Dear Amapalaya
Hi ampalaya sorry ngayun lang ako nakapag sulat ulit sayo sorry kasi hindi na tuloy tuloy ang pag susulat ko sayo ahh
Alam mo ba ampalaya nong last kong pag sulat sayo nakaramdam ako ng sobrang pananakit ng ulo parang binibiyak ang ulo ko ampalaya ng mga oras na yun hanggang sa nawalan ako ng malay ampalaya
Pero ampalaya change topic tayo kasi iba ang nais kong ikwento sayo
Ito ampalaya may nakikita ako sa wall ko sa facebook na
MALAPIT NA ANG VALENTINES DAY MAY KA DATE KA NA BA?
ganyan ampalaya puro nalang tungkol sa VALENTINES DAY ang nakikita ko sa wall ko
Nakakainis nga ampalaya kasi hindi ko naman alam ang tungkol sa VALENTINES DAY nayunKailan ba gaganapin yun ampalaya? Sorry di ako updated sa mga nangyayare eh
Pero ampalaya may nakikita din ako sa wall ko sa Facebook sinasabi nila na
BAKIT WALANG FEBRUARY 14 SA CALENDAR NILA
Ganon ampalaya tapos may nakikita pa akong post na
BURADO DAW SA KALENDARYO NILA ANG FEBRUARY 14
Aba pwede pala yun ampalaya maka bili nga nang ganong kalendaryo ang cool kasi diba ampalaya February 13 tapos biglang magiging February 15 agad bwahahahahaha
Pero ampalaya alam mo wala na akomg masyadong nakikita sa school namin na couples yan tuloy na boboring na ako naiisip ko baka nag tatago sila saakin dahil takot silang sirain ko ang date ng mga couple na yun pero ayus lang yun ampalaya kasi nakaka ginhawa at walang malaswang nagaganap sa school namin
Ang laki pala ng naitulong ko sa school namin ampalaya biruin mo yun nawala ang mga couples in public bwahahah
Ay ampalaya alam mo ba sinabi ko kay Zeld yung tungkol sa admirer kong laging nag bibigay ng bulaklak at kung ano ano pa saakin
Ayun nagulat din siya ampalaya tapos nag tataka daw siya at iniisip kung ano daw itsura ng admirer ko
Alam mo ba ampalaya unti nalang mapag kakamalan ko na si Zeld na bakla masyado siyang entresado sa admirer ko naiisip ko nga baka naiinggit siya saakin at gusto niya din mag karuon ng admirer
Tapos ampalaya tinanong ako ni Zeld kung gusto ko ba daw makita yung admirer ko syempre naman ang sagot ko oo para makapag pasalamat ako sa admirer ko na walang sawang kaka padala saakin ng kung ano ano
Kanina nga naka tanggap nanaman ako ng isang basket ng prutas at bulaklak ampalaya napaka bait talaga ni admirer ampalaya may note pang kasama
Nakalagay doon
FEBRUARY 14 BE MY DATE
Psh anong ibig sabihin non ampalaya?
Mag kikita ba kami ni admirer ampalaya? Pero kung mag kikita kami okay game para makapag pasalamat na ako sa kanyaAlam mo ba ampalaya na prapraning na ata ako kasi naman ampalaya.....
Hayst sa susunod ko nalang i kwe-kwento sayo ampalayaAlam mo ba ampalaya ang dami kong gustong ikwento sayo kaso dumudugo nanaman ang ilong ko bye muna ampalaya
Nag no-nose bleed nanaman ako buti di nauubus dugo ko sa ilong no? Bye muna ampalaya
P.S ang boring mo parin kausap
Nag mamahal pero walang forever
Kitty
YOU ARE READING
Diary ng Bitter
ChickLit|COMPLETE| Kitty The Bitter Yan ang tawag sa kanyang sarili dahil daw sa isa siyang dakilang bitter ng kanilang barangay Mag babago ba siya? O ganon parin siya? Abangan.... Isinulat ko dito sa diary na to ang ilang karanasan na hindi ko kailanman...