Dear Ampalaya
Hoy ampalaya may sasabihin ako sayong importante kaya sana naman makinig ka ng mabuti sana this time worth it ng mag sayang ng oras sayo para lang sabihin to
Ampalaya kasi kahapon diba nag paalam ako sayo kasi nga dumudugo ang ilong ko
Ampalaya nakita ni mama ang pag dugo ng ilong ko ampalaya kaya ayun umandar nanaman ang pagiging OA niya pero sinabi ko nalang na daringungu yun dahil sa init ng panahon kaya ayun napanatag naman na ang kalooban niyaKaso ampalaya kahapon din pumunta si Zeld dito sa bahay na surprise naman ako ampalaya kasi kahit na walang pasok nagawa niya akong bisitahin ang bait niya no? Sana lahat ng kaibigang lalaki kagaya kay Zeld may CARE
So ayun nag handa ako ng meryenda para kay Zeld nakakahiya naman kasi diba ka kung hindi ko aasikasuhin ang bisita ko
Napag kamalan nga nila mama na BOYFRIEND ko si Zeld aba eh di nag karoun ng MINI BALAGTASAN sa harap ni ZeldSyempre pinag laban ko ang totoo na BOY BEST FRIEND ko lang si Zeld ayun sa huli umakyat sila mama sa taas bwahahah galing ko diba?
Ang kaso ampalaya habang nag hahanda ako ng meryenda para kay Zeld naka ramdam ako ng pag ikot ng paligid ko akala ko ng nalindol eh kaso nong ilalapag ko na sana ang meryenda sa tapat ni Zeld bigla akong nanghina ampalaya nakaramdam nanaman ako ng pananakit ng ulo yung tipong binibiyak ang ulo ko tapos dumugo ulit ang ilong ko
Grabe ampalaya sana sa next generation may napkin na para sa ilong nakakainis inisip ko tuloy baka may Regla ang ilong ko
Hanggang sa ayun ampalaya nawalan ako ng malay
Ampalaya alam mo ba ang pinaka malalang nangyare?
Yung magising ka na sa hospital room
Ampalaya akala ko nga kinuha na ako ni Lord dahil mabait ako eh yun pala nasa Hospital ako
Una kong nakita yung muka ni Zeld ampalaya siya yung nag babantay saakin sa mga oras na yun
Alam mo ba ampalaya ang daldal ni ZeldSinabi niya kay mama na madalas ako mawalan ng malay sa school at madalas din akong duguin sa ilong aba ampalaya si mama umiral nanaman ang pagiging OA pero ampalaya hindi ko masasabing OA ang nakita ko
Kasi ampalaya pag gising ko buong angkan ng pamilya namin nasa hospital room kung nasaan ako umiiyak silang lahat ampalaya kaya nag taka ako
Hinanap ko kung may patay ba eh wala naman akong nakita pero ampalaya iba ang kutob ko ng mga oras na makita ko silang ganon ang reaction
Lalo na si mamaNapalunok nga ako ampalaya kasi baka patay na talaga ako tapos kaluluwa nalang ako ngayun pero hindi pala ampalaya
Kasi MAMAMATAY PALANG PALA AKO
Ampalaya alam mo ba may sakit ako?
Sakit na mabilis kumalat sa katawan?
Sakit na isang daang porsyento mag cacause ng death ko
Sakit na hindi ko naman ginustoAmpalaya may Leukemia ako
Ampalaya pwede mo bang sabihin sakin
Diba gagaling din ako? Diba ampalaya parang lagnat lang to? Kailangan lang ng PARACETAMOL tapos unting pahinga
Diba ampalaya ilang araw lang gagaling na ako tas back to normal na ulit
Diba ampalaya malayo ito sa mga napapanuod ko sa teleserye? Yun bang mag kakaruon ng sakit na malala ang bida tapos mamamatay tapos hindi manlang mag kakaruon ng HAPPY ENDING ang story
Pero ampalaya hindi naman malala ang sakit na Leukemia diba? Kasi ampalaya mabait akong nilalang kaya hindi ako papabayaan ni Lord diba?
Ampalaya sabihin mo nga sakin ano bang mangyayare pag di ako nag take ng chemotherapy?
Sabi kasi nila mama at Zeld yun daw ang makakatulong sakin para mawala ang sakit ko
Ampalaya bakit ganon? Hindi ko panga nakikilala si Admirer may sakit agad ako?
Healthy food naman ang kinakain ko pero bakit may sakit ako?Ampalaya sorry ah nababasa ko na ang mga pahina mo lintik kasi tong luha ko ampalaya eh hindi ko naman alam kung bakit ako umiiyak hindi ka naman patay pero umiiyak ako
Siguro excited lang akong gumaling
Hoy ampalaya baka ilang araw kitang hindi masulatan kasi nga diba may sakit ako? Pero wag kang mag alala kasi pag gumaling ako kahit mag damag akong mag sulat sa page mo gagawin ko masabi ko lang lahat ng nangyare sayo
Bye na muna Ampalaya mag papahinga muna ako
Nag mamahal pero walang forever
Kitty
YOU ARE READING
Diary ng Bitter
ChickLit|COMPLETE| Kitty The Bitter Yan ang tawag sa kanyang sarili dahil daw sa isa siyang dakilang bitter ng kanilang barangay Mag babago ba siya? O ganon parin siya? Abangan.... Isinulat ko dito sa diary na to ang ilang karanasan na hindi ko kailanman...