Chapter 51: The Death of the Twin/s

1.8K 59 0
                                    

Bigla na lamang may sumabog na kung ano habang nag-uusap kami ni Mom. Nagulat kaming lahat, hindi namin alam kung ano ang sumabog. Hindi kaya ay may sumabog muli na bulkan? May nangyari kayang masama? O kagagawan ito ng Reynang si Queen Emilla?

Ano naman kaya ang gagawin namin? Hindi naman pwedeng sugod ng sugod kami doon, baka makita kami at baka magkaroon pa ng maagang labanan, hindi pa nga kami handa. Kailangan namin ng panahon para makapaghanda, at mapaghandaan ang labanan na mangyayari, kahit isang maikling panahon lang.

Pero paano namin malalaman? Anong pagsabog ba iyon?

Prince Gerald's Point of View
{I am the witness}


Kaming lahat ay nasa kaharian ngayon. Kumpleto at masaya, masaya nga ba? Masaya ba ang pamilya kung puro kasamaan lang ang ginagawa?

Pero kumpleto nga ba? May kulang kasi e. Wala si Prince Hanz, sa katunayan siya ang maituturing na true brother ko kahit na step brother ko lang siya. I know that he knew already na magkasama kami ni Queen Emilla. Gustuhin ko mang tumakas, pero hindi ko magawang tumakas dahil siguradong mapapahamak ako.


Bigla na lamang nagreklamo ang kambal kong kapatid.


"Hanggang kailan ba tayo maghihintay? Tutunganga lang ba tayo dito? Kung hindi pa natin papatayin ang Reyna at mga prinsesa, may posibilidad na aagawin nila ang kaharian NILA" ang sabi ni Elbert.

"NILA? hindi na sa kanila itong kahariang. Tandaan niyo ako na ang nakaupo sa trono" ang sabi ni Queen Emilla.

"

Pero hindi ba natin sila papatayin?" ang tanong ni Felbert.

"Hindi ba kayo makapaghintay?" ang pasigaw na tanong ni Queen Emilla sa kambal.


"Pero..."

"But..."

Hindi pa rin tumigil sa pagrereklamo sina Elbert at Felbert. Hanggang....

"STOP" pansin ko na ang galit ni Queen Emilla.

"Pero kailangan...."


"I said STOP!" Sigaw ni Queen Emilla. Itinaas niya ang kaniyang kamay at itinuro ito sa kambal kong kapatid. May lumabas na berdeng liwanag at sinakal ito ang mga kapatid ko, ang kambal kong kapatid.

Hindi makahinga ang aking mga kapatid. Patuloy pa rin ang pagsakal ng liwanag at mas lalo pa itong humigpit.

"Nasasakatan kami" ang pagmamakaawa ni Elbert.

"Patawad na" pagpapatawad naman ni Febert.

"Akala niyo hindi ko alam ang pinaggagawa niyo. Hinahayaan niyong makatakas si Princess Katara at Prince Hanz noong nasa Kahariang Veranda pa kayo, at naglihim pa kayo sa akin, sa amin, binabantayan ko ang bawat kilos niyo" ang sabi ni Queen Emilla.

So, ibig sabihin binabantayan rin ako ni Queen Emilla. Buti na lang hindi niya nababasa ang isipan ko. Kailangan kong mag-ingat ngayon.

"Tama na Emilla" sigaw ni King Anthon. Hindi na niya siguro kayang tignan na makitang nasasakatan ang mga kapatid ko. Pero ayaw tumigil ni Queen Emilla. Hindi naman magawang gamitin nila Elbert at Felbert ang kanilang kapangyarihan.

Bigla na lang kumanta si Queen Emilla....

"TransfowerTransfowerTransfower"

*boogsh*

Biglang nagkaroon ng liwanag sa katawan nila Elbert at Felbert. At ang ilaw na iyon ay biglang naglakbay papunta sa katawan ni Queen Emilla. Hindi kaya'y......

Nawala na ang liwanag. Wala na ring sumasakal sa leeg nina Elbert at Felbert. Nakahiga sila sa sahig ngayon at nawalan ng malay.

Nawala kaya ang malay o?

Tumakbo si King Anthon kina Elbert at Felbert na sa tingin ko ay patay na. Ano kaya ang ginawa ni Queen Emilla.

"Elbert? Felbert?" ang sabi ni King Anthon habang tinatapik ang pisngi ng dalawa.

"Anong ginawa mo sa kanila?"


"Simple lang naman. Bago ko sika pinatay kinuha ko muna ang kapanyarihan nila para mas lalo akong lumakas" ang sagot ni Queen Emilla.

Natahimik naman si King Anthon dahil alam niyang wala na siyang magagawa dahil mas makapangyarihan at malakas si Queen Emilla kaysa sa kaniya. Umiyak na lamang si King Anthon.


"Iyan ang mangyayari sa mga taong tumataksil sa akin at naglilihim. Kaya huwag niyong subukang magsinungaling, para hindi kayo magaya sa kanila" ang banta ni Queen Emilla sa amin.

Kailangan kong mag-ingat ngayon. Ilang sandali may nagsidatingan na kawal at may binalita sa reyna.

"Mahal na reyna. Patawad po pero nakatakas ang mga bihag" ang wika ng isang kawal.

"Ano!?" sigaw ni Queen Emilla. "Mga wakang silbi" pinatay rin ni Queen Emilla ang mga kawal gamit ang kaniyang kapangyarihan.

Mas lalo nang malakas si Queen Emilla. Triple na ang kapangyarihan niya dahil nadagdagan na.

"Pwes, maghanda sila sa darating na labanan"

KATARA's Point of View
{New Prophecy}

Hindi pa rin namin alam kung ano ang sumabog. Nanatiki pa rin kami sa isang lugar. Nang biglang nanisay si Steve at nahiga sa lupa. Pumuti muli ang mata niya. May bagong propesiya kaya?

"Anong nangyari?" ang tanong ni Queen Olivia.

Nabawasan ng dalawa ang kawal (prinsipe) na nakakalaban niyo....

"Ibig sabihin anim na lang?" ang tanong ko. At kasama pa rin si Hanz sa tinutukoy na anim?

Bumalik na sa dati ang kalagayan ni Steve.

"Yes, Anim na lang. At malapit na ang tinatakdang labanan..."

IBIG SABIHIN NAMATAY ANG DALAWANG KAPATID NI HANZ. SINO NAMAN ANG PUMATAY? SINO NAMAN ANG MGA NAMATAY? MAY KINALAMAN KAYA IYON SA NANGYARING PAGSABOG?




--mr_dedenne--
Thank you for reading!

Ang pangit ng chapter na ito. sorry, practicing lang po ito. Newbie kasi e.

PLEASE: VOTE AND COMMENT
what can you say about this chapter?

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon