Chapter 17: The Enchanted River.

2K 121 4
                                    


"Tama na ang pahinga, malayo pa ang lalakbayin natin" ang sabi ko kina Terri na namamahinga at nakahiga sa berdeng damo.

"Ito namang si Katara, ang bitter wala ka bang puso? Ine- enjoy pa namin ang pagpapahinga eh!" ang reklamo ni Terri.

"Ang gustong maiwan ay maiwan" ang sabi ko.

"'to namang si Katara hindi madala sa biro" ang sabi ni Terri.

Tumayo na nga silang talo at nag-umpisa na kaming maglakad para makaabot sa pupuntahan namin.

"Katara ano na ang kasunod?" ang tanong ni Mateo.

"Sapphire, The Source of Remedy " ang sagot ko habang binabasa ang libro.

"Gemstone of Water Quirk ba ang hahanapin natin?" Ang tanong ni Gerome.

"Exactly!" ang sabi naman ni Terri.

Maya- maya may narinig kami..

"Wait guys may naririnig ako" ang sabi ko.

"Totoo ba ang naririnig natin?" ang sabi ko.

"May ilog malapit dito!" ang sabi ni Gerome ng napakasaya.

Abot tenga ang ngiti ng mga kaibigan ko. Napansin ko rin ang magandang ngiti ni Hanz na nagpapaguwapo sa kaniya ng husto.

"Makakaligo na rin ako sa wakas" ang sabi ni Gerome habang inaamoy ang mabahong kili-kili.

"Makaka- swimming na ako sa wakas" ang sabi ni Terri.

"Magagawa ko na rin ang mga hobbies like fishing or catching fishes" ang sabi ni Mateo.

"May fishing at catching fishes ka pang nalalaman, masyado kang sosyal pwede mo namang sabihin na mamimingwit ka lang ng isda" ang kontra ni Terri kay Mateo.

"Okay! Tama na. Di ba excited na ka? Pwes! Lakad na tayo dahil excited na rin ako" ang napakasigla kong wika.

Naglakad nga kami habang hinahanap kung saan nanggagaling ang tunog ng ilog.

"Nandito na tayo guys!" ang wika ni Gerome.

"Woah!"

Nanlaki ang aming mga mata ng aming natanaw ang napakagandang ilog. Ang ilog na iyon ay kulay asul,para kang nasa karagatan, kitang- kita mo ang mga isdang nasa ilalim.

Napansin ko sina Gerome at Mateo na nakahanda na, unti-unti nilang hinuhubad ang kanilang damit pang itaas. Ng naihubad ni Gerome ang kaniyang damit, 'di ko inakalang ganun ang magiging istura o reaksyon ni Terri. Talagang napanganga si Terri sa kaniyang nakitang hubog ng katawan ni Gerome. Ngunit hindi naman magpapatalo si Mateo, may laban din siya kay Gerome.

"Terri! Halika na. 'Di sabi mo magsu swimming ka?" ang sabi ni Gerome kay Terri. Mas lalong nabaliw si Terri.

"Ako? Ahh! Sige.." ang sabi ni Terri.

Hindi rin naman ako magpapatalo. Kaya naligo na rin ako at nag-enjoy. Nakita ko si Hanz na nakaupo lang sa malaking bato.

"Hanz! Halika na, samahan mo na kami rito. Walang excepted dito" ang sabi ko.

"Ahh! Huwag na. Dito lang ako" ang sabi niya.

"Halika na Hanz wala munang KJ sa ngayon" ang sabi ni Terri.

"Hanz, halika na!" wika ni Gerome.

"Talagang magtatampo ako kapag hindi ka sasabay sa amin" ang pagbabanta ko sa kaniya.

"Hayy! Sige na nga!" ang napilitang sabi ni Hanz.

Hinubad rin niya ang damit pan- itaas niya. At kita namin ni Terri ang magandang hubog ng katawan niya. Halos maglalaway si Terri sa kaniyang nakita. Kung ihahambing ko silang lahat. Si Prince Hanz ang pinakaHOT sa lahat.

Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon