Assume 17

69 3 1
                                    

"Plax, uuwi muna ako. Magpapalit lang ako ng damit at kukuha lang ng pampalit ko."

"Sige. Bye, Mae!"

"Ikaw ang mag-ingat."

"Ha?"

"Wala. Sige. Alis na ako baka gabihin pa ako," sinabit niya sa balikat ang bag niya.

Binatukan ko siya. "Gaga! Tatlong blocks lang naman layo ng bahay niyo sa amin."

"Nako, Plax, delikado na kaya ngayon. Baka kung may mangyari pa sa akin habang papunta sa inyo. Wala pa naman akong knight in shinning armors, katulad mo."

"Oo na. As if naman may papatol sa iyo," sinukbit ko na rin ang bag ko sa balikat ko.

"Ay grabe ka. Ang hard mo talaga sa akin. Ganyan ka naman palagi, parang hindi tayo best friends," nauna siyang naglakad palabas ng classroom.

"Tampo ka na niyan? Tigilan mo ako ng ganyan ganyan mo, Mae. Hindi bagay sa iyo, nagmumukha kang timang."

"Porke't luma-lovelife ka na ganyan ka na. Sige lang."

Tumawa ako. "Don't worry, Mae, makakahanap ka rin ng para sa iyo. Malay natin nasa gilid mo lang," tinuro ko si Jaymarkent gamit ang mga labi ko.

Tiningnan niya naman ang tinuturo ko. "Baliw! Hindi kami talo atsaka alam ko kung sino ang gusto niya. Wait. Teka. Bakit napunta sa akin ang usapan?"

Nagkibit-balikat lang ako.

"Basta ang masasabi ko lang sa iyo, Plax, mag-ingat ka sa magiging decision mo," nginitian niya ako. "Bye na talaga." Nagbeso-beso kami. "Nandiyan na ang mga sundo mo," bulong niya. Kinindatan niya ako atsaka umalis na.

"Tara na, Baby/Wifey," sabay pa nilang sabi. Lumapit sila sa akin, sa magkabilang side. Hinawakan nila ang kamay ko.

Shet lang. Bakit nakakaramdam ako na may kuryenteng dumaloy galing sa hawak ni Epal? This can't be happening! Si Bryan ang mahal ko.

Nagsasagutan sila kung kanino ako sasama. Kaya ito kami ngayon sabay kaming naglalakad. Iniwan ni Bryan ang motor niya sa school, babalikan na lang niya raw, ihahatid niya raw muna ako.

Pasikatan parin sila habang naglalakad. Tahimik lang ako. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Bakit ganito? Dapat sigurong layuan ko na yalaga si Epal. Hindi ito pwede. Kay Bryan lang ako.

"Alis na ako, Baby. Kukjnin ko pa motor ko sa school," nilapit niya mukha niya sa akin. Kunti nalang talaga lalapat na ang labi niya sa pisngi ko, naaamoy ko na nga ang mabango niyang hininga, pero hinatak siya ni Epal. Bwisit! Ang Epal niya talaga. First kiss na niya sa akin iyon, eh. Sayang!

Tiningnan niya si Epal, nanlilisik ang mata. Chos! Masama lang ang tingin niya. "Problema mo, Bro? Hindi nga kita pinigilan kanina. Madaya ka talaga."

"Tss. Umalis ka na nga."

"Aalis ako pero siguraduhin mong wala kang gagawin. Lumaban ka ng patas, Bro," tumalikod siya't nagsimula nang maglakad pabalik ng school.

"Nakakainis ka talaga! Epal ka talaga!" Sinuntok-suntok ko ang braso niya. Letche! Ang tigas ng muscles niya, hindi naman sobrang tigas, sakto lang, hindi rin kasi malambot.

Magpigil ka, Plax. Huwag kang magpatalo sa braso niya.

Hinawakan niya ang mga braso ko. "Wifey, tumigil ka na nga. Pinagtitinginan na tayo. Sige ka."

Huminto ako sa pagpupumiglas sa hawak niya. Binitawan niya naman ako nang huminahon na ako.

"Pumasok ka na sa inyo," tinalikuran niya ako.

Diary ng Assuming (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon