Chapter 28: Zircon, The Cold Treasure.

1.5K 98 20
                                    

Ako...

Prince Hanz....

At Princess Melody.....

Na lang ang natira sa paligsahan. Tama talaga ang hinala ko, sinadya niyang kaming dalawa ni Hanz ang matitira na kalaban niya.

Akala niya siguro magaling siya, ibahin mo ako. Ako kaya si Katara na hindi nagpapatalo. Tandaan niyo iyan?

"Ano? Sigurado kayo na matatalo niyo ako?" ang tanong ni Princess Melody. Ang yabang talaga ng babaeng ito, prinsesa pa naman.

"Haha! Matakot ka na Melody, dahil ngayon ipaparanas ko sa iyo kung ano ang pakiramdam kung ikaw ay talo" ang sabi ko sa kaniya. Ngunit isang demonyong ngiti lang ang kaniyang iginanti sa akin.

"Ang galing mo palang magpatawa noh?" ang sabi niya sa akin habang may tumatawa, halatang plastik naman ang pagkakatawa niyo.

Patuloy pa rin ang karera at malayo-layo pa ang finish line. Kaya may oras pa kami na talunin si Melody. Hindi namin napansin, hindi napansin ni Hanz na aatake si Melody sa kaniya.

"Air Flash!" ang sigaw niya. Mula sa kaniyang palad lumabas ang malakas na puwersa at may hangin na lumabas at ito ay papunta sa Pegasus ni Hanz.

Yes, nahulog si Hanz. Hindi ko na inisip ang karera at nagdesisyon akong sagipin si Hanz. Mula sa paglipad namin, kinontrol ko ang sinasakyan kong Pegasus pababa para saluhin si Hanz at para naman hindi siya mahulog at matalo. Buti naman nasalo ko siya bago siya mahulog sa dagat.

"Aba! Niligtas ni Princess Katara si Prince Hanz!" Ang sabi ng M.C.

"Salamat! Katara!" ang tanging sinabi ni Hanz, bilang ganti nginitian ko na lamang siya at niyakap ng napakalupet.

"Sorry Hanz!" ang sabi ko. Nanghihingi ako ng tawad dahil sa ginawa ko, noong ginamot ko ang kaniyang taksil na mga kapatid.

"Kalimutan mo na iyon, ang kailangan natin ngayon ay manalo sa karerang ito!" ang sabi niya. Ningitian ko lang siya.

Tumigil kami sa karera at nanatiling nasa itaas, tumigil na rin si Melody sa karera at nanatili na rin sa itaas.

"Ahh! Nakakatouch, nakakakilig naman kayo!" ang nakakairitang sabi niya. "Sige mauna na ako! Bye!" ang sabi niya.

"SANDALI!" ang sigaw ni Hanz, pagpigil kay Princess Melody.

"Bakit? Lalabanan mo ako?" ang tanong niya.

"Bakit naman hindi?" ang tanong ni Hanz.

"Pwes! Tanggapin niyo ito" ang sabi ni Melody habang itinapat sa ang nakabukas niyang palad. Biglang may lumabas na malakas na hangin mula sa kaniyang kamay, dahilan ng muntikan na kaming mahulog. Huwag naman dahil matatalo kami kung sa gayun.

"Ito pa!" ang sabi niya. Lumabas naman ang mainit na hangin mula sa kaniyang palad. "At ito pa!" ang sabi niya ulit.

Mas lalo akong nanghihina dahil sa atake niya. Napansin ako ni Hanz na nanghihina ako. Lumabas ang pagkalalaki ni Hanz at naramdaman ko ang alaga niya.

"Okay ka lang ba Katara?" ang tanong niya. Nakikita ko na ang galit at inis niya kay Melody.

"Okay lang ako Hanz!" ang sabi ko sa kaniya.

"Wala kang awa! Melody!" ang sigaw ni Hanz.

"Huwag mong seryosuhin ito. It is just a game. Bakit nasaktan ko ba siya? Kawawa naman niya!" ang sabi ni Melody. Plastik!

Puno ng galit at inis ang nakikita ko sa mata ni Hanz.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang kamay at iniharap ang ka iyang palad kay Melody.

"Maghunos-dili ka Hanz!" ang sabi ko sa kaniya.

"Bakit? Aatake ka sa akin? Hindi iyan uubra!" ang kampanteng sabi ni Melody.

Dahan-dahan nag-ipon ng enerhiya si Hanz bago niya ibigay at ilabas ang atake niya para kay Melody.

Dahan-dahan, may lumabas na matatalim na kutsilyo mula sa palad ni Hanz. Hindi niya ito agad inatake at dahan-dahan ito naglakbay papunta kay Melody. Ngayon pinalilibutan si Melody ng mga matatalim na kutsilyo. Maaring masasaktan si Melody kung ipagpapatuloy ni Hanz ang pag-atake kay Melody lalo na't napakadelikado ng kapangyarihan niya.

Hindi na lang namin inasahan na biglang kumuha ng puting piraso ng damit at agad niya ito itinaas at iwinagayway.

"SURRENDER!"

Nagsigawan ang lahat ng mga tao. Nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan.

"Galing mo Hanz!" ang puri ko sa kaniya.

"Hindi Katara, ang galing natin!" ang sabi niya. Ngumiti na lang ako at niyakap ko siya.

[["Galing niyo Hanz, Katara!" ang sabi ni Terri habang pumalakpak.

"Kaibigan namin iyan!" ang pagmamalaki ni Gerome.

"Ang galing mo Katara.." ang sabi naman ni Mateo.]]

Pumunta kami sa may stage at nakita namin ang Reyna ng Sky Castle. Dala-dala  ng dalawang kamay niya ang Zircon Gemstone ang magiging ikalimang gemstones namin.

Agad siya lumapit kay Hanz at iginawad ang Zircon Gemstone sa kay Hanz.

"Dahil ikaw ang nanalo sa paligsahan na ito. Ibinibigay ko ang Zircon Gemstone ang kayamanan ng Sky Castle. Tanggapin mo ito at pangalagaan!" ang sabi ni Queen Airianna.

"Salamat po, pero parang hindi po ito nararapat sa akin. Maybe this treasure is for her!" ang sabi ni Hanz habang dahan-dahang lumalapit sa akin para ibigay ang napanalunang kayamanan. Ako pala ang tinutukoy ni Hanz.

"Talaga?" ang sabi ko. Ibinigay na niya ang Zircon Gemstone sa akin.

Nagpalakpakan ang lahat.....

"Salamat HANZ"

Agad ko ito nilagay sa bag ko. Nang nailagay ko na ito, bigla itong umilaw. Pero mas lumiwanag ito kumpara noong dati.

"Woah!"

Nakakalahati na kami.. Lima na lang ang kulang....

"Hanggang sa susunod!" ang pahabol ni Melody sa amin.

#SPORTSMANSHIP

--mr_dedenne--
Thank you for reading!

Next Chapter?

See yah!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?


Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon