Diary Ng Bitter 3

104 5 0
                                    

Zeld POV

AFTER 2 YEARS (2020)

"Happy valentines day mahal"sabi ko at lumapit sa kanya saka siya hinalikan sa nuo isang ngiti ang kanyang isinukli sa akin

"Happy valentines day din love"sabi nito at pinilit na umupo

Ilang taon na ba ang lumipas? 2 years na ata simula ng ma diagnosed siyang may leukemia iniinom niya naman ang mga gamot niya at sumasalang din siya sa therapy pabalik balik lang kasi ang sitwasyon

Yung tipong akala mo magaling na siya,ayus na siya okay na siya,hindi pala kasi after how many weeks lang babalik nanaman siya sa pagiging matamlay or minsan naman lalong lumalala ang sakit niya

Kaya sa loob ng 2 years nandito lang siya sa kwarto niya sa hospital walang ibang ginawa kundi matulog at mag pahinga

Tumigil na siya sa pag aaral dahil sa sakit niya

At sa loob ng dalawang taon naging akin nadin siya sa wakas

February 14 2018 the day na sinagot niya ako kaya ngayung February 14 ito sineselebrate namin ang aming 2 years anniversary at valentines day

Awa,saya,lungkot
Yan ang nararanasan kong imosyon sa loob ng dalawang taon

AWA dahil sa parang pinipilit nalang ni Kitty ang sarili niyang lumaban

SAYA dahil kahit na may sakit siya hindi parin ito hadlang para hindi umibig siya ang nag papasaya saakin kung pupunta ako dito na malungkot open siya sa lahat ng problema ko kaya masasabi kong ANG SWERTE KO DAHIL GIRLFRIEND KO SIYA

LUNGKOT dahil hindi naman maitatanggi na naiisip ko rin na paano kung iwan niya ako? Paano ako?

Narinig ko ang malalim niyang pag buntong hininga kaya hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan

"Love"tawag nito saakin

"Hmm?"tanong ko

"Love pwedeng request?"tanong nito tinignan ko siya at ngumiti

"Ano yun?"tanong ko

"Love gusto ko pag umuwi ka sa bahay namin pumunta ka sa kwarto ko tapos buksan mo yung pink na drawer don tapos may makikita kang isang diary"sabi nito

"Dadalhin ko ba dito?"tanong ko

"Hindi"sagot nito at bumuntong hininga

"Gusto ko sana itago mo ito para saakin"sabi nito at ngumiti

Bigla akong kinutuban sa narinig ko

"Mahal anong ibig mong sabihin?"tanong ko

Isang ngiti ang kanyang ginawa bago ipikit ang mata

"Pagod na pagod na ako love" at doon ko lang napag tanto kong anong ibig niyang sabihin

"Mahal...nandito ako,diba sabi mo ako ang energizer mo? Mahal naman"sabi ko

"Love.....i love you"sabi nito kaya naman hindi ko mapigilang hindi maging emosyonal

"I love you too mahal"sabi ko at hinalikan ang kamay niya

"Mag pagaling ka okay? Nandito lang ako palagi para mabigyan ka ng energy diba ako ang energizer mo?"sabi ko at di na napigilang umiyak

"Love......naiisip mo ba kung saan hahantong ang kalagayan ko?"tanong nito kaya lalo pa akong naging emosyonal

Ayaw kong isipin kung saan ito tutungo

"Ipangako mo saakin na hinding hindi ka magiging bitter okay? Dapat ako parin ang bitter"sabi nito

"Oo naman ikaw ang nag iisang dyosa na bitter sa buhay ko"sabi ko at ningitian siya

"Hindi man ako ang babaeng makakasama mo pang habang buhay....sigurado akong darating siya para palitan ako"sabi nito

"Shhh mahal ano bang sinasabi mo?"tanong ko

"Sinasabi ko lang na malaya kang mag mahal ng bago pag katapos nito"sabi nito

"Ano ba yan mahal anong pag katapos nito? Mahal hindi matatapos ang pag iibigan natin oo matatapos tong pag hihirap mo pero hindi ang tayo"sabi ko

"I love you love"sabi nito at ngumiti

"I love you too mahal"sabi ko at nilabas ang dala kong regalo para sa kanya

"Mahal...dalawang taon na tayong mag kasama"sabi ko habang naka tingin sa kanya

"Dalawang taon na nating sabay na nilalabanan ang iyong sakit "sabi ko

"At sa loob ng dalawang taon na yun napag tanto ko na kahit anong mangyare kahit may sakit ka pa hindi ito hadlang para mahalin natin ang isat isa"sabi ko at pinunasan ang luhang tumutulo sa aking mga mata

"At sa loob ng dalawang taon alam kong pagod ka na pero Mahal sana wag kang sumuko dahil nasa finale part na tayo ng larong to"sabi ko

"Kahit na anong mangyare wag na wag kang susuko dahil Mahal....."putol ko at binuksan ang regalong dala ko

"Dahil mahal pag katapos nito  sa simabahn ang deretso natin"sabi ko at inilabas ang diamond ring saka ngumiti

"Mahal......Will you be my forever?"tanong ko habang seryosong naka tingin sa kanya

Sunod sunod na agod ng luha ang aking nakita sa kanyang muka hindi ko alam pero kinakabahan ako

"Love....."sabi nito at hinawakan ang kamay ko na may hawak na singsing saka ito ikinuyom at tumingin saakin saka ngumiti ng mapait

"I'm sorry" sabi nito
Na siyang nag paguho ng mundo ko

~~~

Tweet me @WoohyunieMe

Last 2 chapter!!!!

Diary ng BitterWhere stories live. Discover now