Assume 13

80 2 1
                                    

"Plax, sorry. Sorry sa mga nagawa ko."  Seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pamamaga ng mga mata niya sa sobrang lapit ko sa kanya.

Hinawakan niya ako sa balikat. "Sorry talaga."

"B-Bryan, hindi ko maunawaan kung bakit ka nagso-sorry. Wala ka namang nagawang masama sa akin."

"No! Nasaktan kita. Alam kong nasaktan talaga kita."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ang gago gago ko. Sinaktan kita ng ganoon. Akala ko sasaya ako kapag nakipagbalikan ako kay Erika. Pero nagkamali ako."

"B-Bryan... hindi kita maunawaan. Ano bang pinapahiwatig mo? Hindi kita ma-gets."

"Plax, mahal kita. Mahal na mahal kita. Kaya sorry sa mga nagawa ko. Alam ko na gusto mo rin ako. Nahahalata ko 'yon sa mga galaw at sa tingin mo. Sana hindi pa ako huli. Sana. Kasi nararamdaman ko na may nararamdaman rin si Keinth sa'yo."

"Pero paano si Erika? Si Keinth? May gusto sa'kin? Huwag ka ngang mag-joke ng ganyan, trip niya lang niya akong asarin."

"Kung nag-aalala ka about kay Erika. Wala na kami. Wala naman talagang kami noong nagkabalikan kami dahil ginamit niya lang ako para pagselosin yong bestfriend niyang may gusto sa kanya." Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Sana hindi pa talaga ako huli."

Bigla nalang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko papunta sa mga pisngi ko. Totoo ba ang lahat nang ito? Na nangyayari talaga ito ngayon?

"Shhh. Please. Huwag ka umiyak. Hindi ko na kaya na saktan pa kitang muli. Hindi ko na kakayanin kapag nangyari 'yon," pinahid niya ang mga luha ko na nasa pisngi ko gamit ang mga kamay niya.

"So-sorry. Hindi ko mapigilan," nginitian ko siya.

Ngumuti na rin siya. "Nanliligaw ba sa'yo si Keinth? Napapansin ko kasi na parang binabakuran ka niya."

"Ha? Binabakuran? Wala naman siyang sinasabi sakin. Atsaka hindi ko rin siya maunawaan bigla kasing lapit nang lapit sa'kin kahit sinasabihan ko na huwag siyang lalapit sa'kin."

"Ganoon ba?" umabot ng tenga ang ngiti niya. "So, you're still single?"

"Depende."

"Anong depende?"

"Depende kung may maglakas ng loib na manligaw sa'kin."

"So, pwede nga?"

"Ikaw bahala."

"Thank you!" Niyakap niya ako ulit.

"Bryan, hindi ako makahinga," pagbibiro ko.

"Sorry. Tara na. Dumidilim na baka hinahanap ka na sa inyo," hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at naglakad na.

Nakasunod lang ako sa kanya. Nagpapadala lang sa kung saan niya ako dalhin.

Hindi ba talaga ako nananaginip gaya ng dati? Baka gisingin na naman ako ni Mae o kaya ng kapatid ko.

Tumigil kami sa tapat ng isang motorcycle. Nasa parking lot pala kami.

"Suotin mo 'to," sabi niya't sinuot sa ulo ko.

"May motor ka?" Tumango lang siya. "Ngayon ko lang ata 'to nakita?"

"Busy kasi kayo sa paglalakad ni Keinth," nakita ko siyang sumimangot pero agad din siyang ngumiti pagkasuot niya ng helmet niya. Lumingon siya sa'kin. "Sakay na."

Pinaandar na niya ang motor nang dahan dahan pero bigla niya itong binilisan nang nasa kalye na kami. Bigla akong napakapit sa kanya dahil sa ginawa niya.

Diary ng Assuming (Editing)Where stories live. Discover now