nga ng allowance ko babawasan mo pa," nagpout ako. Nilalakad ko na nga lang papuntang school at pauwi samin para makatipid. Tapos babawasan pa? It's a free country pero asan ang hustisya?

       "Tigilan mo pagnguso mo diyan. Bantayan mo ang tindahan, aalis kami ng kapatid mo," sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko. Tss. Ginising pa talaga ako. Pwede namang isarado nalang muna ang tindahan kahit ngayong oras lang. Sayang yung kiss ni Bryan sakin eh. One inch nalang matitikman ko na lips niya kahit sa panaginip man lang. Malapit ko nang matikman ang mapula pula at malambot na labi ni Bryan my labs.

       Humiga ako ulit at pinikit ang mga mata. Sana matuloy na ang kiss namin.

       "Mama, si ate bumalik sa pagtulog," sigaw ng nakababata kong kapatid, si Kyle. Napadilat na naman tuloy ako. Bwisit.

       "Plax!" sigaw naman ni mama.

       "Opo. Papunta na po ng tindahan." Kahit gusto ko pa matulog ay tumayo na ako at tinungo ang tindahan. Keaga-aga nambubulabog ng tulog. Wala rin naman akong magagawa baka bawasan talaga ni mama ang allowance ko. Hindi na talaga ako magsa-snack kung magkaganun man.

       Pumikit muna ako, wala pa namang customer at isa pa ang aga-aga pa. 6am pa kaya ng umaga. Sino namang baliw ang bibili sa ganitong kaaga? Maliban nalang kung bakeshop kasi kadalasan sa mga tao ay tinapay ang inaalmusal. Hehe!

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon