Chapter 7: The Prophesy and the Prophesier

3.4K 153 5
                                    


Isang pagsabok ng bulkan at isang malakas na pagyanig ng lindol ang nangyari.

"Is it the sign?" ang tanong ni Queen Olivia sa kaniyang sarili.

"Queen Olivia! Queen Olivia!" ang sigaw ng babaeng may dalang masamang balita. "Ang propesiya!" sabi ng babae.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nilang PROPESIYA. Nang narinig ni Queen Olivia ang salitang Propesiya agad siya tumakbo nang napakabilis, takbo ng parang hindi babae. Ano kaya ang meron sa Propesiya? Mahalaga ba iyon? Sumunod na lang kami kung saan papunta si Queen Olivia.

Narating namin ang isang nakatagong silid sa kaharian, isang silid na una ko palang nakita. May nakita akong isang lalaking nakahiga sa sahig at nag-iba ang kukay ng kaniyang mata, mula black at naging whole white.

"Anong nangyari?" ang tanong ni Queen Olivia. "Steve! Anong nangyari, magsalita ka" ang sabi ni Queen Olivia sa lalaking si Steve. "Marga! Kumuha ka ng.." ang utos ni Queen Olivia sa babae nasi Marga. Alam ko na kung ano ang ipapakuha ni Queen Olivia, isang maligamgam na tubig at isang panyo pamahid sa mukha't katawan. "Kumuha ka ng isang Panulat at isang papel, bago pa ito magkaroon ng malay, dali!" utos ni Queen Olivia. Ano kaya ang gagawin nila sa Papel at panulat? Iguguhit ba nila ang mukha ni Steve?

Bumalik nga si Marga dala- dala ang mga bagay na binanggit ni Queen Olivia na isang Papel at Panulat. Pagkalipas ng limang minuto tumigil naman sa paggalaw ang lalaki at bumalik sa normal ang lahat.

"Anong nakita mo?" ang tanong ni Queen Olivia kay Steve, imbes na tanungin siya kung maayos na ba siya, Anong? Anong nakita niya?

"Isang Babaeng nakaitim.." ang sabi ni Steve. Bawat salita ni Steve ay isinusulat naman ni Marga.

Gulo! Kapahamakan! Labanan!

Isang babaeng nakaitim na may hawak na malaking sungkod na may puting perlas sa dulo nito. Siya ay malakas at delikado, siya ang sisira sa buhay ninyo. May kasama siyang walong makapangyarihan na kawal at isang napakasama na hari. Isang babaeng may puso ang makakatalo sa kanila at makakapigil sa kasamaan nila.

"Iyon lang Steve?" ang tanong ni Queen Olivia habang hawak sa mga balikat ni Steve.

"Iyon lang ang nakikita kong posibling mangyayari sa kinabukasan" ang sabi ni Steve..

"Siguradong si Emilla ang pakana nitong lahat" sabi ni Queen Olivia. Sinong Emilla, isa rin ba siyang Queen?

"Sino po si Emilla, Queen Olivia?" ang tanong ko. Hinintay ko ang sagot niya ngunit ito lang ang nasabi niya.

"Sasabihin ko sa sa iyo, kasama ang mga kapatid mo" sabi ni Queen Olivia, bakit kailangan pati pa sila sabihan nito?

"Marga! Ipatawag ang Eight Princesses at ipapunta sa Royal Meeting Hall" utos ni Queen Olivia. "Katara! Maaari kang sumunod na sa akin, Gerome at Terri maaari na kayong umuwi salamat sa mga tulong niyo" sabi naman ni Queen Olivia.

"Salamat Terri at Gerome!" sabi ko kina Gerome at Terri sabay ngiti ng seryoso. "Ok! Katara, mauna na kami!" sabi ni Terri sabay akbay kay Gerome. "Bye!"

"Katara! Halina ka na!" anyaya ni Queen Olivia.

Sumunod ako sa kaniya at nakarating kami sa Royal Meeting Hall. Kompleto kaming pumunta sa silid.

Ang siyam na upuan na nakapalibot sa isang mesa ay napuno. Nahsimula ng magsita si Queen Olivia.

"Una sa lahat, may sasabihin ako sa inyo tungkol sa propesiya!" sabi ni Queen Olivia.

Propesiya?

Prophesy?

Rinig ko ang mga bulong at salita ng aking mga kapatid. Akala ko'y ako lang ang walang nalalaman patungkol sa Prophesy.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon