Baby Siete~

3.5K 152 8
                                    


So ayun, dedicated to kay bby Kate. Bby, makaka move-on ka rin po. Remember, strong tayo. Makakahanap ka din ng desrving. Labyoo po, support mo nga ako sa pagsusulat ko eh. Hahaha, kaya lab ko kayo. Mwapss :*

------

"Choco, mababasag na yang basong hawak mo. Ano bang problema?" napatingin ako sa hawak kong baso at tumingin kay Strawberry na noo'y naka higa sa tabi ni Chozer. "At isa pa? Napa aga naman at ang uwi mo. Di mo ba bet ang mga bar dito?"

"I really hate him" di mawala ang inis sa tinig ko sa mga oras na iyon.

"Teka? Sino ba?"

"Yag walang hiyang Khalil na yan. I really hate him"

"Naku, ano bang nangyare?"

Ayun kinwento ko kay Strawberry simula sa umpisa hanggang sa pag iwan ko kay Khalil dun sa dalampasigan.

"Ayun naman pala eh. Baka naman na carried away lang sa sitwasyon. Siyempre kahit sino mag-alala para sayo. Eh muntikan kaba naman magahasa" biglang sabi ni Strawberry

"Pero naman kasi yung parang siya mismo iba ang binigay na meaning dun sa hindi ko pag laban kay Jake" inis pa rin na sabi ko

"Hindi mo siya masisi. Maybe he's thinking na you're a strong. Kaya ganun ang nasabi niya"

"Ah basta, galit ako sa kaniya. Period"

"O siya, bahala ka. Tabihan mo na tong anak mo at matutulog na ako sa kwarto ko" ani niya sabay ahon sa kama at lumabas ng pinto. Agad naman akong tumabi kay Chozer at nag hintay na dalawin ng antok.

*KINAUMAGAHAN*

"Tumawag si mom na naka prepare na ang birthday party para kay Chozer" pambungad sakin ni Sehun, habang inaayos ko na ang mga gamit namin papasok sa loob ng sasakyan. Yun kasi ang purpose kung bakit kami nag out of town para maka pag handa si Mommy for birthday party ng unang apo nila.

"Ganun? Bat sayo tumawag? Ikaw ata ang anak at hindi ako" kunwareng tampo ko. Kinurot niya naman ang psingi ko at niyakap ako sa bewang kaya niyakap ko siya sa leeg.

"Naku nag tampo pa, hahaha. Naka off daw kasi phone mo kaya sakin tumawag"

"Ay oo nga pala" ani ko nang napagtanto ko. Nalimutan ko i-charge kagabi

"Ehem"

Agad kaming napa bitaw sa pagyayakapan namin ni Sehun at lumingon sa may tumikhim

"Naka alis na ang iba at ako lang ang walang sasakyan kaya dito nalang ako ulit sasakay" pag papa alam sa amin ni Khalil. Agad kong iniwas ang tingin ko nung nagawi sa akin ang mga titig niya.

"Sure, lets go. Sakay na kayo" ani ni Sehun

Papasok na sana ako sa sasakyan nung pinigilan ni Khalil ang pag kilos ko, hinawakan niya kamay ko at hinarap niya ako sa kanya.

"I'm sorry" ani niya. Tiningnan ko siya sa mata. "I'm sorry about yesterday. Alam kong nasaktan ka sa sinabi ko kagabi. Kaya humihingi ako ng tawad" . At mukhang seryoso naman siya kaya tumango nalang ako. Nauna na ako pumasok sa kotse, sa tabi ni Sehun habang siya naman ay umupo sa tabi ni Chozer which is sa likod. Tahimik lang ang byahe habang naka labas na kami sa Hi-Way.

*SCREEEECCH*

THIRD PERSON'S POV

Isang malakas na sigaw ang pinkawalan ni Choco, tatlong itim na van ang humarang sa sasakyan na lulan nila at sakay ng mga ito mga lalaking may mga dalang baril. Bumaba ang mga ito sa van at pinalibutan ang sasakyang kotse na lulan nila Choco.

"Labas" utos ng isang lalaki

Agad namang sinunod nila Choco ang ini utos ng lalaki. Yakap niya si Chozer na noo'y nangi-nginig dahil mukhang alam nito na nasa panganib sila.

"Paki usap. Wag niyo saktan ang anak ko. Ako nalang ang kunin niyo" naiiyak na sabi ni Choco

"What are you talking. No, ako bahala sa inyo" pigil ni Sehun sa gustong mangyare ni Choco.

Agad namang inambahan ng suntok ni Sehun yung lalaki na malapit sa kanya, nasapol ito kaya natumba sa kinatatayuan. Ganun din ang ginawa ni Khalil, pero bago pa man maka tunog ang mga kalaban naka padala na siya ng signal sa mga kasama nila na nasa malaking panganib sila ngayun. At tulad ng ginawa ni Sehun, nakipag buno din si Khalil, tinulungan din ito ni Choco. Hanggang sa natigilan silang tatlo nung marinig ang sigaw ni Choco, mula sa kamay ng lalaki na nooy pinipilit na ipasok sa van si Chozer.

"Mommy, Daddy. HELP!"

"Chozer anak ko. No!" pinukpok ng isang goon si Choco kaya nawalan siya ng malay.

itutuloy-

WE GOT A BABY! [Part 2: Baklang Bitter] #MPregKde žijí příběhy. Začni objevovat