Baby Quatro~

4.4K 203 20
                                    


Choco's POV

"Tita Berry! Tito Klein! Tito Klloyd" dinig kong sigaw ni Chozer. Tamang tama lang ang dating nila. Maya-maya andito na si Atom and Khalil.

"Oh ang gwapo ng inaanak ko! San ang punta?" rinig kong tanong ni Klein kay Chozer

"Mag a-outing daw po kami sabi ni Mommy" sagot naman ni Chozer. Lumapit naman ako sa kanila.

"Outing niyo pala di mo man lang sinabi samin. Ano imbitado ba kami?" parang batang nag tatampo na saad ni Klein

"Psh. Tigilan mo nga ako Klein. Alam ko naman na Party Crasher ka eh" sabi ko.

Dinig ko naman na humahagikhik ang dalawa sa likuran ko. Mag sisimula na sana silang mag-away nung marinig namin ang pag doorbell.

"Ako na pinsan" pigil sakin ni Strawberry umalis

"Sige salamat" saad ko. Bumalik naman ako sa ginagawa ko ang pag hahanda ng mga dadalhin para sa outing namin.

"Khalil? Ikaw nga. Namiss ka namin!!" excited na sigaw ni Klein ng makita nito si Khalil kasama si Atom. Nag yakapan naman sila.

"Kamusta kana? Naputol agad ang komunikasyon natin pagka alis mo" wika ni Klloyd

"Siguro may girlfriend kana dun no" pambubuyo ni Klein. Parang kinurot ang puso ko nung naring ko yun. Bakit ganun? Pinutol ko na ang usapang yun.

"Oh ayos naba dadalhin niyo? Mag a-outing tayo. Hihintayin nalang natin si Sehun. Maya-maya andito na yun" paliwanag ko sa kanila

"Daddy!" sigaw naman ni Chozer

"Oh. Baby! Andito pala kayo?" sabi ni Sehun.

"Yeah. Inimbita kami ni Choco para sa outing" sagot ni Strawberry

"And since nandito kana. Were going na" sabi ko sabay kiss sa pisngi niya. Sa sulok ng mata ko nakita kong umasim mukha ni Khalil. What? Don't tell me he's jealous?

"Okay lovebirds time to go" basag ni Klein

"Eh san ba tayo sasakay?" tanong ni Strawberry

"Dala niyo naman siguro mga sasakyan niyo" sabi ko

"Yun nga problema dun. Hindi eh" natatawang sagot ni Klein

"Ha?! Pano yan?" gulat na tanong ko sa mga ito

"Eh pano kasi ikaw. Hindi kami prepared tuloy" pang sisisi pa sakin ni Klein

"Tsk. Wag na kayo sumama" biro ko

"Walang problema. They can ride with us instead" sabi ni Sehun

"May gusto ba makisakay samin?" tanong ko

"Meron. Si Khalil. Hindi niya dala kotse niya since sinundo ko siya kanina" sabi ni Atom

"Sure, walang problema" sagot ni Sehun

"Eh" sagot ko tila nawalan ako ng salita dahil sa suhestiyon nila

"Kayo?" tanong naman ni Sehun dun sa tatlo

"Kay utol Atom na ako sasabay" sabi ni Strawberry

"Me too" sabi ni Klloyd

"Me three" ani Klein

"Juskong maga bata to. Gamitin niyo na nga lang yung family van" suhestiyon ni Mommy. Narinig siguro mga pinag uusapan namin.

"Eh, wag na mom. Baka may pag gagamitan kayo eh" sabi ko

"Naku andami naman nating sasakyan diyan" sabi ulit ni mommy

"Hindi na talaga kailangan mommy. Eh kayo hindi ba kayo sasama?" tanong ko ulit

"Nako hindi na. Busy schedule ko. Madami akong ribbon cutting na pupuntahan eh" sabi niya nalang

"Okay po. Oh, pano aalis na po kami" pa alam ko.

"Sige. Mag ingat kayo" sabi ni mommy at tumalikod na

"Oh. Kayo, ilagay niyo na ang mga karga sa kotse" sabi ko at lumabas na kami dala ang mga gamit na kakailanganin namin. Nakasakay na ang lahat. Sumenyas na sila Atom na mauuna na sila. Nag GO sign naman si Sehun.

"Oh. Ready naba" tanong nito nung maka sakay na kami

"Ready!" Excited na sabi ni Chozer.

"Can I seat here?" tanong ni Khalil na ang tinuturo ay ang tabi ni Chozer na nasa back seat. So bali ganito ang posisyon namin.

Backseat:

-Khalil-/-Chozer-/ -Me-

Frontseat

-Sehun which is the driver

"Sure Tito Khalil" sagot ni Chozer na inunahan pa ako. Umupo naman si Khalil sa tabi namin

"Bat hindi ka nag front seat?" tanong ko

"Hmm, sabihin nalang natin na awkward kasi kapag ako na nga yung naki sakay eh nasa harap pa ako umupo. Dapat nga ikaw umupo dun since ikaw ang asawa" sabi nito pero sa labas ng kotse ang tingin. Tsk, ano bang pinag lalaban niya?

"Alam mo kahit buong biyahe mo ako titi-tigan walang mang yayari. Lalapit at lalapit pa din ako sa pamilya mo" sabi niya

"So Khalil. Bakit ka nga ba bumalik pa?"

"Gusto ko kasi tapusin ang mga bagay na iniwan ko dito" seryosong sabi niya.

Ewan anong nangyare at parang may kirot sa puso ko habang sinasabi niya yon. Ibinaling ko nalang kay Chozer na tulog na ngayun dahil sa biyahe ang mga tingin ko. Minsan naiisip ko, sa pabalik balik ni Khalil sa bahay, may nararamdaman kaya siyang lukso ng dugo kay Chozer? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung sasabihin ko ba ito sa kanya o hindi nalang.

itutuloy-

WE GOT A BABY! [Part 2: Baklang Bitter] #MPregWhere stories live. Discover now