14: Lights Off

Beginne am Anfang
                                    

Natigilan lahat ng mga tao sa Party nang magsimulang magpatay-bukas ang mga ilaw nito. Halos magpanic na ang mga tao na nasa party hanggang sa tuluyan ng namatay ang mga ilaw nito pero laking taka nila kung bakit hindi naman uminit ang paligid, sa halip mas lumamig pa ito

"Lights Off please" may nagsalita na babae throughout sa speaker at dineklara nito na lights off lang pala ang lahat

Nagsimula ng tumugtog ang kanta at napansin ng dalaga na nagsisimula na rin magsayawan ang iba pang mga guests sa party kaya humanap ito na pwede makasayaw

Hindi rin makahanap ng makakasayaw ang binata dahil halos lahat ay may kasayaw na, biglang sumagi sa isip niya si Darcy. Humiling siya na sana nandito si Darcy para mayroon siyang makakasayaw at matagal niya na ring nais maisayaw ang dalaga

Hindi pa rin nakakahanap ng makakasayaw ang dalawa, hindi pa man sila nagtatagpo pareho silang umaasa na may makakasayaw

Madilim na ang buong paligid at tanging silang dalawa nalang ang hindi pa nakakahanap ng makakasayaw

"Nasaan si Nikka?" bulong ni Darcy sa kanyang sarili, hindi niya alam kung nasaan si Nikka.

"I hope Darcy is here.." nagulat at napatigil sa paglalakad ang dalaga nang marinig niya ang pamilyar na boses

"Steve?" bulong ni Darcy sa kanyang sarili, hindi niya masigurado kung si Steve ba 'yon, hinanap niya ito at hindi niya sadyang mabunggo ang binata

"Sorry-" they both said sorry in Unison. "May kapartner ka na ba?" tanong ng binata, wala siyang kaalam alam na si Darcy ang taong nakabunggo niya. Hindi sumagot ang dalaga dahil maaaring mamukhaan ng binata ang boses nito kaya tumango nalang siya pero hindi ito alam ng binata dahil masyadong madilim ang paligid at hindi niya lubos maaninag ang dalaga

"May kapartner ka na ba?" inulit ng binata ang tanong at tumango naman ang dalaga pero hindi pa rin sila nagkakaliwanagan hanggang sa kusang hinawakan ng binata ang bewang at kanang kamay ng dalaga at isinayaw ang dalaga

"Looks like wala ka pa ngang kapartner" ani ng binata, nakaramdam ito ng pagkapamilyar nang hinawakan niya ang babaeng nakabungguan niya, hindi niya mawari kung sino ito pero naging magaan agad ang pakiramdam niya sa dalaga

Hindi rin maiwasang manginit ang pisngi ng dalaga nang hinawakan ito ng binata sa bewang at kamay. Bigla niyang naramdaman ang kuryente na tila gumagapang sa katawan nito. Gusto man sabihin agad ng dalaga ang pangalan niya ngunit may pumipigil sa kaniya at ipinagpaliban muna nito ang kanyang pagpapakilala sa halip nakipagsayaw muna ito

"Can I ask your name?" tinanong ni Steve ang dalaga at bigla namang kinabahan si Darcy dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Steve. Habang magkahawak ang kamay ng dalawa diniinan ni Darcy ang pagkakahawak nila sa isa't isa upang masaktan si Steve "I see, siguro hindi ka pa handa"

"Teka, paano kaya kung hindi ako ang kasayaw ni Steve ngayon? Siguro makakahanap ng ibang babae ito. Aha! Huli ka ngayon Steve, unti unti na kitang nakikilala mukhang hindi malayong maging katulad ka ni Liam" bulong ni Darcy sa kanyang sarili pero napatigil sa pagsasayaw si Steve nang marinig nito ang pangalan niya na nagmula sa kanyang kasayaw

"Kilala mo ako?" Nagulat si Darcy nang tinanong siya ni Steve, hindi niya alam na naririnig pala siya ni Steve nagkunwaring naman na walang reaksyon si Darcy at ipinagpatuloy ang kanilang pagsasayaw habang si Steve ay takang-taka pa rin

Operation: Make Him JealousWo Geschichten leben. Entdecke jetzt