Dear ampalaya
Malapit na mag 2018 ampalaya ilang oras na lang at papasok nanaman ang year of the dog
Ampalaya alam mo ba sabi nila kapag daw may alaga daw na aso eh swe swertihin daw sa 2018So ayun ang magaling kong nanay bumili ng aso para daw alagaan
Wow lang ha bakit nong year of the monkey at horse hindi bumili si mama ng unggoy at kabayo?Nakaka inis ampalaya kasi naman yung asong binili ni mama eh dalawa lalakit babae pa
Aba sabi ba naman ng mama ko para daw dumami ang aso at para daw mapatunayan na may foreverWell di na sana ako kokontra about don sa pah dami ng aso eh kaso bitter ang lola mo kaya ayun nag balagtasan nanaman kami kanina ni mama
So asahan mo nang ako ang nanalo dahil talagang todo balagtas ang ginawa ko ampalaya
Hindi lang yun ang nangyare ampalaya
Dahil ilang oras nalang mag babagong taon na aba lahat ng pamilyang AMPALA nag sidatingan sa bahay naminAs in
Pati nga ninuno ng lola ng nanay ng nanay ng tatay ng kapit bahay ng kapit baranggay nandoon so bali nasa 30 pataas kami sa bahay naminSo para kaming sardinas doon ampalaya nakakainis lang kasi yung ilan may amoy aba ang baho ahhh nakaka sira sa bitter kong beauty ang ganong amoy
So ayun ampalaya wala namang lovers sa bahay wala akong nahuling nag lalandian ang kaso yung cake kasi nakakainis
Hindi naman araw ng mga puso ang sine celebrate namin pero bakit heart shape ang cake nakakainis lang dahil pula pa ito
Aba ang ginawa ko kumuha ako ng kuysilyo at asahan mo nang ginawa ko itong broken kahit wala pang new year
Well sorry sila dahil bitter ako namana ko pa to sa lolo ng lola ko na lola ng kapit bahay namin
Huh
Ang kaso asahan mo nang laging eepal ang nanay ko kaya ayun napagalitan nanaman ako
Hindi lang yun ampalaya dahil sa new year nga means bagong taon bagong buhay daw aba sabihan ba naman ako ng nanay ko na mag bagong buhay na daw ako
Ano ako preso? Para mag bagong buhay? Huh umayus sila hindi porket one of the dyosa is ako lang ang bitter gaganunin na nila ako well sorry kasi ako ang itinakda ng mga alagad ko na sumira sa may mga love life
Hindi lang yan ampalaya
Alam mo ba may nag pa deliver sa bahay namin ng isang sakong bigas tapos isang basket ng prutas at mga groceryAba ang lola mo ampalaya nanalo pala sa wawawin bwahahahaha salamat kuya wil
Ang ako ampalaya hindi lang yun ang natanggap ko kasi may letter din na iniabot sakin tas naka paloob don ang salitang
HAPPY NEW YEAR LOVE SANA MASAYA ANG BAGONG TAON MO
LOVE ZSo hindi si kuya wil nag padala niyan kasi Z daw eh
Eh W si kuya wilPero wala akong pake kung sino man ang nag padala non
Ampalaya alam mo may new years resolution ako ito oh
1 lagi akong gagala sa baranggay para manira ng may lablayp
2araw araw kong status sa facebook ang WALANG FOREVER
3 hindi na ako kakain ng ampalaya sa halip ay puro pinapaitan nalang
4 lagi kong sisiguraduhing walang sasaya dahil sa lablayp
Oh yan lang new years resolution ko hahahaha ikaw ampalaya anong new years resolution mo?
Haysy nakaka antok ka talaga kausap bye na nga ampalaya
Happy new year!
Nag mamahal pero walang forever
Kitty
YOU ARE READING
Diary ng Bitter
ChickLit|COMPLETE| Kitty The Bitter Yan ang tawag sa kanyang sarili dahil daw sa isa siyang dakilang bitter ng kanilang barangay Mag babago ba siya? O ganon parin siya? Abangan.... Isinulat ko dito sa diary na to ang ilang karanasan na hindi ko kailanman...