Chapter 25: What's the Password?

1.6K 104 2
                                    


Ako ay nakasakay sa isang Pegasus ngayon na katabi si Terri. Hindi na ako tumabi kay Hanz dahil alam kong hindi niya ako pinapansin dahil nagtatampo siya sa akin dahil sa ginawa ko kanina sa mga kapatid niya.

Inenjoy ko na lang ang aming paglipad sa itaas. Kitang-kita ko ang magandang tanawin sa ibaba.

"Katara! Tignan mo oh! Ang Kingdom of Valor!" Ang sigaw ni Terri sabay tinuro ang kaharian namin sa kalayuan.

"Ang ganda pala pagmasdan mula sa itaas" ang sabi ni Mateo.

"Oo nga ang ganda" ang sabi ni Gerome sabay ngiti at tingin kay Terri. Humuhupia!

Ilang sandali.

Umungol nang napakalakas ang apat na Pegasus at ito ang dahilan ng muntikan naming mahulog.

"Anong nangyari?" ang sigaw ko.

"May makapal na ulap na nakaharang kaya hindi makadaan ang sinasakyan nating Pegasus!" ang sabi ni Mateo.

"Paano na iyan?" ang tanong ni Terri. "Hindi na natin makukuha ang Zircon Gemstone" ang dagdag ni Terri.

"Ang negative mo. Maliit na problema lang iyan!" ang sabi ko sa kaniya.

"Anong gagawin natin Terri?" ang sabi ni Gerome.

Napansin kong kanina pa hindi tahimik at walang imik si Hanz. Sayang tatanungin ko sana siya baka may suggestions siya. Ano ba ang aming gagawin?

Nagulat ako ng biglang kumilos si Prince Hanz ng walang pasaba sa amin. Hindi man lang siya nagsalita o nagpaalam sa amin. Ginamit niya ang kaniyang espada para pagpalupaluin ang ulap para naman humiwalay at magkaroon ng daan. Ngunit wala pa rin.. Naisipan ni Hanz na gamitin ang kaniyang kapangyarihan. Mula sa kaniyang kamay nagpalabas siya ng maraming kutsilyo at saka ito ibinato sa mga ulap. Wala pa rin, malamang naman hindi mawawala ang ulap dahil ito ay gawa sa hangin.

"Katara, baka pwede mo gamitin ang apat na Gemstone para mawala itong sagabal na ulap na ito" ang suhesiyon ni Terri.

"Okay sige. Try natin" saad ko naman.

Kinuha ko ang apat na Gemstone gamit ang dalawa kong kamay. Iniharap ko ang apat na Gemstone sa makapal at malaking ulap. May mga nagsilabasan na mga dahon at halaman mula sa Peridot Gemstone, mga buhangin at matigas na lupa mula sa Emerald Gemstone, malaki at maraming tubig mula sa Sapphire Gemstone at mga ice spikes at iba pang mga bagay na gawa sa yelon ang lumabas na nagmumula sa Aquamarine Gemstone.

Ngunit gaya ng nangyari... wala pa ring epekto at makapal pa rin ang ulap. Kaya hindi kami makadaan.

Hindi kaya ito ang border ng Sky Castle. Hindi kaya nasa labas na kami ng pinupuntahan namin.

"Ano ba ang gagawin natin. Kanina pa tayo nakadaan kung wala sa daanan natin itong mataba at pesteng ulap na ito" ang reklamo ni Terri.

"Anong peste? Anong mataba? Ang sexy ko kaya" ang sabi ng isang ano..

"Sino iyong nagsalita?" ang tanong ni Terri.

"Sino ka? Magpakita ka?" ang sigaw ko.

"Ay! Hindi niyo ako nakikita ang maganda kong mukha?" ang tanong ng ng isang tinig. Bigla na lamang may lumabas na mukha. Mukha ng isang ulap.

"Ahhh..." ang sigaw ni Terri nang lumabas ang mukha.

Nagulat kaming lahat sa aming nakita. Isang nagsasalita, may mukha at kumikilos na ulap.

"OA niyo parang may nakita kayong multo, ang ganda ko kaya" angbsabi ng ulap. "Ako nga pala si Vorder" ang pagpapakilala ni Vorder sa kaniyang sarili.

"OMG hindi ako makapaniwala!" Ang sabi ni Terri. Talagang hindi makamove on si Terri sa kaniyang nakita.

"Ano ba ang sadya niyo dito?" ang tanong ni Vorder. "Sasali ba kayo sa karera ng mga Pegasus?" ang tanong ni Vorder. Anong paligsahan ang karera ng Pegasus isa ba iyong laro na unahan makapunta sa finish line.

"Bakit ano ba ang premyo ng paligsahan na nasabi mo?" ang tanong ko sa kaniya.

"Kailangan niyong sumali dahil ang premyo lang naman ay isang mamahaking bato. Ang ZIRCON GEMSTONE" ang sabi ni Vorder.

"ZIRCON GEMSTONE!?" ang pagsigaw namin lahat.

"Oo, sasali kami" ang sagot ko.

"So please, padaanin mo na kami" ang pagpipilit ni Terri.

"Wait!" ang sabi niya.

"Bakit?" ang tanong ko.

"Hindi kayo pwede dumaan hanggang hindi niyo sinasabi ang password" ang sabi niya.

""Password?"

"Yeah, isang password!"

"Paano namin sasabihin ang password if wala kang clue, duh!" ang sabi ni Terri.

"Wait lang may RIDDLE ako at ang sagot nito ay ang password!" ang sabi niya

"RIDDLE na namam?" ang tanong with sigaw naming lahat.

"Aha!"

"Oh ikaw na bahala diyan Katara!" ang sabi ni Gerome.

"Diyan ka naman magaling 'di ba?" ang sabi ni Mateo.

"This is just a clue And it is obviously not the answer" sabi ni Vorder.

Here!

With a halo of water.
And a tongue of wood.
Stone as skin I stood.

What's the Password?

"Kaya mo na iyan Katara!" ang sabi ni Gerome.

Hahahaa! Akala siguro ng cloud na ito na magaling ako sa ano mang RIDDLE. Parang alam ko na yata lahat ng RIDDLES e?

So hindi ko na ito patatagalin ang sagot ay...

" *k* **s*l* !" ang mabilis kong sagot. "TAMA ba?"

"Tumpak ganern!" ang sabi ni Vorder.

Biglang bumukas at nagkaroon ng maliit na daanan.

Isang liwanag ang biglang lumabas at ito ay nakakasilaw.

--mr_dedenne--

Thank you for reading!

Pangit ng chapter na ito no?

Good Luck sa next dahil may karerang mangyayari!

PLEASE: VOTE AND COMMENT.
what can you say about this chapter?


Adventure of Princess Katara [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon